6

5 0 0
                                    

Nagising si Sua at James na walang malay. Nakita nalang nilang pinaghanda sila ng makakain sa lalakeng nakaitim. Tumayo silang dalawa at kumain. Napaiyak siya habang tumingin kay James.

James' PoV

Naiyak ako tuloy nung umiyak din siya. "Hinay hinay kumain! Dali!" Hindi ko kayang ngumuya ng mabilis dahil sa mga pasa na natamo ko kagabi. "Sabing bilisan!" Hinawakan niya yung buhok naming dalawa at pinapakain kaming parang aso. Hindi mapigilan ni Sua yung iyak niya. "Pag di niyo yan naubos, papatayin ko talaga kayong dalawa." Ilang minuto, naubos namin yung kinain namin. Kumuha siya ng isang basong tubig. "Gusto niyo uminom?" Uhaw na uhaw na kaming dalawa. "O..." Hinawakan niya yung dalawang baso at binuhos ito sa aming mukha. Nakanganga kaming dalawa kahit na para kaming kaawa awa kasi napakauhaw na namin.

......

Jiu's PoV

Tahimik kaming lahat na kumain. "Baka nawawala na yung Rendon na yun? Ba't di bumababa?" Sabi ni Dami. May narinig kaming bumaba at si Rendon yun. Pawis na pawis at mas lumala yung kalmot niya. "Sorry... Di ko alam na nakapagluto na pala kayo. Salamat." Umupo siya at sumabay sa aming kumain. Wala pa ring kuryente sa lugar at umuulan pa nang malakas. Mahirap magluto sa labas dahil namamatay yung apoy sa lakas ng hangin.

"Ilang araw nang nawawala si Sua at James. Wala tayong signal, walang kuryente. Paano tayo makapagbook ng flight? Walang internet tsaka nangangamba rin ako. Wala pang mga taxi rito." Sabi ni Archie. Kada umaga, wala kaming ibang pag-uusapan kundi ay tungkol lang sa mga nawawalang kaibigan namin. Wala kaming nagawa buong araw at nagstay muna sa mga kwarto namin. Pinagplanohan muna namin ang mga galaw na dapat naming gawin at hindi.

Nangangamba na kami dahil wala nang guard dito sa lugar nato. Habang nagpaplano kami, pumunta muna kami sa tabing dagat. "Wala bang signal dito? Malapit sa dagat." Sabi ni Archie. Yung iba, kahit saan nalang naglagay ng kanilang mga cellphone, kakahanap ng signal. "Wala! Wala!" Nagulat kami kay Dami. Umiyak bigla. "Uy... Tahan na. Ba't ka umiiyak?" Tanong ni Sebastian. "Di na to normal eh! Magkasunod na silang nawala. Napansin ko na yung mga matatakutin yung inuuna niya. Yung natatakot aa multo. May kutob talaga ako sa Rendon na yan! Hindi lang sa hindi matatakutin, may something lang talaga sa kaniya. Nakakapagtaka kung saan galing yung kalmot niya." Sabi ni Dami.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Oo nga... Ako talaga yung unang nakakita ng kalmot niya. Nasa labas ako nun. Nakita ko siya na nakatulala sa labas at nakangiti pa na parang baliw. Nagalit siya nung tinanong ko siya tungkol sa mga sugat niya. Nakapasok na ba kayo sa kwarto niya? Wala siyang roommate diba? Kasi ayaw niya?" Sabi ni Mateo. "Oo, wala siyang roommate. Palaging nakakandado yung kwarto niya." Sabi ni Archie.

"Parang sinet up niya tayo dito eh. Naalala niyo yung zoom call natin nung nagplano tayo sa setting ng film? Alam na alam niya yung lugar." Sabi ni Yoohyeon. "Oo nga noh? Huwag kaya tayo dito. Manganganib talaga buhay natin dito. Dun tayo sa may bench o..." Tumayo kaming lahat at umupo sa may bench.

"So ayun na nga... Palagay ko, may kinalaman yung panaginip ni Sua sa kalagayan natin ngayon. Hindi lang sa atin kundi sa lahat." Sabi ni Dami. Napatingin kami sa kaniya sa gulat. "Ang talino. Oo nga noh? May makapagrecall pa ba sa naikwento niya?" Tanong ni Siyeon. "Ako! Irerecall ko kahat ah. Si Jiu nakakita ng babae sa panaginip, ginah*sa at namatay. Tinapon sa harap ng bahay nila at natagpuan na kamag-anak niya at mga pulis din. Si Sua, nakakita yung babaeng nakaputi na nakadungaw. Parang magkakonekta lahat ng panaginip at nakikita natin. Si Sua, sabi niya bumubulong daw ito sa kaniya. Si Handong, Mateo, Sebastian, Liam, Gahyeon, Archie, Yoohyeon, at ako... Nakakakita kami sa babaeng yun! Posible kayang biktima rin siya ng mananakip na yun? Nangingilabot na ako. At... Ba't si Rendon wala? Ikaw Siyeon? Hindi ka pa ba nakakita?" Tanong ni Dami.

Ang Lihim ng KampoWhere stories live. Discover now