00

1 0 0
                                    




"Hahahahahhahaha! Hahahahaha!"

Balikwas kong tinanggal ang earpods at lumingon-lingon sa paligid. Huh?

"Hahahahahha! Tama na hahahahaha!" tawa pa ng misteryosong lalaki.

Taka akong napatingin sa likod ng Architecture building. 'Sinong tanga nasa likod neto, keaga-aga nahithit ng rugby.'

Nagdadalawang isip na lumakad ako papunta sa kinaroroonan ng boses. Habang papalapit ay may naririnig akong mga mumunting boses at mga pagpalo na hindi ko alam kung ano.

Napalunok na lamang ako at agad na kumapit sa pader. Dahan dahan kong sinilip ang kinaroroonan ng tumatawa kanina pa.

"T-tama na hahahahahah!" napatakip na lamang ako ng bibig sa nakita.

Isang kaedaran ko lamang na binata ang walang awang binubugbog. Gusot at madumi ang kanyang uniform, puro pasa na ang namumulang mukha nya dahil sa kakatawa.

'Pano sya nakakatawa sa lagay na yan?'

May kung ano-ano pang sinasabi yung dalawang lalaking nambubugbog ngunit di ko marinig dahil masyadong mahina.

Napakagat na lamang ako ng ibabang labi dahil sa guilt, kaba, at takot na nadarama. Hindi ko alam ang paraan para matulungan yung may kapansanan ata na lalaki. Kung lalabas ako sa pinagtataguan ko at susugod eh ako naman ang lagot.

'Studeny council'

Agad kong kinuha ang ko at tinawag si Carlo, student council at kabatch ko.

"Sylleck? Bat ka napatawag?" rinig ko Ang mga mumunting ingay sa kabilang linya.

"Carlo meron akong nakita na binubugbog dito sa likod ng archi building. May kapansanan pa ata yung binubugbog." mahina ngunit mabilis na sabi ko. Baka marinig pako nung dalawang lalaki.

"Ano? Sige pupunta agad kami dyan." aligagang sabi ni Carlo at pinatay agad ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako, sinilip ko uli yung mga nambubugbog ng mapansin na hindi na natawa yung kawawang binata.

Sige parin sa pag sipa at tadyak ang dalawa. Napalunok na lamang ako ng laway dahil sakin na nakatingin yung binubugbog nila.

Gusto ko mang umiwas ng tingin sa mga maaamong pares na mata na iyon ngunit tila may magnet ang mga matang iyon na nagpapako sakin sa lupa.

Patuloy kaming nagtitigan habang nagcoconcert na parang rockstar ang dibdib ko sa kakatambol.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wannabe Abnormal Where stories live. Discover now