“At. . . Anong nangyari?”

“Pumayag ang kakambal mo. Na ibigay sa iyo ang katawan niya sa oras na dumating ang araw ng pagbabalik mo. Si Saina ang nanumpa na bago sumapit ang ika-labingsiyam na taon niyo ay babalik ka. At sumang-ayon ang goddess of wind. Pero mangyayari lamang ang pagpasok mo sa katawan ni Saina, kung parehas kayong nalagay sa kamatayan sa tamang araw at oras. . . I always calling her Saina, but sometimes tinatawag ko ang kakambal mo na Airleya, dahil magkamukha kayo. Kaya seguro nasabi ni Aghamora ang mga salitang iyon sa iyo.” sambit ng ama niya.

“So I am the real?” tumango ang ama niya ng magtama ang mga mata nila sa isa't-isa.

“Ikaw si Airleya Iredissaina Briarlaine. At si Saina naman si Iredissaina Airleya Briarlaine. Kaya h'wag mong isipin na dayo ka sa mundong ito, Leya. Dahil nagmula ka dito. Kahit pa naging ikaw si Irene ng kabilang mundo.” napaangat ng tingin si Airleya sa sinabi ng papa niya.

“Papaano niyo nalaman ang pangalan ko?”

Ngumiti ang papa niya sa kanya. “The Goddess. Siya ang nagsabi sa amin noong nagawa niya na dalhin ka sa ibang mundo. And I am sorry kung wala akong nagawa sa kakambal mo.”

Leya, please pakisabi sa papa natin na hindi niya kasalanan.” Bigla na lamang napatayo si Airleya sa kanyang kinauupuan ng marinig niya ang boses ni Saina.

“Guniguni ko lang ba yon?” tanong ng isipan ni Airleya sa kanyang sarili.

Napaangat ang tingin ng Count sa anak niya na bigla na lamang napatayo at pabaling-baling sa buong paligid.

“Whats wrong, Leya?” tanong niya.

“Sai. . . Saina? Nandiyan ka ba? Alam kong ikaw ang narinig ko ngayon lang. Magpakita ka sa amin ni Papa. Please.” hindi napigilan ng Count na hindi mapatayo dahil sa salitang lumabas sa bibig ng anak niya. Pati siya ay nilibot narin ang tingin sa buong silid ni Airleya, bago natoon ang atensiyon nilang dalawa sa pinto ng balkonahe. Lumitaw ang ipo-ipo na kasing taas lang ni Airleya, hanggang sa maging anyong tao ito.

“Sai. . .” tawag ng Count sa anak niyang si Saina na ngumiti sa kanya. Naglakad si Saina para lapitan ang dalawa.

“Hi dear twin sister. Hi papa ko.” bati niya sa dalawa. Hindi napigilan ng Count na maluha at niyakap si Saina na niyakap din siya pabalik.

“I'm sorry, Saina. I'm sorry if I didn't do my duty as a father to you. If I had been careful neither of you would have sacrificed your life for the other. Sorry, forgive me. Please forgive me and your mother. I was not a good father. I was careless. Sorry.” hinagod ni Saina ang likod ng ama niya.

Si Saina ang may malambing at mabait na ugali. Parang hindi makabasag pinggan ang ugali na meron ito. Samantala si Airleya naman, panigurado sa isang hulog pa lang ng pinggan seguradong kasing pino ng abo ang kinalabasan.

“Hindi ako galit sa iyo Papa. Remember na iiwan din kita kapag dumating ang araw na pagbabalik ni Leya? Kay Mama ka mismo magsorry. She's mad at you. Pero siyempre mahal ka parin niya kahit galit siya ng kaunti sa iyo.” malumanay na sambit ni Saina sa ama niya, na nagawa pang punasan ang luha ng ama niya na pumatak sa pisngi nito.

Napabaling si Saina sa kakambal niya na hindi man lang nakagalaw. “Wala bang hug diyan, little sis?” malumanay na tanong ni Saina, at dahil doon ay kaagad na niyakap ni Airleya ang kakambal.

AIRLEYAWhere stories live. Discover now