Miata

15 3 3
                                    

REIGN'S POV

Natigil ako sa paghakbang sa baitang nang muling bumalik sa akin ang ala-alang ganito ang senaryo. Mayroong dalawang babaeng nakahawak sa akin habang ang mga kamay ko ay nasa likuran.

Itong lugar din na ito ang aking napuntahan nang paratangan ako ng kung sino-sino lang. Ito ang lugar na halos ayaw ko nang puntahan, ayoko nang tingnan, ni ang maalala man ay sobrang ayoko.

Sa isip ko ay napangiti ako ng mapait.

"Ano'ng kaso niyan?"

"Mukhang minor pa iyan, ah?"

Hindi ko pinansin ang pag-uusap ng mga walang kuwentang taong iyon. Hindi sila ang dati kong nakaharap. Siguro ay sa sobrang tagal na noon ay nagretiro na ang iba.

"May nakuhang baril sa kaniya. Isa siya sa nawawalang estudyante sa school trip na naganap sa PSL. Maari bang alamin mo ang background niya?"

"Background po niya?"

"Oo. Siya si..." Nilingon ako ng babaeng may katabaan. "Ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong niya.

Hindi ako nagsalita kaya pinagkatitigan niya ako. Nilabanan ko iyon ng walang bakas kahit na kaunting ekspresyon. Pasimple akong nangisi nang siya rin ang magbitaw ng paningin.

Nawala na naman sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila. Namalayan ko na lang na narito na naman ako sa loob. Kung saan may mga baras na nakatayo sa aking harapan.

Katulad ng dati, halos lahat ay sa akin nakatingin, iyong tingin na tipong nanghuhusga na agad. Wala pa mang hatol ay makasalanan ka na. Ang pinagkaiba lang siguro ngayon ay iyong ako lang ang umaakupa dito sa silid.

Nailing ko ang ulong bumuntong hininga nang malalim. Naglakad ako papunta sa dulo ng silid kung saan hindi gaano kita. Doon ay pumwesto ako. Umupo akong naka-angat ang isang tuhod upang doon ipatong ang braso.

Taas ang mukha kong ipinikit ang mga mata. Kinakalma ko ang sarili upang hindi makapag-isip ng kung ano. Sinubukan kong gawin ang sinabi sa akin noon, huminga nang malalim at mag-relax lamang.

Inabot yata ako ng ilang oras sa ganoong puwesto, hindi ko na namalayan ang oras sapagkat wala naman akong dalang relo. Nagmulat ako ng mga mata at tumitig lang sa kawalan. Hindi ko alam kung saan at paano ito nagsimula. Kung bakit nangyayari na ulit ang bangungot na akala ko'y hindi na muling babalik sa reyalidad.

Napakurap ako nang marinig ang kalantog ng baras. Tatlong beses muna iyong pinalo bago ko marinig ang yapak na papaalis. Pinakiramdaman ko ang taong iyon na naiwan sa harap ng selda ko.

Masyadong madilim ang kinatatayuan ko ngunit batid ko ang pag-aalinlangan ng taong iyon. Napatawa ako nang mahina nang marinig ko siyang umubo ng kunwari. Mabagal na kumurap ang tingin ko paibaba.

Siya na naman.

"A-alam kong h-hindi ka okay...k-kaya gumagawa na ako ng paraan para makaalis ka rito. Alam ko rin na hindi ka komportable sa lugar na ito pero tiisin mo muna hanggat hindi pa maayos ang mga dapat ayusin. Huwag kang mag-alala, ngayong araw din na ito ay paalisin kita d'yan. Gagawin ko ang lahat para makaalis ka d'yan, Ring---"

"Pfft." Hindi ko maiwasang matawa na naman nang marinig ang pangalan kong binanggit niya.

"Kung natatakot ka ay hindi kita iiwan dito, Ring. Sasamahan kita dito kahit gaano pa katagal 'yan. Basta kumalma ka lang, ha? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Ang nakaraan ay nakaraan na kaya dapat ay---"

"Dapat ay alamin mo muna ang tamang pagbigkas ng pangalan ko." Pagpuputol ko sa kaniya.

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Ring naman! Na ito na at nag-aalala ako sa kalagayan mo tapos ay iyong pagbanggit pa ba naman ng pangalan mo ang aatupagin ko?"

The Rugged Doraemon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon