Pinapasok ko na si Mishael kaya nagpaalam lang siya saglit kina Leroy. 'Saka ko naharap nang maayos 'tong bading na 'to. Hindi na naman kasi talaga ako titigilan nito! Gusto ko rin mag-club pero may mga kailangan akong gawin tomorrow. Maghahanap din ako ng work after class.

"Baliw ka talaga, 'no?" madiin kong bulong kay Leroy at inambahan siya ng kutos.

Mahina siyang tumawa. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin nang mas pinatunog niya 'yon na nang-aasar.

"Dali na! Papayag ka bang wala kang naka-hook up kahapon?" sabi ni Leroy at ngumuso sa akin.

"Oo, payag ako. Kaya umalis na kayo ni Ashton dahil gagawa pa ako ng activities ko at matutulog na ako. Alas-nuebe 'yung pasok natin bukas, bading. Kaya matulog ka na rin kung ako sa 'yo," sabi ko.

"Ano naman? Kaya ko naman gumising nang maaga kahit lasing ako, kaya rin ni Ashton. Alas-nuebe rin 'yung pasok niya bukas. At saka ang boring kasi! Tapusin mo na activity mo tapos tara na!" sabi ni Leroy at pumwesto sa likuran ko para itulak ako sa magkabila kong balikat.

Napabuntonghininga ako bago binuksan ang pinto. Wala si Mishael do'n, baka nasa CR. Mabuti naman nakapaghubad na siya bago kami pumasok. Dahil mas lalong hindi aalis 'tong si Leroy kapag nakahubad 'yon si Mishael.

Naiinis kong nilingon si Leroy na ngayon ay prente nang nakaupo sa sahig at nakangiti sa akin nang nakakaasar. Habang si Ashton ay nangingiti lang habang nakatingin sa akin. Ang hirap naman kasing i-decline nito ni Leroy dahil hindi talaga niya ako titigilan hangga't makuha niya 'yung gusto niya.

"Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka sumasama," sabi ni Leroy.

I hissed and sighed deeply. "May mga iniisip pa akong ibang bagay, Leroy. Tumawag si Mama sa akin kanina, pinaghahanap niya ako ng work. Bukas maghahanap ako ng work. Papasok din ako. Paano kung may need pang gawin sa subject natin bukas, or biglang may meeting sa org ako pa naman 'yung president," sunod-sunod kong sabi.

"Tutulungan kita maghanap ng work bukas. Ano ka ba? Kasama mo kami ni Ashton. 'Wag mo masyadong sino-solo 'yang mga iniisip mo, Zern. At hindi ka namin iiwanan dito na nase-stress tapos kami nagsasaya. Kung magsasaya kami, dapat nagsasaya ka rin," nakangusong sabi ni Leroy at seryoso siya ro'n dahil nawala na ang ngiti niya.

Napapikit ako at napaupo sa upuan ng study table ko. Napasapo ako sa noo ko at marahang hinilot ang pagitan ng kilay ko. Hinahabol ko ang hininga ko sa biglaang frustration na naramdaman ko. Putangina talaga. Hindi ko ma-process nang maayos 'yung sinasabi ni Leroy. Hindi ko magawang magsaya kung may inaalala akong mga gagawin. Malandi lang ako pero hindi ako pabaya. Hindi ko puwedeng pabayaan 'yung perang pinapaaral sa akin.

"Leroy, naiintindihan kita. Salamat. Pero pass muna ako, please? Gusto ko rin. Gusto ko na rin makipag-make out. Nami-miss ko na rin talaga malasing din nang sobra at may makasamang. . . lalaki," sabi ko at hininaan ang huling salita kong sinabi dahil baka marinig ni Mishael.

Napasimangot si Leroy. "E 'di hindi na lang din kami aalis ni Ashton. Dito na lang kami hanggang sa matapos kang gumawa ng activity mo. Tapos bili tayo ng ice cream mamaya habang naglalakad bago magsitulog," sabi ni Leroy.

Unti-unti na akong natawa nang mahina. Gusto talaga nila ako kasama.

"Angel ka diyan, Ler," sabi ko at napahalakhak na.

Ngumiwi siya sa akin. "Mas angel ka diyan, beh. Studying era ka," sabi ni Leroy at humalakhak din.

Nagtawanan kaming tatlo. At itong OA na si Leroy, mas nilakasan 'yung tawa niya at pinilit pang tumawa nang tumawa para kunwari laugh trip kaya unti-unti kaming napatigil sa pagtawa ni Ashton at sabay namin nginiwian si Leroy pero wala siyang pakialam. Itong bading na 'to. Harot! Jusko.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Where stories live. Discover now