Meet Again

22 3 0
                                    

SA WAKAS, sa ilang araw na itinagal ko sa hospital ay makakalabas na rin ako. Walang pinagkaiba ang kulungan sa hospital, pareho nitong ipaparamdam sa iyo ang pagiging mahina at walang laban. Hindi ako nababagay sa ganitong mga lugar.

Hindi ko hahayaan na makabalik ako muli, isa man sa dalawang lugar na iyon. Pipiliin ko na lamang ang mamatay ng malaya kaysa ang mamatay ng nakakulong at hindi lumalaban.

"Hooooy! Ulan na may kidlaaat! Lintik sa imahinasyon, ah! Tuleg lang? Tuleeeg!?" Salubong ang kilay kong tiningnan si Zhiena. "Ano? Kanina pa ako salitang-salita rito hindi mo pa rin pinapansin!? Anteh, kanina pa galit sa'kin 'yung mga bruhang nurse kase ang ingay ko raw!"

"Nagsasabi lamang sila ng totoo."

"Wowers, Tol! Makatotoo ka riyan parang hindi naman ikaw ang dahilan! Kung umaalis ka kaya riyan sa daan at pinapapasok mo ako, ay 'di sana ay hindi na tayo pinagtitinginan ngay-on!"

Napalingon ako sa paligid sa sinabi niya. Totoong nasa amin ang paningin ng halos lahat. Narito pa ako sa labas ng hospital at parang tangang nakatulala. Nangiwi akong naglakad papunta sa kabilang pinto ng kotse.

"Tingnan mo 'tong bruhang ito! Hindi man lang ako tinulungan! Buwisit ka talaga! Kung hindi lang malakas si Tito Es ay talaga namang hinampas ko na sa'yo 'tong mga gamit mo!"

Inihaba ko ang aking kamay upang tulungan siyang ipasok ang kaunting gamit. Pareho kaming sumalampak ng upo sa kotse nang makapasok. Narinig pa namin ang mahinang tawa ni Ester na siyang magmamaneho.

"Hindi ko alam kung bakit nagtagal pa ako sa hospital ng ilang araw at kasama ka pa." Pagpaparinig ko rito.

"Hoooy! Kung wala ako siguradong lulumutin at lalawain ang kuwarto mo sa kaboringan ng buhay mo!"

"Sana talaga ay napatingnan din natin iyang bibig mo," kunwari ay nag-aalala kong turan.

"At bakit naman!?" Malakas pa rin nitong tanong. Napapikit akong ikinalma ang sarili. "Hoy! Ano?! Bakit, ha! Bakiiiit!?"

"Para malaman natin kung dati ka bang nakalunok ng megaphone!" Sigaw ko na rin sa kaniya.

Nagsimula ang biyahe at iiling-iling naman si Ester sa amin. "Parang bago naman sa'yo! Psh! Ang boses ko ang puhunan ko sa mga contest, no! Arte mo!"

"Sanayin mo kaya ang sarili mong magsalita ng mahinahon? O 'di kaya ay kahit hinaan mo ang volume! At ang pananalita mo, para kang hindi babae---"

"Wow, heavy, Tol! Nagsalita!"

"See?" Natatawa akong umiling sa kaniya. "Kaya walang pumapatol sa'yo, e."

"At sa'yo ay may pumatol!? Pasalamat ka nga at hindi ako nagbabago!"

"Hindi ka nga nagbabago, palala ka nang palala."

"Excuse me!"

"Dadaan ka?"

"Ewan sa'yo! Magaling ka na naman kaya ka ganiyan! Siguro kaya ka natutulala kanina ay nag-iisip ka na naman kung paano ka gagawa ng kalokohan!" Nilingon ko ang labas at doon tumutok. "Grow up, Rainy! Hindi na tayo bata para gumawa ng ikakasira ng buhay natin! Kailangan natin enjoy-in ang mga nalalabi nating buhay! Explore new things, ika nga nila!"

"Huwag kang mag-aalala. Mabilis akong magsawa kaya talagang mga bago ang e-explor-in ko."

"Mga bagong ano? Bagong paghihirap? Kung ano mga bagong paraan para manakit?" Sa gilid ng mata ay kita ko ang paglingon niya sa akin. "Magbago ka na, Reign. Please lang. Nandito na ako kaya hindi ka na puwedeng kung ano-anong kalokohan ang gagawin---"

Kunot ang noong napalingon ako sa kaniya. "Ano!? Ayaw mo!? Duh! Dito na rin ako mag-aaral---kung saan ka napasok! Babantayan kita, no! Ayokong kapag umalis ako ulit at bumalik dito ay malamig na bangkay ka na!"

The Rugged Doraemon Where stories live. Discover now