Prologue:

42 1 0
                                    

(𝗬𝗲𝗮𝗿 2000)

Sa isang madilim at malamig na gabi sa labas ng bahay-kubo ay pansamantalang nakisilong ang magkasintahan no'ng umulan ng malakas. Habang yakap-yakap ni Eros ang sarili ay yakap-yakap naman siya ni Josiah.

"Pasok muna kaya tayo sa loob, love?" Pagtatanong ni Josiah sa kasintahan. "Look at yourself, mukhang giniginaw ka na."

Doon ay tumingin si Eros kay Josiah. "Sira ka ba? Trespassing gagawin natin kung papasok tayo sa loob nang walang paalam sa may-ari." Sagot naman ni Eros at pinaikutan nito ng mga mata si Josiah.

He heard Josiah sighed. "Wala nang nakatira dito love. Look at the surroundings, may nakikita ka bang tao dito, 'diba wala?"

"Wala nga sa ngayon, pero baka mamaya dumating yung may-ari, edi lagot tayo nito!" Ani muli ni Eros at sinigurado niyang may diin sa mga huling salitang sinabi niya para makuha agad iyon ng nobyo niya. "Brrr! S-shit! A-ang lamig." Maya-mayang wika ni Eros habang nangangatog siya sa lamig.

"Hay! Sabi ko na kasing tara na sa loob eh, kulit!" Medyo inis na pagkakasabi ni Josiah dahil sa katigasan ng ulo ng nobyo niya at saka na nito inakay si Eros papasok sa loob. Agad na dilim ang sumalubong sa kanila at amoy ng isang bahay na halatang hindi na tinitirhan. "See! I told you. Wala nang nakatira dito." Josiah smirked.

Agad na inakay nito si Eros paupo sa lumang papag na kawayan na naroon. "Upo ka muna diyan. Hahanap lang ako dito ng gasera. For sure may naiwan yung may-ari dito." Wika ni Josiah at inilibot nito ang paningin sa paligid. At isang moron ang nahagilap ng mga mata nito. Ang moron ay isang uri ng gasera na tawag sa isang bote ng gin o kahit na anong bote na may laman na gas at palarang may tela ang nakita nito, at katabi ng moron ay ang nag-iisang kahon ng posporo. "Uy! Swerte!" Natutuwang sambit ni Josiah at saka sinindihan ang moron na nakita kaya't agad na kumalat ang liwanag niyon sa apat na sulok ng bahay-kubo na iyon.

Agad na umupo si Josiah sa tabi ni Eros. At marahil ay naramdaman nito ang basang damit nito dahil apatingin tuloy ito agad sa kanya. "Love, alisin mo muna kaya iyang damit mo?" Maya-maya saad ni Josiah.

Agad na lumaki ang mga mata ni Eros dahil sa narinig. "Siraulo ka ba?"

"What? Eros, wag kang ngang mag-isip ng kung ano diyan, pinapatanggal ko lang naman iyang damit mo kasi basa. Baka magkapulmonya ka 'pag hindi mo iyan hinubad." Paliwanag naman agad ni Josiah at 'di na napigilan ang pagtawa kaya nahampas tuloy ito ni Eros.

"Josiah!" Hiyaw ni Eros sa tatawa-tawang si Josiah.

"Ikaw kasi! Ang dumi ng isip mo." Ani ng tumatawang si Josiah. "Pero kung gusto mo rin naman aba'y game naman ako. Sabihin mo lang, love." Nang-aasar na wika pa ni Josiah kaya napa-ismid naman siya sa kasintahan.

Ilang minuto ang lumipas ay parang mas dumoble yata ang lamig na nararamdaman ni Eros ngayon. At agad naman iyong napansin ng katabi nito na si Josiah.

"I told you earlier, didn't I, that you will get colder if you don't take off your clothes." Napanguso na lamang si Eros at saka dahan-dahan na naghubad siya sa harapan ni Josiah na agad napalunok sa nakikita. Agad-agad na umiwas nang tingin si Josiah dahil doon kasabay nang pamumula ng mga pisngi nito.

Damn it!

Josiah cursed in his mind. He took a deep breath to clear his mind, at saka muling nilingon si Eros at nakita niya itong nakabalot na ng kumot habang nakakukot sa may bandang sulok. Agad na napakunot ng noo si Josiah at nagtaka sa nakita. "Saan ka nakakuha ng kumot, love?"

"Dito lang sa may papag. Madilim kasi kanina 'diba kaya hindi natin nakita agad. May unan pa nga dito eh." Sagot naman ni Eros at agad na pinakita dito ang nakita niyang unan na natabunan ng kumot kanina.

SVT x ENHA AU: Double TakeWhere stories live. Discover now