“My lord, hindi po ba't naroon sa bayan ang binibini?” sambit ni sir Anderson sa Count na hindi nakitaan ng takot. Naroon sa silid trabahuan niya ang asawa niyang si lady Aghamora kasama ang tatlo nitong anak.

“I'm sure, nilulutas na ni Airleya ang nangyayari ngayon sa bayan. Wala dapat akong ikabahala kung nandoon si Leya.” sagot ng Count at nagpatuloy sa ginagawa niya. Napatitig na lamang ang asawa't mga anak niya sa kanya, dahil parang wala lang rito ang nangyari.

Bagkos ay nakikita ng apat na malaki ang tiwala ng Count sa kaisa-isa nitong anak na malulutas nito ang gulo na gawa nang kung sinuman.

Bago pa man matamaan si Airleya, ng acid ball habang siya'y nasa himpapawid, mabilis siyang nakailag at gumawa ng air ball bilang atake niya sa bumato sa kanya sa ere. At ang atakeng iyon ay tumama sa nanggaling sa may-ari ng acid ball.

Walang ligtas naman kas Prince Teiram ang mga kalaban na pumasok sa teritoryo ng Count, ni hindi nakasunod ang paningin nila sa bilis kumilos ng second prince kung gumalaw.

Hindi alam ng mga ito na ang second prince ang umaatake sa kanila gamit lamang ang punyal at walang pagdadalawang isip ma nilalaslas ang leeg at sinasaksak sa puso ang kalaban na nahuhuli niya.

Samantala si Airleya naman, bawat wasiwas ng espada niya, tig tatatlong kalaban ang napapatay niya. Binabalot ng aura niya ang espada at sa tuwing iwinawasiwas niya iyon, gumagawa iyon ng tatlong talim na aayon sa gusto niya.

Napaangat na lamang ang titig ang dalawa nang makita nila ang halimaw na papasok sa bayan. Dahilan para mas marinig nina Airleya at prince Teiran ang sigaw ng mga tao.

“Papaanong nakapunta dito ang mga 'yan?” hindi mapigilang tanong ni Airleya. Lumapit si prince Teiran kay Airleya may pagitan na tatlong hakbang ang layo nila sa isa't-isa.

“Dahil may komokontrol sa kanila para makapunta sila dito. Namatay sa hunting ang mga kabalyero ng Aviola laban sa mga halimaw na iyan na gustong pumasok sa bayan.” saad ni prince Teiran habang angga mata ay nakatitig sa dambuhalang mga halimaw na walang ginawa kundi ang mangwasak sa bawat hakbang ng mga paa nito. May malalaking pangil sa taas at ibaba at matatalim iyon, may tatlong mga mata at may mga hawak na malalaking palakol silang mga hawak. Kulay putik ang balat ng mga ito at umaalingasaw na parang patay na tao ang mga amoy ng halimaw na ito.

“Sino? May pinaglilingkuran ang mga ito?” tanong ni Airleya, sabay turo sa isang kalaban na pinatay ni Prince Teiran.

Tumango ang ulo ni Prince Teiran, “Yes.”

“Plano ba ito ng fake Emperor?”

“Yes.”

“Ano ba ang gusto niyang mangyari bakit niya ito ginagawa? Gusto niyang sambahin siya ng mga tao dito?”

“It's a mystery to me.”

Huminga ng malalim si Airleya at mahigpit na hinawakan ang hawakan ng espada niya, saka mabilis na kumilos para tapusin ang laban.

Nakatinga ang mukha ni Prince Teiran sa mga dambuhalang halimaw, at hindi niya napigilang huminga ng malalim. Bago kumilos para patayin ang mga halimaw.

“My lady, hindi ka ba nasaktan?” tanong ni Prince Teiran ng matalo nila ang mga halimaw.

Tumango ang ulo ni Airleya bilang sagot, habang nakatakip ang palad niya sa kanyang ilong.

“Argh! Ang baho!” reklamo niya, na hindi niya na kayanin ang amoy na dala ng mga halimaw.

Spirit of Air, feathers and winds.
Your power animates all life
and populates all spaces.
I call you forth to purify this town.
Sweep away the odorousness of this monsters, bring a
refreshing breath of life.
In the ebb and flow of your eternal
words: Clarity, strength, harmony.

Spirit of Air, spirit of wisdom,
I call you now.”  pananalangin ni Airleya, at sa ginawa niya, nawala kaagad ang amoy na bumabalot sa buong bayan.

Hindi mapigilan ni Prince Teiran na hindi mamangha sa ginawa ni Airleya. Kaya nitong mag bigkas ng pananalangin na walang kahirap-hirap na umaayon sa gustong mangyari ni Airleya.

