"Sabi niyo ayaw niyo akong nasasaktan, pero sa ginagawa niyo papa, kayo po mismo ang nakakasakit sa akin." Sa kabila ng pagiging single dad ni Eros ay maayos niyang pinalaki ang anak na si Ethan. Salamat sa walang sawang pagtulong at pagsuporta ng mga kaibigan sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagmamahal at pag-aaruga na ibinibigay ni Eros sa anak ay tila ba may kulang pa rin sa buhay ng binata---iyon ay ang makilala ang isang ama nito. Ngunit sa halip na sagutin ni Eros ang mga katanungan ng anak, he always give him a different answer hanggang sa magbinata ang anak. Kaya naman mas lalong lumakas ang hinala ng binatang anak na si Ethan nang tumanda na ito na buhay pa ang isang ama niya sa kabila nang hindi niya pa ito nakakasama mula nang siya ay maliit pa. Ngunit paano nga ba mahahanap ni Ethan ang isang ama gayong ni pangalan nito o anumang pagkakakilanlan ay hindi niya alam? Makikilala kaya niya ito kung sakaling makita niya ito? Tatalab nga kaya ang sinasabi ng iba na lukso ng dugo sakaling mag-krus ang landas nilang mag-ama? Double Take AU | iammariewrites © All Rights Reserved 2023 - [Wattpad version of Double Take AU]