Chapter 1:

41 0 0
                                    

(3 years after)

"Papa, ashan dadi toh?" Tanong ng munting bata na si Ethan sa amang abala sa pagkukuwenta ng napagtindahan ng mga sarili nitong gawang homemade frozen foods. Gamit ang mga maliliit na kamay ng batang si Ethan ay pilit nitong inabot ang laylayan ng manggas na suot na t-shirt ng ama sabay hila nito roon nang makailang beses. "Papa Ewosh. Papa Ewosh, ashan dadi toh. Papa..." Pangungulit ni Ethan sa ama nito habang patuloy ito sa paghila sa manggas ng t-shirt nito.

Malalim na napahinga naman si Eros—ang ama ni Ethan, saka ito tumingin sa tatlong taong gulang niyang anak at saka niya ito binuhat at pinaupo ito sa kandungan niya nang paharap para makausap niya ito ng maayos. "Ethan nakung, 'diba sabi ni papa 'wag mo munang guguluhin si papa hmm." mahinahong pagkausap ni Eros kay Ethan nang nakangiti rito, habang tahimik naman tinitignan lang siya ng anak. "Dun ka muna mag-play kasama ni Jayjay ha, 'wag dito. Nagwo-work si papa e." dugtong pa ni Eros sa kaniyang anak sabay ngiti dito ng matamis. "Promise, mamaya papasyal tayo sa park. Basta, 'wag lang muna ngayon nakung, hmm..." pagtatapos na saad ni Eros sa anak at saka muling ibinalik ang sarili sa naudlot niyang ginagawa.

Maya-maya pa'y nakarinig na lamang si Eros nang mahihina at mumunting tunog mula sa sandalyas ng anak na papalayo na sa kinaroroonan niya. Wala tuloy sa oras na napabuntong-hininga si Eros habang pinagmamasdan ang anak na si Ethan na muling bumalik sa pakikipaglalaro nito sa dalawang taong gulang na panganay na anak nina Jeremiah at Markie na si Jayson.

Kailan ka ba matatapos sa pagtatanong tungkol sa kaniya, nakung?

———

Isang malakas na pagbusina ang nagpagulantang at nagpahinto kay Eros mula sa ginagawa nito. Awtomatikong napadako agad ang kaniyang mga mata sa kinaroroonan ng anak ngunit imbes na dalawang bata ang madatnan ng kaniyang mga mata ay isang bata lang ang kaniyang nasumpungan, iyon ay si Jayjay na anak ni Jeremiah. Agad na inatake ng kaba si Eros ng mga sandaling iyon at napatuwid siya tayo at agad nagpalinga-linga sa paligid ang kaniyang paningin upang hanapin ang anak, ngunit hindi niya masumpungan doon si Ethan, hanggang sa makarinig siya nang isang malakas na pag-iyak ng isang bata na pamilyar na pamilyar sa kanya. Ang anak ko!

"Ethan!" Agad na sambit niya.

Nagkukumahog na tumakbo palabas si Eros ngunit agad-agad din siyang napahinto nang mapagtanto niya kung sino ang kausap ng anak niyang si Ethan.

"Are you okay, little guy? Shhh. Don't cry na." Wika ng lalaking nagpapatahan ngayon sa kaniyang anak. Tangina.

Gustuhin mang lapitan ni Eros ang dalawa, at kunin ang anak sa mga bisig ng lalaking kasama nito ay hindi niya magawa. Naka-disguise man ang lalaking iyon ay hindi pa rin maiaalis sa kaniyang makilala niya ito. Buhay ka pa palang yawa ka!

Ilang saglit pa ay nakita niya ang paglapit ni Hansen habang akay-akay ang dalawang taong gulang na anak nitong si Cedric. Marahil ay dadalhin ni Hansen ang anak nito sa bahay nila para makapaglaro ang anak nito sa anak niya at sa anak ni Jeremiah na si Jayjay.

"Aruuuy! Tantan, ba't naiyak ang balong namin na iyan huh?" Agad na saad ni Hansen sa munting batang si Ethan. "Asan papa mo bebi ko?"

Agad nakilala ng kaniyang anak si Hansen kaya mabilis itong tumakbo palapit sa kaibigan niya.

"Nong An!" Agad na sambit ni Ethan sabay yakap nito sa mga hita ni Hansen.

At ang lalaking kumausap kay Ethan ay walang paalam nalang na umalis na ipinagkibit-balikat na lamang ni Hansen sabay akay niya sa dalawa batang kasama papasok sa bahay ng mga Lee.

SVT x ENHA AU: Double TakeWhere stories live. Discover now