Kabanata 25

3 1 0
                                    

Ilang segundong katahimikan matapos kong ikwento ang lahat sa kanya.

"H-h-hindi ko alam na siya pala ang dahilan. I knew you came. Roy told me." Napatango tango ako. Si Roy nga pala ang nagsabi sa akin kung saan siya nakatira kaya siya lang ang nakakaalam na pumunta ako sa kanila.

"She's my childhood friend. Nung mga araw na busy ako, iyon ay dahil nakulong ulit si mama. And that exact day, mom made a ruckus inside the prison kaya pumunta siya sa bahay para iinform ako. We're really that close kaya gano'n ang trato niya sa akin. I'm sorry if you thought I cheated on you. No! That's not true."

"Then why she said to go on a date with you? I don't judge on what I only see, but... Matapos kong marinig iyon, it hurts me so much."

"Date? She asked me to go on a date?" Maging siya ay hindi makapaniwala at sinusubukan niyang alalahanin ang lahat. "Aaah. I remember! Hindi date between her and I. Pero date with mama. Lagi kong pinupuntahan si mama sa kulungan para dalhan ng pagkain. Sinasabayan ko rin siyang kumain. Nung time na sumama siya sa akin, she was joking that it is a date. Date sa prison." Nakinig ako ng mabuti para manguya ko ng maayos ang bawat explanation niya.

"Aalis na sana ako no'n nang marinig ko ang balita pero sabi niya ayos na ang lahat. Then she asked me to go on a date which she means na, magdala ako ng pagkain at doon kami kakain kasabay si mama."

Napatango tango ako. "That makes sense." Although sinabi niyang childhood friend niya lang, sigurado akong magseselos at magseselos pa rin ako sa babaeng 'yun.

"Is," bigla akong may naalala, "Is that why you don't want me to meet your parents?" Napatigil siya at mababa mo sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Hmm." Tango niya. "Gustong gusto kita ipakilala pero natatakot ako. Dahil wala akong matinong magulang. Matagal ng nasa kulungan ang tatay ko habang si mama naman ay lasinggera at sugarol kaya hindi ko alam kung paano ko ihaharap sila sa'yo. I'm sorry." Napayuko siya.

"I understand. Atleast now, everything is cleared to us. I should be the one to apologize, because I was selfish at that time, iniisip ko lang ang sarili ko, hindi ko man kang naisip ang mararamdaman mo. I'm sorry."

"I'm sorry too. Napahiya kita sa harap nila. Pasensiya na kung... I acted like a gangster to you."

"No, you're not!" Natatawang saad ko. "You're not a gangster, Pao." We both stunned by what I've said. Napangiti ako. "I used to call you Siopao, but it seems like hindi ka na Siopao? How'd come!?"

"Aah..." Nahihiyang napakamoy siya ng ulo. "Ewan ko. After siguro ng puberty, maraming nagbago."

"Kita ko nga."

"Ehem!" Sabay kaming napatingin sa kabilang table.

"Babe? Since when did stay there?" Humalukipkip ito at hindi ako sinagot. Natawa ako at agad na lumapit sa kanya. Hinila ko siya papalapit kay Paolo.

"Paolo, again, si Jeremy. Boyfriend ko." Tumayo si Paolo.

"Nice to meet you ulit, pre." Inabot niya ang kamay niya na mukhang ayaw naman abutin ni Jeremy.

"Babe?" Binigyan ko ng tingin si Jeremy na abutin niya ito. Napilitan siya at inabot iyon.

"Sige, Paolo. Mauuna na kami. Thank you sa time."

"Thanks din, Chelsie."

~*~

"Uy, babe? Sup?"

"Why you seems happy with him?"

"Sus, you're jealous!!"

"Yes, I am!!" Agad ko siyang binigan na mabilisang halik sa pisngi.

"That's because everything went well. Nagkaroon na ng liwanag ang lahat lahat." Niyakap ko siya. "It's all thanks to you, you let me talk to him."

Our Best Memories Where stories live. Discover now