Ipinikit ni Airleya ang mga mata, at huminga ng malalim. At sinubukan na kausapin ang sarili. Umaasa siyang makakausap niya ang tunay na Airleya.

“Real Airleya! Naririnig mo ba ako? Hoy teh! Sumagot ka! Seryuso ka talaga sa sinabi mo na akin na lahat na meron ka? Bawiin mo sinabi mo sa akin! Bumalik ka! Ayokong mamatay sa mundo mo na may tinatagong sekreto!” singhal ng isipan ni Airleya sa tunay na Airleya.

“Argh! Hoy babae! Magparamdam ka nga! Hindi mo ba namimiss ang papa mo ha? Galit ka ba sa kanya?  Hoy! Huwag mo akong gino-ghosting Real Airleya!” singhal ulit ng isipan niya.

“Leya.” mabilis na iminulat ni Airleya, ang mga mata ng marinig ang boses ng ama niya. Kasabay ang pagbalot ng harang sa buong silid niya.

Umupo ang ama niya sa single sofa, habang siya ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya. Nakatitig siya kanyang ama na kaagad na pansin na hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Inilahad ng Count ang kamay niya sa mahabang sofa “Please take a seat, Leya.” anang ama niya na kaagad niyang sinunod. Umupo siya sa cabriole sofa.

Isang minuto naging tahimik ang buong paligid bago naglakas loob ang Count na wasakin ang katahimikan.

“Una sa lahat. Binabati kita ng maligayang pagbabalik, Leya.” mabilis na napaangat ng tingin si Airleya, sa ama niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang lumabas sa bibig ng Count. “Dapat noon ko pa sinabi iyroi sa iyo noong kakagising mo. Pero dahil mainit na ang ulo mo noon noong pumasok ako sa silid mo dahil sa two stepsisters mo. Hindi ko nagawa. So, welcome home my youngest daughter Airleya.” nanlaki ang mga mata ni Airleya, dahil sa narinig niya sa kanyang ama. Wala siyang maintindihan sa mga oras na iyon.

“Wait. What do you mean na welcome back? Hindi ko gets kong ano ang ibig sabihin mo sa welcome back mo papa. Alam mo ba na hindi talaga ako ang tunay na Airleya? Bakit— wait wait lang, ano yung sabi mo? Youngest?”

Huminga ng malalim ang Count bago ibinuka ang bibig para magsalita. “Alam ko na nong araw na makita kang may malay na hindi na ikaw si Saina. At ikaw na si Airleya. At sa sinabi ko na youngest yes, you are my youngest. Ikaw ang kakambal ni Saina na namatay at binigyan ng buhay sa kabilang mundo at ngayon ay bumalik ulit dito.” napanganga si Airleya sa panimula ng kanyang ama.

“K-kakambal? Kambal ako ni Saina, ang may-ari ng katawang ito?," Aniya sabay turo sa sarili niya. “Na namatay at napunta sa kabilang mundo? At ako ang tunay na Airleya, at hindi siya? How did that happened?” naguguluhang tanong ni Airleya.

“Yes. Ikaw ang tunay na Airleya. At si Saina ang tunay na Iredissaina. Kambal kayo. Identical twins, namin ni Summerbelle. Hindi iyon alam ng lahat na may kambal kaming anak ni Summerbelle. Tanging ang lolo't lola mo lang ang nakakaalam. Namatay ikaw noong limang taong gulang ka dahil sa mga kalaban na nilusob ang lupain kung saan tayo nakatira.Pinili namon ni Summerbelle na manirahan malayo sa mga tao. Malayo dito. Nakatira tayo noon sa pinakamalyong lupain ng emperyo. Gusto namin maranasan niyo ang buhay na normal tulad ng iba. At nagawa namin. Pero naging panandalian lamang ang normal na buhay na pinaranas namin sa inyo. Lalo na nong nilasub ang lupain natin kung saan tayo nakatira. At doon ka namatay, Leya. You saved your twin sister Saina. At your young age nagtataglay ka na ng kapangyarihan ng Briarlaine, but hindi iyon sapat para mailigtas mo pati ang iyong sarili.  You saved your twin sister pero hindi mo nailigtas ang iyong sarili. You. . . sacrifice yourself for the safety of your ate.” pagku-kuwento ng ama niya sa kanya. Napatakip ng bibig si Airleya sa nalaman. Hindi pa buo ang kwento ng papa niya, at hinintay niya ang kadugtong nito.

“At that time, the goddess of wind Oniev, appeared. She looked at you. She looked the body of a child na wala ng buhay. At doon niya sinabi sa amin na balak ka niyang buhayin. Pero hindi iyon naging madali sa amin ng mama mo, lalo pa't ng marinig namin ang sinabi niya. Bubuhayin ka niya pero doon sa ibang mundo ka mabubuhay. Pero babalik ka rito, yun ay kong pahihintulutan ng kakambal mong si Saina na ibigay sa iyo ang katawan niya sa oras na magmature na at handa na ang diwa at kapangyarihan mo na mag-isa para makabalik ka rito...” saglit napatigil ang Count para huminga.

AIRLEYAWhere stories live. Discover now