Chapter 3:

10 0 0
                                    

Alas dose na ng gabi ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Eros. Nasa kusina siya ngayon at nagtitimpla ng gatas, nagbabakasakaling dalawin siya ng antok sa pamamagitan ng pag-inom niyon.

Dala-dala ang tasa ng isang mainit na gatas, dinala si Eros ng kaniyang mga paa sa may salas at doon naupo siya sa may malambot sofa. Habang dinadama niya ang init ng gatas na hawak niya sa kaniyang kaliwang palad at panaka-nakang hinihigop ang laman ng tasa ay kung saan-saan lumilipad ang kaniyang isipan. Nakailang buga na rin siya ng hangin ng mga sandaling iyon.

Nang maubos ni Eros ang iniinom ay agad niya ring hinugasan iyon at ibinalik sa may lagayan at saka na siya nagtungo sa kaniyang silid. Papasok na sana si Eros sa loob ng kuwarto niya nang makita niya ang bahagyang nakaawang na pinto ng kuwarto ni Ethan. Napailing si Eros at naglakad palapit sa may pinto para sana isarado iyon nang mapadako ang tingin niya sa mahimbing na natutulog na anak.

Napabuntong-hininga siya at saka dahan-dahang naglakad palapit kay Ethan. Naupo siya sa gilid ng kama nito habang pinagmamasdan niya ang mahimbing na pagtulog ng anak. Bahagya ring hinaplos ni Eros ang mga mumunting buhok na sumasagi sa nakapikit na mga mata ni Ethan. At habang pinagmamasdan ni Eros ang anak, isang butil ng luha agad ang pumatak sa mga pisngi niya.

"I love you anak... lagi mong tatandaan iyan ha. Mahal na mahal ka ng papa mo." ani Eros at hindi niya na napigilan pa ang mag-crack ang boses. Napasinghot rin siya ng ilong, nagbabadya ng kaniyang pag-iyak. "At pasensiya na rin, nakung, kung may mga naging pagkukulang man ako. Hindi naman din kasi ako perpektong tao. Pero sana kahit na ganun, sana mahal mo pa din ang papa ha." tuluyan na ngang napaiyak si Eros.

Pero pigil na pigil pa din niya ang mapahagulgol dahil baka magising niya ang anak. "Kasi ako anak, mahal na mahal kita. Ikaw ang mundo ko, ang buhay ko. Lahat anak gagawin ni papa para sa'yo kasi mahal kita. Ikaw lang ang meron ako ngayon Ethan Lee." isang muntik halik sa noo ang iginawad ni Eros kay Ethan bago siya tuluyang umalis ng silid ng anak.

Pagkasaradong-pagkasarado ni Eros ng pintuan ay siya namang pagmulat ni Ethan ng kaniyang mga mata kasabay ng pagpatak ng isang luha.

Mahal na mahal din kita papa ko. Nandito lang palagi si Ethan para sa'yo.

---

Kinabukasan, pasado alas-siyete trenta ng umaga nagising si Ethan. Agad na siyang bumangon at pupungas-pungas na naglakad palabas ng silid habang nagkukusot ng sariling mga mata. Agad niyang hinanap ang papa Eros niya, ngunit halos malibot niya na ang buong kabahayan nila ay hindi niya ito mahagilap. Kaya naisip nalang niya na marahil ay pumunta na ito ng coffee shop.

Ganun naman palagi ang eksena nilang mag-ama. Lalo na kapag sabado't linggo. Madalas ay hindi niya naaabutan ang kaniyang papa sa bahay nila sa tuwing nagigising siya. Kung kaya't hindi na rin naman bago sa kaniya kung hindi niya man ito naabutan.

Agad na bumalik si Ethan sa silid at dumiretso siya sa banyo ng kuwarto niya at kaagad na naligo. Pagkatapos ay muli siyang nagtungo ng kusina para kainin ang pagkain na inihanda ng kaniyang papa ni Eros para sa kaniyang almusal. Isa sa mga ugali na hindi naiaalis kay Eros ay kahit na palagi itong nauunang umalis ng bahay ay hindi niya talaga kinakalimutan na maghanda ng kakainin ng anak, lalo na tuwing breakfast. Mas uunahin pa nitong lutuan ng almusal ang anak kaysa sa sarili nitong almusal.

Napangiti si Ethan sa nakitang sticky note na nakadikit sa isang basong gatas na may takip.

[Good morning sa pinakaguwapong prinsipe ng papa. Kain ng mabuti anak. Labyu! :*
-Papa Eros ♡︎]

"Si papa talaga." wika na lamang ni Ethan habang umiiling-iling pa. Agad na itinabi ni Ethan ang sticky note na iyon at nagsimula na siyang kumain ng kaniyang almusal. Scrambled egg, longganisa at fried rice ang nilutong almusal ng papa niya; isa sa mga paborito niyang kinakain tuwing almusal. Medyo tinanghali siya ng gising kumpara sa oras nang paggising niya talaga. Matapos kasing lumabas ng kuwarto ang ama niyang si Eros kagabi ay agad kinain ng lungkot si Ethan.

SVT x ENHA AU: Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon