CHAPTER 6: Inviting

2 0 0
                                    

Charmi's POV

"Wake up, beauty."

May narinig akong nagsalita kaya naman biglang nag-react ang katawan ko ng kusa dahilan para mahulog ako mula sa kinahihigaan ko.

"Ahhh.."daing ko. Una kasing tumama ang ulo ko sa sahig.

Dahan-dahan naman akong tumayo habang nakahawak sa ulo ko at hinapalos ito."Kilos na. You have morning classes."saad ni Sera.

I glared at him."Tsk, bigla-bigla sumusulpot. Hindi man lang kumakatok."

Hindi ko na siya narinig na nagsalita pa ulit kaya naman kahit tintamad pa akong kumilos ay kumuha na ako ng mga damit na susuotin ko para ngayong araw at nagtungo na sa bathroom para maligo.

Wake up, beauty huh. Gan'on ba talaga siya manggising? Tsk. Pero infairness, maganda pakinggan.

Anyway, nagsimula na lang akong maligo habang may iniisip. Ngayon ang start ng registration para sa mag-aaudition sa Theater Program. Kahapon ko pa talaga iniisip ang bagay na iyon. Alam ko sa sarili ko na kakayanin ko iyon dahil may experience na ako sa pag-arte. Elementary palang ako, sumasali na ako sa mga gan'ong program.

Natigil lang ako dahil sa mga kumukutya at bumubully sa akin dahilan para mawalan ako ng confidence na sumali pa sa mga gan'on. After that, wala na.

Gusto ko nga ulit ma-experience because it has been a long time since the last time i acted. Maybe this is the right chance to do it again. Simula highschool until now, hindi pa ako ulit nakaka-arte. Kaya kating-kati na akong mag-act ulit.

Hindi sa pagiging mayabang pero marami talaga akong talents. I just don't have courage to show it.

Magaling ako magpaint, drawing, mag-act, sing and dance at syempre kaya ko rin tumugtog ng mga instrument like guitar, violin, piano and drums. Mga common instrumens lang. Noong bata pa kasi talaga ako mahilig akong sumubok ng mga kung ano-ano kaya naging talent ko na.

Kaya rito sa kwarto ko, maraming abubot. 'Yung mga gamit ko kasi sa bahay at dinala ko rito para hindi na ako bumalik-balik pa doon. Naging dahilan din 'yung mga bagay na 'yon para sumikip ang space ko rito sa dorm. Pero keri ko naman.

Sure akong maraming tao mamaya sa school. I don't know if i can secure a slot for the audition. Gustong-gusto ko talaga sumali doon. Hindi pa nila ako nakikitang umarte kaya chance na ito para magpakitang gilas pagkatapos nila akong gawing laruan. Tignan na lang natin kung anong masasabi nila ngayon.

But first of all, need ko munang makasecure ng slot. Hindi ko alam kung magiging possible iyon dahil rinig ko kahapon na maraming interested na sumali doon at kunin ang role ni Karrie, siya kasi ang bida doon sa play.

Iyon din ang gusto kong role if ever man na makasecure ako dahil pakiramdam ko, kakayanin ko ang role niya. Bigatin din kasi. Gusto kong i-challenge ang sarili ko.

Sana lang ay makasecure talaga ako ng ticket mamaya. Aayain ko rin si Sera na subukan ang bagay na ito dahil for sure walang ganito sa mundo nila. Excited na tuloy ako sa mga pwedeng mangyari.

After ko maligo ay lumabas naman na ako ng banyo at gulat ako ng may pagkain na sa mesa ko."Kumain kana."baling ni Sera sa akin kahit na may inaasikaso pa siya sa mesa.

"K-Kaya ko naman magprepare ng pagkain para sa sarili ko eh.. But thank you. Next time 'wag mo ng gagawin sa akin ito ah!"nauutal na pagkakasabi ko habang nagpupunas ng basa kong buhok.

"Why should i? I need to take care of you. Even if you told me not to, i can't."aniya.

Parang gusto ko na lang matapik ang noo ko kaso masakit nga pala ang ulo ko."Salamat sa pagkain!"sambit ko bago kumain. Bigla naman akong napatigil sa pagkain at natulala.

Wake Up, BeautyWhere stories live. Discover now