PROLOUGE

32 2 0
                                    

Palagi na lamang nabubuyo sa eskwelahan ang isang batang babae. Ni wala siyang kaibigan para maging kasangga niya.

Kahit ang pamilya niya ay walang magawa para sa kanilang anak.

Hanggang unti-unti na siyang nawawalan ng lakas pang ipaglaban ang kaniyang sarili.

Dahil maski ang kaniyang mga kapatid ay binubuyo siya.

Imbes na makaramdam siya pagmamahal at suporta mula sa pamilya niya, diskriminasyon ang kaniyang natatanggap.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"tawanan ng mga estudyante matapos nilang batuhin ng kamatis at itlog ang batang babae.

Walang nagawa ang batang babae kundi tanggapin ang ginagawa sa kaniya ng kapwa niya mag-aaral habang umiiyak.

Patuloy lang na tumatawa ang mga batang nambubuyo sa kaniya."Bagay lang sa 'yo 'yan dahil ang taba-taba mo! HAHAHAHAHAHAHA!"pang-aasar pa ng batang lalaking nasa gitna na nakatayo sa harapan niya.

"Diba kahapon nasira 'yung chair niya kasi ang bigat niya HAHAHAHAAHAHAHA!"pinatungan pa ng isang batang lalaki ang sinabi nang nauna kanina.

Hindi alam ng batang babae ang kaniyang gagawin sa pagharap niya sa mga pambubuyong ginagawa ng kaniyang mga kamag-aral.

Wala siyang malapitan o mapagsumbungan dahil hindi naman siya pinaniniwalaan ng mga tao.

"Batuhin niyo pa 'yan!"

Dahil sa sinabi ng batang iyon ay patuloy na binato ng kung ano-ano ang batang babae, maging basura tinatapon nila sa kaniya.

"Hoy! Itigil niyo 'yan!"boses ng batang babae ang narinig dahil sa ginawang pagsigaw nito.

Napalingon silang lahat sa sumigaw."Tsk. Sino ka namang bata ka?"maangas na pagkakatanong ng isang batang lalaki.

Ang batang babae dumating ay tinaasan ng kilay ang nagsalitang bata."Wala ka na dun. And can you stop bullying her? That's not right. Lalaki ka pa naman, hmm."

Dadambahan sana ng batang lalaki ng bato ang batang babaeng iyon ngunit natigil siya nang may dumating na teacher.

"Kayong mga bata, anong nangyayari riyan?"tanong ng teacher sa hindi kalayuan.

Nagpapalit-palit ng tingin ang bata sa mga kasama niya."Tara na alis na tayo!"

Saka sila nagtakbuhan.

Lumapit ang batang babae sa batang binubuyo kanina."Are you okay?"tanong nito sa kaniya.

"K-kaya ko na.."pagtanggi naman ng batang babaeng binuyo.

"Hi, ako nga pala si Eve. What's your name? Do you wanna be friends with me?"

"Ako nga pala si C-Charmi.. Pero k-kasi—"

"Starting from now, let's be friends Charmi so no one would dare to bully you again. I'll try to protect you no matter what!"

***
DISCLAIMER:

This story is just a work of fiction. In other words, work by the imagination/mind of the author. All the characters, places, names, events, happenings etc isn't true or real. Any resemblance of living and nonliving things are just an accident. The author has wide imagination so if things happened in real life its just an accident. None of these parts are copyrighted from other stories— All the happenings are really made by me. Enjoying reading and i will appreciate if i'm gonna have your feedback about this story. Thank you!


Follow me using the social media accounts below:
Facebook: Ella
Instagram: @era.0ra
Twitter: @era0ra
or contact me via Gmail: ellageun83@gmail.com

All Rights Reserve @Midnight.Tints

Wake Up, BeautyWhere stories live. Discover now