Chapter 1

96 15 12
                                    

ENTERNAL NECKLACE

PINAGMAMASDAN ko lang s'yang naglalakad papalayo mula sa'akin. I bite my lower lip, humakbang ako ng isa pagkatapos ay nakaramdam ako na parang may kung anong matalim na bagay ang aking naapakan, na s'yang tumusok sa aking paa.

Humakbang ako pabalik at tumingin sa lupa. Umawang ang aking labi dahil sa aking nakita, isang kulay gintong kwintas na may disenyong paru-paro.

Pinulot ko ito at pinagmasdan ng mabuti, kakaiba ang kwintas dahil lumiwanag ito. Parang may isang butil ng bilog na kristal sa gitna, napapalibutan ng paru-paro ang gilid.

Lumingon lingon ako sa aking paligid at umalis. Agad a'kong tumungo sa aking kotse at sumakay, sinuot ko ang kwintas at mukang bagay sa'akin.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan paalis sa park kung saan ako nanggaling kani kanina lang. Iba ang kwintas na ito sa mga kwintas na sinuot ko, kakaiba ang nararamdaman ko at mukang mabigat sa leeg. Pakiramdam ko tuloy hindi ito isang ordinaryong kwintas lamang.

Mabigat sa leeg at nagiinit ang aking katawan. Naisip kong i benta ang kwintas baka malaki ang halaga nito kaya bago ako umuwi tumungo muna ako sa isang sanlaan.

Sinalubong ako ng isang impleyado at sinamahan a'kong pumunta sa manager nila.

“Good morning ma'am, what can I do for you?” 

Kinuha ko ang kwintas mula sa aking bag at pinakita iyon sa kanya.

“Satingin mo magkano kaya ang isang to, kapag binenta ko? Milyon? Bilyon? o trilyon?” nagagalak kong wika.

Sino ba naman ang hindi magkaka interest sa isang lumiliwanag na kwintas di'ba? Gipit ako ngayon kaya kailangan ko ng pera at mukang ito na ang sulosyon.

Kinuha n'ya iyon sa'akin at sinuri. Pinaupo nya muna ako at sinabihang mag hintay na lamang dahil susuriin pa raw n'ya ang kwintas.

“Excuse me ma'am, ang kwintas na ito ay kakaiba hindi isang ordinayo, ngayon lang kami nakakita ng ganito, kung isasanla mo ito ay aabutin siguro ng milyon ang halaga,” para a'kong statwa na hindi makagalaw, parang nabingi ako dahil sa aking narinig.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

“Pero kapag sa bangko mo ito isasanla siguro higit pa sa milyon ang halaga,” dagdag pa ng manager nitong sanlaan.

Umawang ang aking labi dahil mukang swerte ko ngayong araw. Mabilis kong kinuha ang kwintas at lumabas, kailangan ko munang mag isip ng maiigi bago ko ito i benta.

Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ay saglit a'kong napatigil dahil sa sobrang traffic. Nag kumpol kumpol ang mga kotse sa edsa at nagkakagulo ang mga tao may na aksidente pala kaya traffic.

Lumabas ako ng sasakyan at tumungo sa pinangyarihan ng aksidente. Babae at lalaki ang na aksidente mukang mag-asawa, batay sa aking narinig buntis ang babae.

Dumating ang ibang mga reporters upang kunan ang pangyayare. Nakaramdam ako ng kirot dahil bumabalik ang aking nakaraan. Mabilis a'kong tumakbo palayo at pumasok na lamang sa aking kotse.

Napahawak ako sa aking dibdib at isa isang tumulo ang aking luha. Niyuko ko na lamang ang aking ulo at humagulhol sa loob nitong kotse.

I was 10 years old at that time. Galing kami sa isang beach, family day noon kaya pumunta kami ng beach nina mama at papa. Paguwi namin noon ay umuulan, sobrang lakas ng ulan at madulas ang kalsada.

Bigla na'lang nawalan ng kontrol ang sasakyan ni papa at biglang may nakabanggaan si papa. Nahagip ang sinasakyan namin ng isang malaking truck, tumilapon ang sasakyan at umusok.

Eclipse Series #1: Primo Avriel De Luna Where stories live. Discover now