Valentine's day Gift

105K 2.2K 104
                                    

1

'I'm scared to death

Now that I'm losing you

I'm scared to death

Knowing I can't get through

I'm scared to death

Living this lonely life

Without you'

Mabilis kong sinara ang bintana ko noong makita ko kung paano yumuko si Greg at hinalikan ang noo ni Lana. It sucks. This sucks. Ayaw ko ng maging kapitbahay si Greg kung ganyan lang din naman. Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng subdivision, dito pa sa amin titira itong si Lana.

Napatalon ako noong may biglaang bumagsak sa ibaba. Tumakbo ako at lumabas sa kwarto para mapansin lamang si August na tawa ng tawa habang pinupulot ang mga librong natamaan niya dahil sa kanyang skateboard. Napanganga na lang ako ng makita na maging ang mga arrows ko at bow ay nasa sahig na.

"Ano ba!" inis kong sigaw at agad na kinuha ang mga gamit ko. Tawa lang siya ng tawa habang nakatingin sa akin.

"Goodmorning Prinsesa." Nakangiti niyang sabi. Ang magulo niyang buhok ay tumatakip sa kanyang mata habang malalim na naman ang dimple niya sa kanyang pisngi. Nagkamot siya ng batok at pasalampak na umupo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" anas ko. Sinindi niya ang TV at inilagay ito sa channel kung saan mapapanood niya ang SpongeBob.

"Who lives in a pineapply under the sea!" sigaw niya habang sinasabayan ang opening theme song ng Spongebob. Napasinghap ako at agad lumapit sa kanya. Dumapo ang kamay ko sa bibig niya at pinandilatan siya.

"Ano ba! Magigising si Shawn!" inis kong sabi bago tiningala ang kwarto ng pamangkin ko. Nakita ko kung paano sumingkit ang mata ni Augustine dahil sa pagngiti. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at ngumuso.

"Ikaw ha? Tsansing every chance you get?" tinaas taas niya pa ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko sa sinabi niya.

"Oy hindi kita tinatsansingan--" napatigil ako sa pagsasalita noong siya naman ang tumakip sa bibig ko. Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya agad ng nagwala ang mga tubi tubi ko.

"Ano ba. Magigising si Shawn." Nakangiti niyang sabi bago kumindat. Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa may bibig ko at nanuod na lamang ulit. Para siyang bata habang yakap yakap niya ang isang throw pillow sa sofa nila Kuya Stan.

Tumayo na lamang ako para iligpit ang mga gamit na ikinalat niya. Inipon ko na rin ang mga gamit ko para sa Archery at inilagay iyon sa may gilid.

"Prinsesa." Aniya. Nilingon ko siya at doon ko lang napansin na tapos na ang Spongebob. Tumayo siya kaya napatingala ako. Bwisit na lalaki. Ang tangkad! Tapos may dimples pa. Marunong pa kumanta! Bwisit talaga!

Yumuko siya kaya napaatras ako. Nauntog pa ako sa may book shelf pero ito namang lalaking ito, walang pakialam na nakayuko pa rin sa akin. Ngumuso siya at tinitigan ako.

"A-ano?" nauutal kong sabi. Tumaas ang sulok ng labi niya bago nagpuppy eyes sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba ko habang magkalapit kaming dalawa.

"Nagugutom na ako." Biglaan niyang sabi. Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa sinabi niya kung hindi sa biglaang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Greg at napahinto siya ng makita kaming dalawa ni August sa may book shelf. Lalong nilapit ni August ang mukha niya sa akin kaya napasinghap na ako.

"Sorry Gus." Natatawa nitong sabi. Agad kong tinulak si August palayo at hinarap si Greg. Pinilit kong ngumiti kahit sa totoo lang ay gustong gusto ko ng patayin ang lalaki sa tabi ko. Mamaya, ipupukpok ko talaga ang skateboard niya sa kanyang ulo, tingnan lang natin.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now