Kung iisipin ko, mahirap makapagtapos ng pag-aaral kapag wala kang pera. . . pero nagagawan naman siguro ng paraan. Marami naman ang nakatapos kahit naghihirap. Mas gugustuhin ko pang sumubok kesa sa magmukmok sa isang sulok.

I sighed and looked ahead. This shall pass.

Lunes nang magkita kami ni Eron. Ibinigay ko sa kanya ang portrait na naka-frame na. Malaki ang ngisi niya ng makita ang ginuhit kong mukha niya.

"Anong brand ng kamay mo?" Namamanghang saad niya habang nakatingin sa portrait.

"Pahiram, " Biro niya na tinawanan ko.

"Thanks, Reenah." He pinched my cheeks and smiled boyishly.

The days come to pass. Lumabas ang result ng exams. Top 1 ako nang mag moving up. Nauna pa ngang nalaman ni Eron na nag top 1 ako.

Siya rin ang unang nag congratulate sa akin. May pa regalo pa! Hindi ko naman mahindian dahil iilang artmats ang binigay niya at alam kong mamahalin ang mga iyon at magagamit ko rin naman. Hence, I said I'd draw for him again to express my appreciation.

From: Eron Smith
So u dreamed of going to Switzerland?

He's been messaging me when the summer started. Kung ano ano nalang ang sinasabi at minsan puro pa walang saysay.

To: Eron Smith
Oo, sinong hindi?

From: Eron Smith
Gusto mong pumunta agad? Makakapunta tayo, may bahay kami doon hahaha

To: Eron Smith
Hahaha like I can, and enough with all these craps matulog ka na

From: Eron Smith
But I wanna talk more

Hindi ko na siya nireplyan. Talk more siya mag-isa diyan!

Unang beses ngayong taon, nagulat ako nang tumawag si mama. She works for a fortunate family around in Davao. Katulong siyang mag-alaga sa anak ng kanyang amo.

"Gusto mo bang magboarding house kasama ko Eryna? Kayong dalawa ng kapatid mo, pwede na kayo rito sa akin at nakakaahon na ako ng kaunti." Iyan ang bungad niya nang tumawag sa akin.

She's been working there since we were kids. However, hanggang ngayon ay wala pa kaming sariling bahay.

Marami kasing bayarin sa utang at marami rin siyang pinamimili. Minsan lang din siya magpadala ng pera pero hindi ko naman siya pinagk-kwentahan dahil alam kong mahal na ang mga bilihin ngayon. Mahirap talagang mamuhay ng maraming utang at obligasyon kaya dapat na tipirin ang pera.

"Maganda rin dito Eryna at malapit nalang sa school mo pag nag-college ka na, lalo na ngayon magse-senior high ka. Para na rin hindi ka na bumyahe at mas mahaba pa ang tulog mo sa umaga. Pasensya na ha kung hindi ako nakapunta noong moving up mo, may emergency kasi sa pinagtatrabahuan ko. " Si mama sa kabilang linya.

I sighed and think of the pro's. Maganda ang offer pero kakayanin ko kayang iwanan si lola rito? Baka atakehin na iyon sa puso kapag silang dalawa nalang ni Mariam dito.

"Depende ma. Magpapaalam kami kay lola."

Isang linggo ang dumaan nang dumating ang mga pinsan kong nakatira pa sa malayo para magbakasyon dito.

Close ako sa lahat lalo na sa nakababata kong mga pinsan. We were busy playing scrabble one day when Carl and Aira was called by their parents.

Naiwan akong nag-iisip kung anong sunod na words ang ilalagay sa board game. Abala ang lahat pero naririnig ko kung anong pinag-uusapan sa kusina kanina.

Nagtaka ako nang hindi na bumalik ang dalawang pinsan kaya tinawag ko sila mula sa sala. No one answered so I stood and went my way to the kitchen.

Naroon silang lahat. Ang mga tita at tito ko, pati si lola at ang mga pinsan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Para bang disappointed at naiinis.

HE Who Saw the DeepWhere stories live. Discover now