25

36 6 0
                                    

Chapter 25

Footage

Tahimik namin silang sinundan patungo sa hallway. Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maintindihan ang huling sinabi sa akin ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Nyx. Pinagmasdan ko ang kanyang likuran at napansin na pamilyar na katawan. Pilit kung inaalala kung saan ko iyon nakita.

Nang makarating kami sa kulay itim na pintuan ay napansin ko ang mga gintong nakapaligid sa mga door frame ng pintuan na iyon. Mukhang mamahalin at alam kong para lamang sa mga maharlika ang kwartong iyon. Sa aking palagay ang pamilya ni Nyx ay isang maharlika ngunit hindi sila matatawag na parte ng isang hari o reyna na bloodline.

"You can rest while we are waiting for the results of Nyx's condition," ani ni Argon sa kanila.

"I would like to speak to the principal," ani ng ama ni Nyx. Napatingin sa akin si Argon na parang hindi sang-ayon sa gagawin ng ama ni Nyx.

"The principal is currently checking on your son's condition together with the headmaster and the headmistress," paliwanag ko sa kanya na tumingin siya sa aking gawi. Mapanuri niyang tinignan ang aking uniporme. Nakaramdam ako ng kaba ng gawin niya iyon.

"Are you Dr. Keegan Hendrix Collins's daughter?" tanong niya sa akin. Napatigil ako at dahan-dahan tumango. Lumingon siya dalawang kapatid ni Nyx bago muling bumaling sa amin.

"Nice to finally meet you, Kiara," bati sa akin ng nakakatandang babae na kapatid ni Nyx. Ngumiti siya sa aking maging ang kapatid niya na lalaki.

I was confused how they would know who I am because I knew that I don't know them. But why do I feel that I kneww something from the past.

"Bring us to where Nyx is staying," ani naman ng nakakatandang kapatid na lalaki ni Nyx. Tumango si Argon sa kanila.

Naunang naglakad ang mag-ama bago bumalimg sa akin si Argon. Mapanuri niya akong tingnan bago bumulong sa akin.

"You can go back to the dorm and rest. I think your body temperature is not okay," tugon niya sa akin. Nanlaki ang aking mata at sinalat ang aking noo. Napagtanto ko nga na mainit ang aking pakiramdam.

"Go, I'll be explaining to the higher ups what is the reason you're not around." nakangiting sabi niya bago tumalikod at naglakad upang sundan ang mga Lucian.

As I was left alone standing in the middle of the hallway. I can't help but ask where I met those two siblings of Nyx, as well as the mark that I saw in my dream that made me shiver.

It was a dragon shaped and it's body is like a snake with only bones on its body and two pairs of red eyes. I was standing in front of it and I saw how it destroyed the whole land. Lifeless bodies, buildings destroyed and full of darkness.

Napahawak ako sa aking ulo ng unti-unti itong sumakit. Agad akong naglakad papalabas ng main building patungo sa aming dorm. Habang naglalakad ay pansin ko ang mga estudyanteng nagbubulungan pa tungkol sa akin. Kinuyom ko ang aking kamao at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa aming silid ay naghubad ako ng aking damit at naisipan kong maligo.

I soaked myself in the bathtub thinking about the events that I have encountered. I knew it was so sudden but I knew slowly I was beginning to find my father. But why do I feel that my father's mystery has something to do with the crisis that the Academy is facing.

Hindi ko lubos maisip na sa tatlong buwan ko na pamamalagi sa academy ay malalaman ko sa isang iglap ang misteryo. Ngunit tila hindi ako masaya at may kung anong bumabagabag sa aking isipan.

Lumabas ako ng banyo at nagbihis ng damit. Wala pa akong kasama sa kwarto dahil mukhang nasa clinic pa rin sila Hailey. May kung ano akong pinindot sa inventory upang lumabas ang kahon na naglalaman ng mga sulat ng aking ama maging ang tablet na sinabi sa akin ni Uncle Nolan. Ibinaba ko iyon sa aking kama.

Surira Academy: Game Of Ruins (ON-GOING)Where stories live. Discover now