Nobita

99 3 0
                                    

Nakatungo akong naglakad papasok sa campus, paika-ika ako dahil hindi pa gaano nagaling ang kanan kong paa. Tatlong araw na nang mangyari ang insidente. Ngayon lang ako pumasok dahil kahit kaunti ay gumagaling na naman ang bali ko. Iyon nga lang masyado akong mabagal kumilos.

Ayokong tingnan ang mga tao. Alam ko naman na kahit sa isip ay pinagtatawanan nila ako. Ayoko na sana ang pumasok dito kaso ayaw kong mamroblema na naman sila Mommy kung saan ako papasok, lalo na si Kuya Khaizer. Magagalit din sa akin si Father.  

"Kiss!" Nilingon ko si Mark. "Kiss! Ikaw nga! Mabuti naman magaling ka na!" Malakas ang boses na sabi niya habang palapit sa akin. "Medyo hindi pa pala." Kabig niya.

"Hindi, ayos na ako."

"Tara, akayin kita!" Hinawakan niya ako sa braso. "Dapat hindi ka muna pumasok kung hindi pa gaano magaling 'yang paa mo."

"Magaling na 'to. Hindi ko lang maiapak pa ng tuluyan kase sumasakit talaga."

"Dahan-dahan lang." Inakay niya ako paakyat ng hagdan. "Dapat nagdala ka ng saklay."

"Hindi na kailangan, kaya ko naman." Paunti-unti kaming umakyat at kahit papaano ay nakakaraos naman.

Nang muli kong ihahakbang ang isang paa sa huling baitang ay may biglang dumanggil sa akin dahilan upang mawalan ako ng balanse. Mabuti na lang ay nasalo ni Mark ang baywang ko at hinapit sa kaniya dahil kung hindi ay nahulog na ako. Hindi ko mapigilang lingunin ng may masamang mukha ang taong iyon.

"D-doraemon...?" Naatras ako nang lingunin niya ako nang may mas masamang mukha.

"Bakit ba hindi ka nag-iingat! Alam mong may dumadaan, eh!" Asik ni Mark dito.

Tiningnan siya nito ng nakangiwi. "Daig niyo pa ang mga langgam kung umakyat, nangdadamay pa kayo."

"Alam mo na namang may bali ang paa 'di ba? Malamang mahihirapan maglakad!"

"Hindi ko na kasalanan kung bakit lampa iyang boypren mo." Aniya na ikinagulat ko.

"H-hindi ko siya---" Hindi niya ako pinatapos magsalita. Pasiring niya kaming tinalikuran.

"Tch! Huwag mo na lang pansinin 'yun." Muli niya akong inakay sa paglalakad.

"P-puwede bang magtanong, Mark?"

"Ano 'yun, Kiss?"

Nailang ako bigla. "Ahm...kase n-nagtataka ako kung bakit k-kulay asul 'yung kaklase natin?"

"Si Reign ba?"

"Rain ang pangalan niya?"

"Oo, siya lang naman ang kulay blue na kaklase natin."

"B-bakit nga k-kulay asul 'yon?"

"Hindi ko lang alam,"

"G-ganoon ba talaga ang kulay niya?"

"Hindi. n'ung saktong pasok mo dito nakita ko gano'n na siya."

"I-ibig sabihin; h-hindi 'yun ang tunay niyang k-kulay?"

"Oo naman, baka napagtripan nga lang siya kaya gano'n." Napaisip ako.

Ano kaya ang hitsura niya kung hindi siya kulay asul? Maputi ba siya o maitim? Makinis kaya siya?

Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng pinto ng room namin sa kakaisip kung ano ang hawig ni Doraemon kung hindi siya kulay asul. Nalunok ako nang makita si Doraemon na nasa unahan at nakatayo roon na animo'y naiinip na.

Lahat sila ay nilingon kami. "Mr. Agnello and Mr. Lopez!" Pagtawag sa amin ng guro.
"You're right, Ms. Mendez. You can go back to your sit now." Baling nito kay Rain.

The Rugged Doraemon Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz