Sue me or Sue you?

Start from the beginning
                                    

"Punta lang ako sa comfort room, boss."

"Go ahead."

Hinakbang na niya ang paa upang lumabas hanggang narating ang kanyang 2024 Chevrolet Corvette E-RAY na nakaparada sa di-kalayuan. Kalmanteng naupo siya sa hood niyon upang hintayin si Jigs. Dinukot niya ang isang kaheta ng mamahaling sigarilyo sa coat niya saka kumuha doon ng isang stick.

He isn't really into smoke when Isabella was still around but there is something in this stick that somehow eases his stress. Dinukot din niya ang lighter sa bulsa. Akma na sana niyang sindihan ang naka-ipit na sigarilyo sa kanyang daliri nang may dumaan sa tapat ng binata na nagpapaagaw ng atensiyon niya.

Isang babae. The way she sways her hips. The way she walks reminds him of her. Daling tinapon ng binata ang hawak na sigarilyo. Malalaki ang kanyang hakbang na sinundan ang babae.

"Sandali!"

Tila bingi itong pinagpatuloy ang hakbang. Tila ba sinasayaw nito ang suot na bestida. Sumasabay ang malalaman nitong pang-upo. When she moves he couldn't deny... she is her.

"Sandali!" muling pigil ni Niccolo mula sa likuran ngunit hindi pa rin siya nito binalingan at patuloy lang sa paghakbang.

Tila ba nasisiraan ang binata ng bait. He wants to see a glimpse of her. Mabilis ang kamay niyang inabot ang braso ng babae at walang ingat na kinabig ng yakap na sobrang higpit. Sobrang higpit na ayaw na niyang pakawalan pa.

She resists and tried to push him away, however Niccolo hugged her like there was no tomorrow. Binaon niya ang mukha sa balikat nito.

"I miss you a lot," bulong niya na hindi pa rin pinakawalan ang babae.

Ang kaninang nagprotesta ay biglang naging mahinahon. Hinayaan siyang yakapin ito ng buo.

"Mis na mis na kita, Isabella mahal ko-"

Pagkasabi ng binata niyon ay biglang natauhan ang babae. Buong pwersang nagpumiglas ito't nanlaban.

"Mister, let go!" Bulyaw nito habang pwersahang tinulak si Niccolo mula sa pagkakahapit sa katawan ng babae.

Hindi pa rin niya binitawan ito na tila ba nagdedeliryo. Mas lalo niyang hinapit ang balakang nang sobrang higpit kasama ang pag-atake niya sa labi nito ng walang pahintulot. Mapusok at tila uhaw. Una'y nagpumiglas pa rin ang babae ngunit kalaona'y sinuklian din nito ang halik ng binata. Halik na puno ng pangungulila.

Her lips taste like hers. She is her... she tastes like his woman.

"Isabella, please don't leave me, h'wag mo na akong iwan, mahal ko," sambit ni Niccolo dahilan upang nagwala at nagpumiglas ang babae at ubod lakas na inapakan ang paa niya.

Sa gulat ay nabitawan niya ito. Nakatitig ang babae sa kanya na sobrang talas.

"You stupid maniac!" Bulyaw nito sa mukha niya. Umigting ang bagang ng babae. "I am not, Isabella. I have a name it's Ava... Ava Hidalgo! You stupid!" she murmured as she carelessly wiped her swollen lips.

Niccolo stares at the woman blankly. The woman's eyes remind him of her. As he examines her deeper. She isn't lsabella... she is the woman he met earlier.

Isang mapaklang ngiti ang pinakawala ng binata pagkatapos mapagtanto ang kahibangan niya. Kibit balikat siyang tumalikod na tila walang nangyari.

Got Hitched By MafiaWhere stories live. Discover now