"Shana, you have to prepare." Aniya. Bumagsak ang braso ko sa narinig bago ko hinarap si Augustine.

"Aalis muna ako." Paalam ko. Tumango siya.

"Hihintayin kita. Manunuod ako ha, Prinsesa?" biglang sabi niya. Napalunok akong bigla sa narinig. Inatake ako ng kaba sa nalaman pero wala na akong nasabi noong hinila na ako ni Charles para mag ensayo.

'Let's go, let go!

Hold on to me oh, oh!

Let's go,

I'm a let you know!'

Pang pito ako sa mga kasali para sa short program. Noong ako na ang tumayo ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kamay. Ramdam ko ang mga mata ni Augustine na nanunuod sa likuran ko. Noong inilagay ko na ang arrow sa aking bow ay napahinga ako ng malalim. Sinubukan kong kumalma at noong pinakawalan ko ang pana ay bahagya iyong napalayo sa gitna.

Bumalik ako sa upuan para ang kalaban ko naman ang susubok. Noong palakad ako ay nakita ko si Augustine. NAkataas ang kamay niya habang may hawak na malaking sketchpad. Mas malaki pa iyon sa sketchpad na ginamit niya noong gabi na nagsulat siya ng Japanese sa tapat ng bahay ko.

Tinitigan ko iyong sketchpad at biglaan na lamang napangiti.

"PRINSESA KO." Iyon ang nakasulat. Ibinaba niya ang sketchpad bago nagthumbs up sa akin. Tumango lamang ako at muling bumalik sa kanina kong pwesto. Pinikit ko ang aking mata at pulit ulit na inisip ang sketchpad ni Augustine. Pinalipad ko na ang aking pana.

'I'll be the one that's storming the castle,

We'll be the two hearts beating faster!

'Ever you want, 'ever you want, I'm down!

I'll be the one that makes you adore me

We'll be the two to end the story

One that I want, one that I want I found

It's your kiss

Hey Princess'

Tumama iyon sa gitna. Natamaan ko ang pulang bilog. Napangiti ako at muling humarap kay Augustine na tuwang tuwa sa kanyang upuan. Kumindat siya sa akin, halatang proud sa naging tira ko.

Palaki ng palaki ang distansya sa pagitan ko at ng target pero hindi na muling nagmintis ang pana ko. Sa huli ay nanalo akong muli at nakuha ko ang pangalawang pwesto. Galit na galit si Charles dahil nawalan ako ng puntos sa una kong tira kaya second lamang ako.

"You were distracted because of that guy." Patuloy niyang atungal. Inalis ko ang mga gamit ko sa katawan bago siya hinarap.

"I won second place Charles—"

"Second place Shana Maria. You are the champion in the Russian Festival. A champion is never a second placer Shana." Galit niyang sabi. Nanikip ang dibdib ko at napahawak ako ng mahigpit sa aking bow.

"Charles—"

"I think my girl did great Charles." Sabat ni Augustine. Nilingon ko siya habang papalapit sa amin. Nakapamulsa siya, iyong isang kamay niya ay may hawak hawak na forget-me-nots ulit.

Iniabot niya iyong bouquet sa akin. "Pakihawak Prinsesa." Aniya at muling hinarap si Charles.

'Hey Princess

Be my guest

Chase you around, no regrets

If I catch you I'll never let you down'

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon