God Help Me

63.9K 1.8K 38
                                    

27

Kung may isang bagay man akong sigurado ngayon, iyon ay ang katotohanan na nahulog nga ako kay Augustine Yturralde. Kahit ayaw ko man iyong tanggapin, wala na akong magagawa. Minahal ko nga talaga siya.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatitig sa screen ng aking iPad. Mamaya na ang laban ko sa Berlin. Ngayon ay nagpapahinga na lamang ako sa hotel suite habang hinihintay ang pagbubukas ng program.

'And though the road is long

I look up to the sky

And in the dark I found lost hope that I won't fly

And I sing along, I sing along, and I sing along'

Ngumuso lamang ako habang pinapanood si August kumanta. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit maraming nagkakagulo sa kanya. Hindi lang naman kasi siya puro gwapo, maganda talaga ang boses niya, iyong tipo ng tono na talagang matutunaw ka kapag kumanta na siya. Gustong gusto ko talagang naririnig ang boses niya kapag tinatawag niya akong Prinsesa. I felt belongingness whenever he does that. Pakiramdam ko ay tanggap niya ako kahit na hindi ako perpekto.

I want to fall inlove with him again but I am scared. Paano kung masaktan lang ulit ako? Ano na lamang ang gagawin ko? Ayaw ko namang ipaalam sa kanya na aware ako na may relasyon kami dati dahil baka magbago ang pakikitungo niya sa akin. Baka iwasan niya ako at tuluyang iwan. Gusto ko ay palaging nariyan si August sa aking tabi.

Ilang beses na katok ang narinig ko bago ko iyon pinagbuksan. Ipinaalam sa akin na kailangan ko ng maghanda dahil magsisimula na kami. Mabilis lamang akong nagbihis at kinuha ko ang aking gamit para makapag warm up.

'I got all I need when I got you and I

I look around me, and see a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

You're getting me, getting me through the night'

Sa gym ay sinalubong ako ni Charles. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nag inat ako ng braso habang ang coach ko ay binibigyan ako ng mga kung ano anong punto. PInatunog ko ang aking leeg at hinarap si Charles para lamang mabigla sa taong nakatayo sa kanyang likuran.

"What are you doing here?" gulat kong tanong. Mabilis akong tumakbo sa direksyon ni Augustine na nakatingin ng masama kay Charles. Pinalo ko ang braso ni August kaya siya napatingin sa akin.

"Oy, bakit nandito ka?" masungit ko ng sabi. Yumuko lamang si Augustine sa akin bago ginulo ang buhok ko. Kumunot lamang ang noo ko habang siya ay ngumiti sa akin. Akala ko ba ay may concert ang AEGGIS ngayon? Bakit wala siya sa Pilipinas.

Kick start my heart when you shine it in my eyes

Can't lie, it's a sweet life

Stuck in the dark but you're my flashlight

(You're my flashlight)

You're getting me, getting me through the night

'Cause you're my flashlight

'Cause you're my flashlight

You're my flashlight'

"Wala akong seswelduhin ng dahil sayo Prinsesa." Natatawa niyang sabi. Napangiti na lamang ako kahit pinipigilan ko iyon.

"Okay lang. Mayaman naman ako." Anas ko. Pinitik niya ang aking ilong bago ako inakbayan. Tumikhim si Charles sa likuran ko kaya tiningnan ko siya.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon