Nauna siyang naglakad sa akin papasok sa restuarant. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago sumunod sa kanya. Binuksan niya ang pintuan at hinintay akong pumasok. Nagtama ang aming tingin na lubos kong kinagulat.

He smiled at me which made my heart pound again. His dimples were visible the moment he smiled. I smiled back trying to calm myself before going inside. I did not look back. I followed the two couples who were looking intently at each other as they were heading towards a four seat couch with a table in between.

Malawak ang restaurant na iyon at sa aking palagay western na cuisine ang pinuntahan dahil sa kulay puti at asul na tema ng disenyo noon. Kulay itim naman ang kulay ng mga lamesa sa loob nito.

Umupo kami malapit sa bintana ng restaurant kung saan makikita ang dagat at mararamdamam din ang simoy ng hangin na nagmumula sa labas.

I sat in front of the two couples silently as they giggled. I glanced at the windows and I was mesmerized by the view.

Inabot sa table namin ang menu. Ramdam ko na ring may umupo sa aking tabi dahil medyo lumundo ang sofa na  aking inuupuan.

"What do you want to eat, brother?"  tanong ni Colton sa kanya. I glanced at him and thankfully he was looking at his phone.

"The scallops with carbonara as usual," tipid na tugon niya.

Binuksan ko ang menu nila at halos mapanganga ako sa halaga ng bawat putahe na nakalagay roon. Alam kong mayaman kami ngunit hindi ko akalain na halos ang pinakamura nilang putahe ay nasa tatlong daan ang halaga.

"Huwag mo tignan presyo, Lex. Ako ang magbabayad. Anong gusto mong kainin?" tinikom ko ang aking bibig ng mapansin pala iyon ni Colton.

Naghanap ako sa menu ng walang seafood pero bigo ako. Napakagat ako ng labi at gusto sanang sabihin na bawal sa akin ang naroon sa menu.  Magsaslaita na sana ako ng nagsalita si Luke.

"Order something that doesn't have any seafood," bumaling ako sa kanya at nakatitig din siya sa akin.

"I think she's allergic to that." napakurap ako hindi ko akalain alam niyang bawal ako sa seafood.

Did my brother Levi tell him about me? Or did he ask Kuya Leon?

Napakagat ako ng ibabang labi at bumaling kay Steve.

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa kanyang kapatid at sa akin. Si Charlotte naman ay napatakip ng kanyang namumulang pisngi na tila ay kinikilig.

"Uhmm, tama siya hindi ako pwede sa mga seafood. May adobo ba sila rito or kahit tinola?" nahihiyang sabi ko. Umiling-iling si Steve.

"I'm sorry, Lex. Seafood restuarant kasi itong napuntahan natin. Hindi ko alam na bawal ka pala sa seafood," paumanhin na sabi ni Steve.

"Pwede naman tayong maghanap ng ibang restaurant para maka-"

"Stay here. I'll talk to the chef of this restaurant if they have some ingredients to make you something." naputol ang sasabihin ni Charlotte ng magsalita si Luke at walang pasabing tumayo at naglakad patungo sa kusina ng restuarant.

"It looks like someone is really concerned about you, Lex. Hindi yan ganyan sa akin at minsan hindi pa yan nagsasalita," kumento ni Charlotte. Namula ang aking mga pisngi.

"Hindi ganyan kapatid ko. He usually doesn't care about anyone the way he acts now. Looks like he's smitten. Anong ginawa mo sa kapatid ko, Lex?" asar ni Colton sa akin.

"H-hindi naman ata. Kayo naman malamay niyo nagiging mabait lang," pagtatangi ko sa kanilang mga sinasabi. Umiling-iling si Charlotte.

"I can tell by the way he looks at you. Hindi niya alam mga hilig ko nung una kaming nagdate at hindi niya ako kinausap," ani ni Charlotte. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinisil.

Napalunok ako. Gusto kong mawala ang feelings ko para sa kanya.

"Just what I told you, Lex. It's just that he still can't tell you what he really feels."  sabi naman ni Steve.

I was torn whether I would let my heart decide or would I refuse?

Natahimik ako ng matapos sabihin iyon ni Steve. Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga alon. Dumating ang waiter sa table at kinuha ang mga order nila Steve at Charlotte. Hinayaan ko sila mag-usap dalawa habang inabala ko ang aking sarili sa aking cellphone.

Luke:

Would you like Adobo or tinola for lunch?

Nanlaki ang aking mata ng makita kong nagtext siya sa akin. Kinalma ko ang aking sarili bago nagtipa.

Me:

Okay lang sa akin ang adobo.

Matagal na rin kasi simula nung hindi ako nakakain ng adobo dahil ang niluluto sa bahay ay puro pork na iba-ibang luto.

Luke:

Adobo it is.

I found myself smiling at his last message. I slowly faded when I saw my brother's chat on my messenger.

Kuya Leon:
I'll be home this afternoon. Pupunta ako sa gig nila Levi. See you soon, baby sis.

Para akong nawalan ng gana sa aking nakita at pinatay ang aking cellphone. Hindi ko alam kong ano ang dahilan pero nakaramdam ako ng kaba. Ang alam ko ay bukas pa ang balik ni Kuya Leon.

What changed his mind?

"Here is your order, Sir and Maam," saad ng waiter habang nilagay sa lamesa namin ang mga inorder nila Charlotte at Steve. Tatlong plato ang naroon dahil sa aking palagay kay Luke ang isa.

Nasaan na kaya siya? Ilang minuto na ang lumipas ah.

"Your food will be here in a minute, ma'am. Yung fiancee niyo po ang nagluto nun." namula ang aking pisngi sa kanyang sunod na sinabi.

Nakita kong napatawa ang dalawang magjowa sa aking harapan ng makita ang aking reaksyon. Ngumisi si Steve at bumaling sa kusina ng restuarant.

He really cooked for me?

I slowly glanced and there I saw him walking out from the kitchen of the restaurant holding a tray with a bowl covered with a metal bowl that is used in the restaurant.

My lips parted as I saw him. His hair was a bit wet because of the sweat and his gaze was fixed at me. He slowly walked towards our table. He placed the tray and then opened the dish bowl revealing an adobo with some fried rice.

"Finish this, you still have classes at 1pm," sabi niya bago umupo sa aking tabi. Napakurap ako at pinagmasdan ang aking plato.

Hindi ko alam na marunong pala siya mag luto.

"Yung sa akin Luke. Wala ka bang niluto para sa akin?" singit naman ni Steve.

"Shut up, twin." tipid na sa sabi ni Luke at kinuha ang kanyang pagkain. Nanalangin muna kami bago nagsimulang kumain.

"T-thank you," nauutal na bulong ko sa aking katabi. Hindi ko siya tinignan at nagsimulang kumain.

Sa una kong subo ng pagkain ay nanlaki ang mata ko. Eto ang unang beses na muli akong nakatikim ng adobo.

It reminds me of what my mom's cooking skills taste like. It has the balance of saltiness, sour and sweetness. The meat was so tender. I continued to eat and chew the food slowly as I savored it.

"Luke, do you have any plans after college?" umangat ang aking tingin ng magsalita si Charlotte. Hindi ko namalayan na patapos na din silang kumain.

"I guess I would help my father's business expand in Canada and maybe to be a musician," rinig kong tugon niya. Padabog na binaba ni Charlotte ang kanyang kubyertos sa kanyang plato at seryosong tumingin kay Luke.

"Magtapat ka nga sa amin, Luke. Do you like Lexie?" napatigil ako at napatingin kay Charlotte. Naramdaman ko ang aking kaba at ang pagngisi ni Steve sa akin.

Bakit parang hindi ko na gusto itong dalawang ito dahil sa tanong ni Charlotte.

I slowly glanced at him and saw he stopped eating his food. He glanced at me and looked intently with his eyes. He slowly smiled and nodded.

"I like her and I want to pursue her." my eyes widened and my heart began to pound again like crazy.

Then I realize I was torn.

Behind The Scars (Serviano Series # 1)Where stories live. Discover now