K A B A N A T A - 2

0 0 0
                                    

Mula kay Dos



Pinagtabi ni Dos ang dalawang damit na pinagpipilian niya.

 Isang kulay pula at isang kulay berde. Sinuot niya ang pula at ibinalik ang berdeng damit. Bumaba na si Dos mula sa kwarto. Naka pantalong maong, puting sapatos at ang telepono na nasa bulsa. Sa kusina ay si Aling Tina ang ina ni Dos na malapit nang matapos sa pagluluto. Nagpaalam si Dos na aalis, pero pinigilan siya ni Aling Tina at pinilit na kumain muna. Kong meron mang ayaw si Tina ay ang pag tanggi sa pagkain. Alam ito ni Dos na agad naupo sa tabi ng bunsong kapatid, si Tres. Napangiti naman si Tina nang mapansin ang suot ng anak.

"saan ang lakad mo?" tanong ni Tina na sumasandok na ng kanin para sa anak. Adobo ang ulam at paborito ni Dos ang parte na may buto, gusto naman ni Tres ang purong laman at walang taba. Itinabi ni Tina ang taba sa kanyang pinggan at kinain ng isahan.

"hinay hinay sa taba mama." Nag aalalang paala ni Dos, binigyan nito si Aling Tina ng laman ng baboy at kinuha ang natitirang taba sa plato ng ina. Napangiti namana si Aling Tina at inalok ang dalawang anak ng juice. malikot kumain ang tatlong taong gualng na si Tres. Nagkalat ang kanin na may sarsa sa mesa pati sa upuan. Tumayo na si Dos at nagpaalam sa Ina.

"ay anak, puro sarsa ang damit mo." Puna ni Tina. Hindi napansin ni Dos ang sarsa dahil sa abala ito kumain. Pero nagkalat nga ito sa gilid ng damit kong saan nakaupo malapit ang kapatid na si Tres.

"tingnan mo Tres ang ginawa mo sa damit ng kuya mo." Luminga linga lang ang batang si Tres, hindi alam kong ano ang sinasabi ng ina, gusto niya pa ng laman ng baboy.

"ayos lang mama, magpapalit lang ako." Umakyat ng kwarto si Dos at nagpalit ng damit.


Lumabas ng bahay si Dos, suot ang berdeng damit, pantalong maong at puting sapatos.


Marami nang tao sa park ng dumating si Dos. May mga naghahalikan sa ilalim ng puno, at may nagsasayaw sa gilid. Pumwesto si Dos malapit sa basketball court kong saan sila madalas maglaro. Gusto nang makipag hiwalay ng girlfriend ni Dos, kaya't pinasya nito na makipag kita makalipas ang buong dalawang buwan na kasama nito ang bagong boyfriend. Wala narin namang nararamdamang sakit si Dos, naiinis lang siguro dahil hindi rinespeto ang relasyon na meron sila. Ngayon ay naiirita na si Dos, late na ang hinihintay nito. Lumingon lingon si Dos sa paligid. Napatigil si Dos, hindi dahil dumating ang hinihintay niya pero dahil may isang pares ng mata na nakatingin sa kanya. Palapit ito.

mukhang hindi nito alam kong patuloy na lalapit.

Isang lalaki, naka suot ng itim na damit, matangkad ito pero mas matangkad si Dos. Mapayat ito na halata sa maluwag na Polo Shirt na damit. Naka shorts ito na tan, at naka tennis shoes na dilaw. May hawak na telepono at parang may hinahanap. Napansin niya agad ang mata nito, parang kulang sa tulog. Lumapit ang lalaki kay Dos.

"hi, Agosto"

"hi, I'm Dos." Sagot ni Dos. Ngumiti si Dos dahil kabadong kabado ang kausap. May nginig ang boses nito at di mapakali sa kinatatayuan.

"ikaw yung ka date ko?" tanong ng lalaki, si Agosto. Nabigla si Dos sa tanog nito. Bisexual si Dos at alam ng pamilya niya, ng mga kapitbahay at ng mga pinsan. Pero di akalain ni Dos na yayain siya ni Agosto ng date. Mukha itong staright na lalaki. Nanginginig ang boses nito pero buo. Hindi pweding husgahan ang tao kong panu mag express ng sarili pero kadalasan ay ganun. Napangiti si Dos. Bumilis ang tibok ng puso kasabay ng pagtitig sa mapulang labi ni Agosto. Malungkot ang mata nito pero may ngiti sa labi. gustuhin man ni Dos na akuin na siya ang ka date nito, hindi maari na lokohin niya si Agosto. 

Hindi niya lolokohin si Agosto.

"hindi." Sagot ni Dos. Nag iba ang mukha nito, namula at parang gustong kumaripas ng takbo. Agad na nag isip si Dos ng sasabihin pero nalilito na siya at nag pa. panic. kumirot ang puso ng binata ng makita ang pagkalito sa mukha ni Agosto.

Hindi niya sasaktan si Agosto

"pero ..... g-gusto k-kitang e date."

"pwedi ka bang maka date?"


Naiwang nalilito si Agosto. Ang matangkad na lalaki ay gusto siyang e date. Nasaan na ang ka date niya?

Sa Huling Buwan ni Agostoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن