Nilingon ko si Mishael na mukhang nakapaghilamos at toothbrush na. Ready na siyang umalis. Mukhang ako na nga lang ang hinihintay nilang dalawa plus si Ashton na tatawagan kapag nagising na ako.

"Bumangon ka na, Zern. Almusal na! Mas maganda gumising nang maaga para maraming magawa!" masayang sabi ni Mishael kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Parang hindi ka nakahilata buong umaga kahapon diyan sa kama mo, ah!" singhal ko sa kaniya.

He chuckled before ponying his hair. It flexed his biceps. Napalunok agad ako at deneretso lang ang mga mata ko sa mukha niya. Grabe. . . para akong nasakal kahit tinitingnan ko lang. Nilingon ko saglit si Leroy at walang mintis, tuwid na tuwid, opo, nakatitig siya sa biceps ni Mishael. Ano pa nga ba!

"Kaya kita pinapagising kay Leroy kasi ililibre ko nga kayo ng almusal. Ayaw mo ba? Oh, ayan. Dalawang beses na kitang ililibre ng pagkain, ayaw mo pa," pabiro niyang sabi at inilagay sa likod ng tainga niya ang ilan pang buhok na nakaharang sa mukha niya.

Nadi-distract ako sa braso ni Mishael. Bakit kasi siya naka-tank top? Ang kinis pa niya kaya kumikinang siya kapag nasisinagan siya ng araw. Hindi ko sinasadya!

"Oo na, babangon na!" sabi ko at bumangon na.

Tinawagan na ni Leroy si Ashton kaya dumeretso na ako sa CR agad para hindi na rin magtagal. Nahihiya na ako sa kapahihintay sa kanila dahil sa akin. Mabilis pa naman kumilos si Ashton lalo na at tinawagan pa ni Leroy. Pagdating sa amin, palaging mabilis si Ashton at wala na agad pero-pero.

Inayos ko na rin ang buhok ko 'pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush. Okay na rin naman na 'yung suot ko. Shirt at shorts. Mag-aalmusal lang naman. Wala naman sigurong big deal. Cute pa rin naman ako.

"Ready na ako!" sabi ko 'pagkalabas ko ng CR.

Mahina silang natawa parehas ni Leroy. "Para ka namang naghihintay ng magsusuklay at magpupulbo sa 'yo," sabi ni Leroy bago humalakhak.

Nginiwian ko siya. Hindi ko siya mabirahan dahil ayaw kong marinig ni Mishael kung gaano ako kakanal makipagbardagulan. Nahihiya ako sa image niyang sobrang bait at gentleman. Hindi siya puwedeng mahawaan ng ganito kong ugali. Charing nahihiya lang talaga ako.

"Tara na! Dami mo pang sinasabi. Untog kita sa biceps ni Mishael, e," sabi ko at nagmamadaling naglakad palabas habang tinatago ang ngiti ko.

Muahahaha! Siya na bahala humarap kay Mishael diyan. Nakakahiya 'yung sinabi ko, e. Ang random gago putangina. Bigla tuloy akong mas nahiya para sa sarili ko kaysa kay Leroy. Hanggang mamaya ko na 'to maalala at sa tuwing maalala ko 'to mahihiya ko't magki-cringe.

Pinandilatan ako ng mata ni Leroy kaya tinago ko na lang sa ngiti ang pagkahiya ko. Dahil sa sa likuran niya ay si Mishael na mahinang natatawa.

"Bakit mo naman iuuntog si Leroy sa biceps ko? Ikaw ata gustong magpauntog, e," sabi ni Mishael sa akin bago niya isinarado ang pinto ng dorm namin.

Awkward akong nangunot ng noo. Gaga ayan putangina mo. Back to you bading. "Ha? Hindi ah. Pinagtitripan kasi ako ni Leroy. Akala ko lang kasi kakampihan mo ako. Siguro oras na, Mishael, para lumipat ka na ng dorm para hindi na ako ang roommate mo," sabi ko at kunwaring nagdadrama.

Humalakhak agad si Mishael katulad ng palagi niyang reaction sa tuwing nagbibiro ako nang ganito. Nakitawa na lang din ako para ma-cover up ang kahihiyan ko. Nakakahiya putangina. Bakit ko ba 'yon sinabi. Ito kasing si Leroy, hindi matigil sa kakaasar sa akin at hindi ko magantihan. Tulak ko kaya 'to sa hagdan.

Hanggang sa elevator ay tumatawa si Mishael, "Grabe ka naman, Zern. Sa tagal ng pinagsamahan natin ipagtatabuyan mo lang ako," sabi ni Mishael at natatawa pa rin.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now