9

5 0 0
                                    

Nanatili sila sa ospital ng ilang linggo. Kahit nasa ospital si Archie, nag eedit pa rin siya sa film nila. Hindi man sila sabay na nadischarge, nag-oonline call pa rin sila. Si Siyeon nalang ang nasa ospital. Kailangan pa niya ng dugo dahil naubusan siya ng dugo nung nasaksak siya sa likod niya.

Mateo's PoV

Pumunta ako sa ospital para bisitahin si Siyeon. "Kamusta ka?" Tanong ko. "Okay naman... Nalulungkot." Sabi niya. "Hah? Bakit?" Tanong ko. "Di kasi ako makalabas labas. Di rin tayo nakakapaghang out." Ngumiti ako. Alam kong boring din sa loob pero kailangan lang talaga. "Kunting tiis nalang, palangga makakaalis ka na dito. Promise ... Magbobonding tayong dalawa tsaka ipapasyal kita kahit saan. Kakain tayo sa labas." Sabi ko. "Oo na po... Magpapagaling pa si langga." Tumawa kaming dalawa at inihanda ko na yung makakain niya. Hirap siyang makabangon at makagalaw kaya pinapakain ko nalang siya gamit yung mga kamay ko.

"Salamat palangga." Sabi niya. "Mahal kita kaya dapat alagaan kita hangga't maputi na yung buhok ko." Sabi ko. Ilang oras akong nag-antay sa ospital. Nakatulog siya nang ilang oras. Mabut nalang nakapagpahinga siya ng ilang oras. Ilang araw ang nakalipas, nadischarge na siya sa ospital. Gaya ng sinabi ko, pinasyal ko siya sa labas para matuwa siya. Nakikita ko yung malaking ngiti sa mukha niya. Ang saya saya niya raw. "Ang saya mo ngayon. Natutuwa ako dahil nakikita kitang masaya." Sabi ko. "Maraming salamat dahil tinupad mo yung promise mo sa akin." Sabi niya. "Walang problema basta ikaw. Deserve mo yan." Hinawakan ko yung kamay niya at niyakap siya.

Archie's PoV

"O ayan! Malapit na. Basta huwag kang susuko ah." Nakita ko yung improvements ni Jiu. Naigalaw na niya ang kamay niya kahit kunti. Hindi ko siya pinabayaan. "Nga pala... Pasukan na bukas kaya matulog ka na. Aalis na ako."  Sabi ko. "Oo nga noh? Sige... Uhmmmh... Archie, goodnight." Sabi niya. "Goodnight..."

James

"Uy... Tapos na akong magluto. Kakain na tayo." Nagluto ako para kay Sua dahil siya lang mag-isa sa bahay. Nagtratrabaho kasi si tita at tito. "Ubusin mo yan ah... Masarap yan." Sabi ko. Kumain siya at napailang kain ng aking linuto. "Jusko! Ang sarap ..." Sabi niya. "Para sayo yan..."

.....

Mateo's PoV

Nagkita kaming lahat sa eskwelahan. Narinig kong pinag-uusapan kaming lahat pero di naman talaga masama. "So... How's your days going?" Tanong ni Siyeon. "Okay naman. Nagalaw ko na yung mga kamay ko." Sabi ni Jiu. Nag-uusap kami tungkol sa mga improvements sa aming katawan. Unti unting naghihilom yung mga sugat ng iba at pati sa akin. "I also noticed na parang may mga boyfriend o girlfriend na kayo." Tumawa si Dami. Nalaman namin ang relasyon ng iba. Masaya kami para sa kanila.

Sua's PoV

Sa tuwing natutulog ako, iba na yung pakiramdam ko. Yung pakiramdam na payapang payapa na ako. Hindi na ako nakakakita ng babaeng yun at hindi na rin ako nananaginip. Ang matandang babae, marami siyang sinasabing maganda sa akin. Nasa mabuting kalagayan na raw ako ngayon. Nakakatulog na ako nang maayos.

....

Mateo's PoV

Nasa rooftop kami nun. Nakisabay ako ni Siyeon na kumain dun. "Ang ganda naman nang design dito noh? Nakaharap yung lamesa at mga upuan sa view. Wait lang... Pipicturan ko lang tung sunset." Kinuha ko yung bitbit kong camera tsaka kinunan ng litrato yung sunset. "Ang ganda naman." Sabi ni Siyeon. "Oo, kasing ganda mo." Ngumiti siya sa sinabi ko. Syempre, maganda yung sunset, hindi namin sinayang ang oras. Hinalikan ko siya habang nakahawak ang aming mga kamay.

Ang Lihim ng KampoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon