CHAPTER 3: Transformation

14 1 0
                                    

Charmi's POV

Dahil bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalisan, napatayo ako at nagpunta sa kung saan para makaihi. Bakit feeling ko ang luwag-luwag ng mga suot ko ngayon? Napapakamot na lang tuloy ako ng mata para matanggal 'yung muta ko.

Napapa-unat pa ako habang umiihi at naghihikab. Parang ang sarap at ang comfortable ng pagkakatulog ko. Hindi ko na rin maalala kung anong nangyari kagabi.

After i pee, nag-tooth brush na ako at nagmumog na rin. Ang sarap talaga ng pakiramdam ko paggising ko kasi parang ang gaan ng lahat. Naghimalos na rin ako pagkatapos ay nagpunas na rin ng mukha.

Habang unti-unti kong nakikita ang lahat, parang may nakikita akong iba.

"AHHHHHHHHH!!!!"sigaw ko.

I couldn't stop myself from screaming because of what I see now. Totoo ba talaga itong nakikita ko ngayon? My big shirt suddeny can't fit me anymore. 'Yung bra ko sobrang luwag. 'Yung short at panty ko natanggal na rin sa akin. My face and body shape changed.

PUMAYAT AKO?!

Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari or i'm stil dreaming. Pero ang nakapagtataka sa lahat naging malinaw ang paningin ko kahit wala na akong suot na eye glasess.

Ang ilong ko naman ay hindi na mataba, naging mas matangos pa ito. Mas visible na rin ang jawline ko. Wala na rin ang chubby cheeks ko and most of all, my lips looks kissable! My hair looks also healthier.

Nagmukha namang oversize ang shirt na suot ko dahil sa laki nito. Talaga bang pumayat ako sa totoong buhay or nananaginip lang ako?

I try to pinch myself pero nadaing lang ako sa sakit. Napatulala tuloy ako sa harap ng salamin. Is this me? Pero paano? Bigla tuloy akong may naalala. Nagflashback na sa akin ang nangyari kagabi. I was in the basketball court with Benjamin, Eve, Abi and the other students in school.

Pero ang nakapagtataka, naalala kong tumalon ako sa rooftop kagabi. Totoo 'yon! I did it! Pero bakit nagising akong nandito ako sa kwarto ko? Really, what's going on?

Nababaliw na ba ako? No. I think, i'm still dreming because this kind of thing doesn't happen in real life. Imposible namang nasa langit na ako. Paano naman magkakaroon ng ganitong lugar sa langit aber. But i can't deny that i do look pretty if i'm skinny as this.

Kung panaginip pa rin ito, sana hindi na ako magising. Ganito kasi madalas panaginip ko. Sa panaginip ko kasi payat at maganda ako. Hanggang doon na lang kasi talaga ang kaya ko.

Hindi ko tuloy maiwasang kiligin dahil visible na rin ang collar bone ko. Isa rin itong nakaka-attract sa babae eh. Base on my research and experience. Mas lalo ko pang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Lumiit ang mga kamay at paa ko.

Pero 'yung pagiging maputi ko, narito pa rin. 'Yung marks ng dry pimples ko, nawala. I fucking don't know what is happening. But honestly, mas gusto ko 'yung ganito. Para hindi na rin ako maapi at mabully ng mga tao. Gusto ko rin minsan maranasan kung ano feeling ng isang maging magandang babae.

Dahil sa pagiging mataba ko, marami akong naranasang mga bagay na naging trauma para sa akin. Hay na 'ko po.

Sa mukha ko ngayon kahit pumayat, akong-ako pa rin ito, si Charmi Castronuevo. My dimples is still here. Mas maganda pala talaga ako kung ganito ako kapayat. Tignan mo, kahit walang make up ang ganda-ganda.

Ganito 'yung pinangarap ko dati, maging maganda. Sa paningin ko at sa paningin ng ibang tao. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtingin ko sa salamin ng matagal.

"Is this real? Totoo ba ang lahat ng ito?"tanong ko sa sarili ko.

"Yes, it's you Charmi."biglang may nagsalita sa may bandang kaliwa ko.

Wake Up, BeautyWhere stories live. Discover now