“Wala kang ibedensya na may ginawa kaming masama kay Dad!” sigaw ni Mavietta.

Tumabingi ang ulo ni Airleya, at walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito. Bagkos nakakamatay ang titig nito dahilan para maramdaman ni lady Aghamora iyon.

“Do I need to?” wika nito sa malamig nitong boses.

“Sir Anderson, sir Exter, sir Ceasar.” tawag niya sa tatlo. At kaagad na bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na tinawag ni Airleya na nasa labas lamang ng silid.

“Ano ang maipaglilingkod namin, lady Airleya?” tanong ni sir Ceasar, na hindi napigilang mapatitig sa ginawa ni Airleya.

Maling tao ang binangga ng mga ito.” Wika ng isipan ni sir Ceasar sa kanyang sarili.

“Kaya mo bang buhatin ang papa ko, sir Ceasar?”

“Saan ko po siya dadalhin?”

“Dalhin mo ang papa ko sa 'king silid. Wala kang papapasukin na kahit sino sa silid ko.” utos ni Airleya, at kaagad na pinasakay sa likod ni sir Ceasar ang walang malay na Count.

“Sir Exter, pumunta ka ngayon din sa Whitlock. Sabihin mo sa Baron, na kailangan ko ang magaling niyang scholar na bihasa sa potion at magic manipulation.” sunod na utos ni Airleya kay Sir Exter na kaagad umalis.

“Sir Anderson, suriin mo lahat ng mga papeles sa silid na ito. Ikaw ang may alam dito bukod sa papa ko. Kapag may nawawala sabihin mo kaagad sa akin.” utos niya kay sir Anderson, na mabilis tsenek lahat ng mga papeles sa loob ng silid.

Nanatiling nasa kinatatayuan ang apat na ahas sa buhay ni Airleya na hindi alam kung paano makakalabas sa silid. Hindi nila alam na magiging ganito ang kinalabasan ng plano nila. Ang akala nila ay hindi mahahalata ni Airleya ang pagbabago sa ama nito pero nagkamali sila. Hindi naayon sa gusto nila ang nangyayari ngayon sa kanila.

“Hindi ba uso sa bokabularyo niyo ang salitang; Expect the unexpected?” tanong ni Airleya kay lady Aghamora na mabasa niya ang nasa isip ng madrasta niya. Hindi siya mind reader pero sa mga oras na iyon, basang-basa niya kung ano ang mga nasa isip nito.

“Ahmm, lady Airleya may dalawang bagay na nawawala." Mabilis pa sa alas-kwatro na bumaling ang mag-iina dahil sa sinabi ni sir Anderson.

“Wala kaming ninakaw! Hindi kami magnanakaw!” pagtatanggol ni Charlestina. Na pinipilit na tumayo pero hindi nito magawa dahil sa ginawa ni Airleya.

“Talaga? Marami kayong ninakaw sa akin, limut mo na ba Charlestina? Gusto mo isa-isahin ko?” ani Airleya at nilingon si Charlestina na nawalan kaagad ng imik ng magtama ang mga tingin nila ni Airleya sa isa't -isa.

“Ano ang nawawala dito sir Anderson?”

“Ang last will testament ng ama niyo, at ang susi ng Briarlaine treasure.” saad ni sir Anderson, at kaagad na ginawan nang paraan ni Airleya para mahanap kung kanino sa apat na ito ang himahawak.

Makalipas ang ilang minuto, nakuha ni Airleya ang dapat niya makuha. Ayaw niyang patikimin ng kasaganaan ang mga ito. Pagdating sa mga ganitong tao, wala siyang natitirang kabaitan.

“Paki-tawag ng mga kabalyero dito na magdadala sa mga hinayupak na yan sa dungeon.” huling utos ni Airleya kay sir Anderson, at kaagad na lumabas ito upang tawagin ang mga knights na magdadala sa mag-iina sa Briarlaine dungeon.

“A-anong g-gawin mo sa amin?” tanong ni mavietta.

“Para saan ba ang dungeon, Mavietta? Dadalhin ko kayo doon para mag family bonding kayong mag-iina bago ko kayo patayin.” anito bago lumingon sa pinto ng pumasok sa silid ang mga knights. “Seguraduhin niyong walang makakatakas sa kanila. Kundi kayo ang papatayin ko.” banta ni Airleya sa mga knights. Na ramdam nila ang galit nito.


AIRLEYAWhere stories live. Discover now