School Trip

53 4 2
                                    

Ang malalakas na tawanan ng magkakaibigan ay hindi ko maiwasang kainggitan. Narito ako sa isang gilid kung saan hinihintay ng lahat ang school bus ng bawat seksyon. Dala ko ang malaking backpack at isang duffel bag sa kanang kamay at hinihintay si Mark na makabalik.

Inaya siya ni Reywell sa kung saan. Ang sabi nila ay inutusan daw sila ng mga guro kaya medyo matatagalan sila. Nasa harap ko ang bag na iniwan nilang dalawa kaya sobrang dami kong dala. Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao kaya tumutok lang ako ay sa cellphone ko.

Hinanap ko ang pangalan ni Doraemon sa facebook pero wala akong makita. Kung ano-ano na ang ni-search ko ay hindi pa rin lumalabas ang kaniyang mukha. Nagbabaka-sakali akong mahanap siya upang i-chat kung nasaan na ba siya. Kanina pa ako palingon-lingon sa kung saan at hinahanap siya.

"Hindi na darating 'yon." Bahagya akong napalingon sa likuran ngunit hindi ko tiningnan kung sino ang mga iyon.

"Hahahaha! Kailan ba 'yon tumupad sa pangako? Sa kaibigan nga ay hindi niya 'yon nagawa, paano pa kaya sa hindi niya gustong tao?"

"Kaya, 'siya' talaga ang mang-gagamit!" Nabalot ng tawanan ang likuran ko.

"Buti talaga hindi ko kinaibigan ang kagaya niya."

"True! Mga plastik! Uhaw sa grades."

"Lagi pang nakikipagkompitensya, wala namang kaya."

"Tanga lang ang gugustuhing kaibiganin ang kagaya niyang kriminal."

"Sinabi mo pa!" Muli silang nagtawanan habang ako ay napatungong napatitig sa pangalan na nakapaskil sa screen ko.

Reign Rose Mendez.

Sobrang ganda ng pangalan niya. Sobrang ganda ng katangian niya. Sobrang ganda niyang magalit. Sobrang ganda niya mainis. Sobrang ganda niya para sa akin. Hindi man iyon makita ng iba ay para akong tinatakpan sa mata upang mabulag sa katotohanan kung sino ba talaga siya.

Sa tuwing kausap kita ay hindi ko alam kung bakit parang laging lumulundag ang puso ko. Sa tuwing masisilayan ko ang kakaibang ngiti mo ay natitigilan ang mundo ko. Iyon ang naging dahilan upang hindi ko makita ang tunay na ikaw.

Naramdaman ko ang pagbangga sa akin ng mga ibang estudyante nang magmadali sila sa pagsakay sa kanilang mga bus. Natulala kong tiningnan ang mga kaklase kong tinatanaw ako at inaaya. Hindi ko na rin napigilan silang kunin ang bag nina Mark dahil sa iniisip.

Sa anong bagay niya ako magagamit? Ang kagaya kong walang kuwenta?

Hindi ko namalayan na hinila na ako ng mga kaklase kong babae sa loob. Nang makakita ako ng free na upuan ay umupo agad ako. Inilagay ko ang hawak na bag sa katabing bangko bago tumunghay sa labas.

Para din ba sa grades?

Nakagat ko ang labing napakurap-kurap na natungo. Nalilito na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-alangan ako kay Doraemon. Ang bad ko kase sinabi ko sa kaniya na naniniwala akong mabait siya tapos nag-iisip naman ako ng masama tungkol sa kaniya.

"Alisin mo nga 'to, nang makaupo ako!" Nagulat ako nang marinig iyon. Agad akong nag-angat ng paningin.

"D-doraemon...?"

Nakasuot siya ng kulay fawn na polo shirts na tinernuhan ng cargo pants na kulay ivory. Ang basa at tumutulo pa niyang magulong buhok ay hindi naging hadlang upang hindi ko siya makilala.

"I-ikaw ba si D-doraemon...?"

Napangisi siya. "Hindi na ako kulay asul kaya hindi mo na naman siguro ako tatawagin na gano'n?"

The Rugged Doraemon Where stories live. Discover now