At dahil doon, binigkas ni Prince Teiran ang spell para alisin ang mga halimaw sa bayan. Dahilan para mapalingon si Airleya sa kanya na may gulat sa mukha.

Umangat ang kamay ni Prince Teiran, habang nakaharap ang palad nito sa mga halimaw na nakahandusay sa lupa.

Spirit of Water, rivers and springs.
Your power dissolves and releases.
purifies and heals.
Peaceful but mighty. lifeblood of the Earth.
Ocean of perfection.
flowing calm and meek.
Let the murmur of clear waters send meto a haven of peace.
Wash away all pain, all doubts and sorrow, and sweep away these monsters.
Spirit of water, spirit of nourishment.
I call you now.”

“Thats. . . Water Invocation! How— wait descendants ka ni Ugō?” gagad ni Airleya sa prinsepi na binalingan siya ng tingin.

“Yes.”

“How? Lahat alam na descendants ka ni Ariety.” si Ariety, ang diyos ng kalikasan (life and matter)

Hindi kaagad si prince Teiran naka-imik. Hindi dahil nabigla siya sa kanyang ginawa. Kundi dahil pinag-iisipan niya kung sasabihin ba niya ang totoo kay Airleya. Pero sa mga oras na iyon. May bugso ng damdamin na pinagsisigawan sa kanya na pwede niyang sabihin kay Airleya ang tinatago ng kapatid at ina niya.

“I'm Ugō's descendants, at ang first prince ang descendants ni Ariety.” sagot niya. Pero hindi niya sinabi kung bakit.

“. . . Ow. Okay. Kung ikaw ang descendants ni Ugō the god of water, strength and life. Sabahin mo Prince Teiran, nagpakita ba sa iyo si Ugō?” tanong ni Airleya kay Prince na ikinalaki ng mata dahil sa tanong ni Airleya sa kanya.

“Base sa ekspresyon ng mukha mo. Nagpakita siya sa iyo. Okay, isa na lang pala ang tatanungin ko.” ani Airleya, at iniaayos ang hood ng cape niya.

Lumapit siya kay Prince Teiran na hindi naka-galaw sa kinatatayuan nito. Saka pinasuot ang hood ng cape nito para takpan ang mukha ng prinsepi. Kahit gabi ay umiilaw ang kulay hazel nitong mata na gustong-gusto titigan ni Airleya ng matagal. Pero ayaw niya namang maging werdo at isipin ng kaharap nito na may nararamdaman siya sa kaharap. Wala pa sa isip niya ang pumasok sa isang relasyon.

“Ran, I think we have mission. And alam mo kung ano ang ibig kung sabihin. Ask your brother, kung nagpakita ba sa kanya si Ariety. Send a message to my knight, knight Exter Rafandra. At kailangan nating malaman kung ano ang misyon na iyon kasama ang tatlong pinakitaan ng ibang diyos.” ani Airleya kay Prince Teiran, na hindi napigilang mapalunok ng sariling laway.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siya nagkakaganito habang kaharap niya si Airleya. Hindi pa siya umakto ng ganito sa mga babaeng kaharap niya. Pero kay Airleya. . .weird.

“And by the way, just call me Airleya, or Leya na lang. H'wag na ang my lady. Jeez! Nagtataasan mga balahibo ko kapag may tumatawag niyan sa akin.” dagdag pa ni Airleya, at niyakap ang sarili bago napalingon sa may ari ng boses na narinig niya. Dumating sa kinaroroonan nila ang Briarlaine knights na nahuli na nang dating.

At sa hindi namang malamang dahilan, yumukod si prince Teiran, habang nakapamewang ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang baywang upang maging kapantay niya ng taas si Airleya na hindi inaasahang magtama ang kanilang mga titig sa isa't -isa. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha nila.

Sumilay ang ngiti sa labi ni prince, bago ibinuka ang bibig at lumabas sa bibig niya ang pangalan na gusto niyang itawag kay Airleya.

“Air.”

At nang marinig ni Airleya ang pangalan na gustong itawag ni Prince Teiran sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, nahigit ni Airleya ang kanyang paghinga.

Magsasalita sana si Prince Teiran para sana asarin si Airleya na nakita niyang napatigil sa paghinga ang babaeng kaharap ng dumating ang dalawang knights na parating kasama ng dalaga.

“See you later, Air.” anito, at naglakad palayo kay Airleya habang kumakaway ang kamay nito. Sa babaeng nakalimutang huminga.


___________________________________

AIRLEYAWhere stories live. Discover now