4

6 0 0
                                    

"Tama na... Tama na please! Layuan mo na ako! Ayoko na!" Naguluhan na ako at pumasok ako sa loob. "Sua! Sua!"

.....

Jiu's PoV

Nakatulog na pala ako sa kama after kung muntikang nahimatay dahil sa kakaawat ng away nina Archie kaniha. Pinakaworst experience ko na ata tu sa asthma ko. Hindi lang nahimatay, muntikan pang mamatay. "Jiu..." Nakita ko si Archie sa harapan ko. "Archie, wala pa akong gana makipagtalo. Pagod pa ako." Sabi ko. "Gusto ko lang magsorry dahil muntik na akong nakapatay ng tao at ikaw yun. Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit nagkaganito ka ngayon. Sorry talaga." Sabi niya habang hinawakan yung kamay ko.

"Pinapatawad naman kita. Dapat magsorry ka kina Handong at Gahyeon. Mali yung ginawa dahil nambintang ka na di mo naman talaga alam." Sabi ko. "Oo, nagkapatawaran na kami. Pinapatawad na nila ako. Sana magkakaisa na tayo ninyong lahat ulit para makapagfilm na tayo." Nasa likuran ni Archie yung iba dahil nangungumusta sa kalagayan ko. "Tara na. Magfilm na tayo. Prepare pala."

Linabas namin lahat ng props para sa scene na kung saan nagtratravel na sila sa kampong ito. Kaya pumanta kami sa entrance at pinagdrive namin si Sebastian kasi siya yung maging ganap na driver. Pinagbihisan namin si Sua sa kaniyang puting bestida at linagyan yung labi niya ng itim na lipstick. Minake-upan na rin namin siya ng dugo sa mukha niya at mga fake na sugat.

"Sige hah... 3,2,1... Action!" Sinimulan na ni Sebastian na magmaneho at pumasok sa entrance. Papasok na yung sasakyan. "Cut!" Madali lang nafilm yung introduction scene sa place. Pumunta na kami sa mismong pagmumulto ni Sua. "Sua, back story mo to kaya dapat emotional ka. Tapos na tayo sa scene kung saan ginalaw ka ni Rendon, diba? Ang next scene is makakalabas ka sa bahay pero aksidente mong natapakan yung putol na kahoy kaya nasaktan paa mo. So cut natin dun tas another scene naman, okay? Kuha ba?" Sabi ni Archie. "Sige..."

"3,2,1, action!" Sinimulan ni Sua yung scene na sinabi ni Archie. Ang ganda niyang umacting at nashock kami sa acting niyang sigaw sa pagkaapak niya sa kahoy. "Wow! Nice job! Halos walang paulit ulit yung takes natin ah. Nice job everyone. Make-up artists!" Tinawag ni Archie yung mga taga make-up. Tumayo sina Yoohyeon at Dami. "Wala ba tayong yung pang-eye drop?" Tanong ni Dami. "Wala eh."

"Guhitan nalang ng sign pen tsaka lagyan natin yung mga kamay natin ng kaunting alcohol tas tubig na same amount sa alcohol na ibubuhos natin. Dapat red na red yung pagkaguhit nung sign pen kase mawawala yung marka kapag nabubuhusan na ng alcohol." Sabi ni Dami. Sinimulan nilang guhitan ng isang tusok. "Lulusot ba dapat yung kahoy?" Tanong ni Yoohyeon. "Oo, dapat nakalusot."

"Ahhhh... Hatiin nalang natin yung kahoy tas ididikit natin na parang natutusok talaga siya. Tas para di talaga makita yung glue, lalagyan nalang din natin ng mga dugo." Sabi ni Yoohyeon. Wala pa ngang minuto, nakaisip na sila ng ideya. Si Siyeon at Mateo naman ay ang nagpabihis sa mga characters. Inuna muna nila yung bata, kapatid ko. "Punitin niyo yung t-shirt ni Jimin ah." Sabi ni Archie. "Opo!"

Nag-antay muna ako ng ilang minuto para mag-act ng scene ko. Isang scene lang at tapos na yung scene ko. Ilang oras kaming nagfilm at plano naming hindi ipagpalipas ng gabi dahil palapit na kaming matapos sa film. "O.... Magpahinga muna kayo. Gigisingin ko nalang kayo kapag tapos na akong makapagluto." Sabi ko. "Salamat po." Pumunta sila sa kanilang mga kwarto at naiwan si Archie. "Eh ikaw? Di ka ba magpapahinga? Ako nalang yung magluto." Sabi ni Archie. "Nakonsensiya ka sa nagawa mo?" Sabi ko. "Oo..."

"Sus... Wala na nga yun diba? Hayaan mo na, okay na ako. Buhay na buhay ako." Tawa ako. "Sus... Kung tayo nalang kayang dalawa noh? Roommates naman tayo. Halika na nga." Pumasok na kami sa kwarto namin at nagpahinga ng saglit bago makapagsaing para sa hapunan namin.

Ang Lihim ng KampoWhere stories live. Discover now