Hindi Na

64.4K 1.8K 76
                                    

7

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at nanlalaki ang matang tiningnan lamang si Augustine na nakatunghay sa akin. My first kiss! That is my first kiss!

Naramdaman ko ang pag init ng gilid ng mata ko habang siya naman ay nakangiti lamang na nakatingin sa akin. Nakakaasar ka Augustine! Dapat hindi mo muna ako hinalikan, may girlfriend ka pa eh! Hindi pa kayo break!

"O-oy! Wag kang umiyak!" nagpapanic niyang sabi nang mahalata ang luha ko. Mabilis akong suminghot kaya mas lalo siyang namutla.

"Ano ba! Naman!" aniya. Mabilis niyang pinunasan ang gilid ng mata ko. Idiniin niya pa iyon na para bang magagawa niyang pigilan ang luha ko sa pagpatak.

"First kiss ko iyon." Naiiyak kong sabi. Tiningnan lamang niya ako bago huminga ng malalim. Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng luha ko.

"Wag kang umiyak. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag may babaeng umiiyak." Parang bata niyang sabi. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi ko dahil sa sinabi niya.

Si Augustine Yturralde, takot sa luha ng babae? Hindi ko kailanman inaasahan na ang isang katulad niya, iyong walang pakialam sa mundo na happy-go-lucky na lalaki ay takot sa luha. What the heck? Totoo ba yun?

Natawa na lamang ako sa klase ng ekspresyon na ibinibigay niya ngayon. Nakangiwi siya at maputla na dahil sa nagaambang luha sa aking mata. Hindi niya na rin alam kung paano ako patatahanin.

Lalong lumakas ang halakhak ko. "Ngayon, tumatawa ka naman? You really confuse me Shana." Aniya. Napailing na lamang ako at nagseryoso.

"You confuse me too August. Wag kang mag-alala." Sabi ko noong maalala ko na naman iyong si Laurent. Kakatapos lamang ng date nilang dalawa at ngayon ay ako naman ang napapansin niya. Parang kanina lang ay tutok na tutok siya doon sa babaeng iyon habang ako ay halos magkandarapa na para mapansin lamang niya.

"Kailan ko ginawa iyon?" maang niyang tanong. Umirap lamang ako bago ko pinagkrus ang mga braso ko.

"Kanina. Atsaka noong interview ni Laurent sa Sports Channel." Sabi ko habang napapanguso na lamang. Naalala ko kung paano niya inamin na girlfriend nga niya siy Laurent, sa harap ng madla, na may kasama pang halik sa pisngi.

"Si Laurent?"

"Oo nga!" bwisit kong sigaw. Tumaas lamang ang sulok ng labi niya, iyong dimples niya ay muling lumitaw dahil sa pinipigilan niyang ngiti. Awtomatiko kong naramdaman ang pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso ko habang tinititigan siya.

"Ah, tama nga ako. Nagseselos ka kay Laurent?" tanong ulit niya. Pinalobo ko ang pisngi ko bago sinamaan ng tingin si Augustine. Gusto ko siyang hampasin. Bakit ba ang dense niya? Nagtatanong pa siya, halata namang nagngingitngit ako sa selos rito. Magsusuot ba ako ng ganitong klaseng damit kung hindi? Magmamataktol ba ako tungkol kay Laurent kung hindi? Minsan ang slow rin nitong si Augustine!

"Ang landi landi mo." Anas ko na lamang. Lalong lumawak ang ngiti niya habang nakikita akong naiinis sa kanya.

"Para kang bata."

"Ayaw ko nang nagseselos Augustine. Sanay akong wala akong kahati. Kaya kung gusto mo ako, ako lang dapat. Wala kang ibang gugustuhin. Ako lang, naiintindihan mo?" seryoso kong sabi. Bahagyang pumula ang kanyang pisngi bago siya umubo. Ang ngiti niya ay hindi na niya talaga napigilan.

"Hiwalayan mo si Laurent." Madiin kong sabi. Kinagat na niya ang labi niya bago natawa na lamang.

"August naman eh! Hindi ako nagpapatawa!" maktol ko na. Pumadyak pa ako at halos maluha na ulit sa inis. Tinakpan lamang niya ang bibig niya habang pinipigilan ang tawa niya.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon