Mamahalin kita sa buong buwan ng Agosto.

7 0 0
                                    

simula ng buwan,

sa huling buwan


Sa tahanan ni Agosto Mendes


Malakas ang ihip ng hangin, malakas at may kalabog ang pagpatak ng ulan. Maingay sa yerong may kulay berdeng pintura. Umupo si Agosto sa kama, tahimik ang paligid maliban sa ulan. Kumukulog na, senyales na malapit nang matapos ang ulan. 


Yun ang sinasabi ng Tiyahin, sa pitong taong gulang na si Agosto kapag ito'y natatakot sa kulog. 


Ang kulog ay kakampi niya, matatapos na ang bagyo. 


Binuksan niya ang pinto at mabilis na bumaba sa kusina. Nakita ni Agosto na abala ang Ina, si Esme sa paghahanda ng almusal. Naamoy ni Agosto ang sinangag, meron ding pritong itlog at daing sa mesa. Kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kapeng barako.

Dinala ni Agosto ang kape sa kanyang kwarto, isinara ang pinto ng dahan dahan at linapag ang kape sa lamiseta malapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at tumambad sa kanya ang madilim na kalangitan. Mas matingkad ang paligid dahil sa patak ng ulan. Mas berde ang mga dahon at damo. Ang mga kulay na kinupas ng araw ay nabigyan ulit ng buhay.  Inilapit ni Agosto ang tasa sa mukha para amuyin, napa pikit siya sa amoy nito. Umoosok pa ang kape pero humigip na si Agosto, napaso siya ngunit may ngiti parin sa labi ng ilapag ang tasa. 

Napako ang tigin ni Agosto sa maliit na tabletas na nasa gilid ng kanyang lamesa. Sinabi ng doktor na kailangan niyang inumin ang mga tablet para hindi siya manghina.

Natawa si Agosto, hindi dahil masaya siya kundi dahil naawa siya sa kanyang sarili. 


Edad, 21 at ito ang unang araw ng ika walong buwan ng taon, ito rin ang unang araw ng huling buwan ni Agosto.

Sa Huling Buwan ni AgostoWhere stories live. Discover now