Blue Wolf 6

2.8K 111 3
                                    

Sorry for typos and errors.
Alam kong madaming nalilito sa inyo kaya mag uupdate na ko bibigyan ko na kayo ng sagot sa mga tanong nyo.

~~~~~~~~~~~~~
[ Third Person POV ]

"Mama ano po ba 'mate'?" tanong ng munting bata sa kanyang ina habang namimitas ng mga bulaklak.

"Bakit mo naman na tanong iyan anak?" sabi ng kanyang ina na nakangiti.

"Wala lang po mama gusto ko lang po malaman kasi si Ate Nelia sabi nya nakita na nya ang mate nya." sabi ng batang babae habang nilalagay sa basket ang mga bulaklak.Nasa tabing ilog sila dahil doon ay may mga bulaklak na tumutubo at bonding na din nila iyon mag-ina.

Natawa ang ina nya. " Anak ang mate ay iyon ang iyong kalahati sa buhay mo." nakangiting paliwanag nito sa anak."Sya ang magiging katuwang mo sa buhay ang mag papasaya sa iyo at higit sa lahat mamahalin ka nito hindi ka nya hahayaang mapahamak sya din ang kukumpleto sa iyo." makikita mo sa ina ng bata ang labis na saya sa mga mata nito.

"Pero mama paano kung hindi mo makita ang mate mo?" tugon ng bata. "Di ba po ang sabi nyo sya ang magpapaligaya sayo at hindi ka nya hahayaang mapahamak? Paano po kung dumating ang araw na hindi mo makita ang mate mo anong mangyayari sa inyo?" dugtong ng bata.

"Hindi mangyayari iyon anak ang Moon Goddess ang bahala sa iyo at sya din ang nagtakda sa inyo ng mate mo kaya impossibleng hindi kayo magkita." paliwanag pa nya.

"Ah..ganon po ba mama hmm..paano naman po kung dalawa ang naging mate mo hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa dahil  parehas mo silang mate?" tanong nya.

"Anak isa lang ang mate na dapat hindi dalawa kung mangyari man iyan ay iyan ang nasa prophecy ibig sabihin anak manyayari talaga yun nga lang walang makakapag sabi kung sino iyon at kailan magaganap." paliwanag nya pa sa anak nya.

"Mama hindi ko po kayo maintindihan." nalilitong sabi ng munting bata.

"Kung dalawa ang naging mate mo ibig sabihin ikaw ang itinakda ikaw ang magliligtas sa lahi nating mga Blue Wolf." dugtong pa na ng ina nya.

"Paano po nyo malalaman kung sino ang totoong mate mo sa kanilang dalawa?" tanong pa ng bata.

"Sa pagkakatanda ko ay nasa isang kwintas ito.Doon mo malalaman ang sagot ngunit hindi ko alam kung anong itsura ng kwintas na iyon.Sabi nila Ina at Ama ay kapag tinaman daw ito ng sinag ng buwan ay may lalabas daw doon hindi ko na alam kung ano iyon anak pero sa ngayon ay wag na muna natin isipin iyon." mahabang paliwanag nya.

"Bakit po mama may nag uubos ba ng lahi natin mama?" hindi na sumagot ang ina ng bata binigyan na lang sya nito ng isang mapait at pilit na ngiti.

"Tara na anak nag-iintay na satin ang papa mo." sabi nito at hinawakan ang basket na may lamang mga bulaklak at hinila ang anak pauwi.

*
Napabalikwas si Sapphire dahil sa panaginip na iyon habol niya ang hininga nya na para bang hinabol sya sa pag bangon nya ay nagising ang katabi nya.

"Baby? Are you okay? Bakit hinihingal ka? Anong nangyari? " nag-aalalang sabi nito at tinignan si Sapphire.

"Na naginip lang ako." sagot nya kay Jin.

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin sya kung sya ang nasa propesiya ay sya ang magliligtas sa lahi nilang mga Blue Wolf ngunit paano nya ito malalaman pilit nya itong inaalala dahila alam nyang sa panaginip na iyon ay nandoon ang mga sagot kung paano nya ito malalaman.

Pilit nya itong inaalala ay talagang hindi nya matandaan.Napahawak sya sa ulo nya dahil sa maraming tanong sa isip nya kaya sumakit ito.

"Hey.Baby ayos ka lang ba masakit ba ulo mo?" tanong ni Jin.

"Medyo." mahinang sabi nito na nakahawak parin sa ulo nya.

"Let me massage your head baby." sabi ni Jin tumango lang si Sapphire kaya lumapit sa kanya si Jin.

"Higa ka dito sa lap ko baby." turo nya sa lap nya humiga naman si Sapphire at inumpisahan naman ni Jin ang paghilot sa ulo nya.Dahil sa paghilot ni Jin ay unting-unti na nawawala ang sakit nito hanggang sa nakatulog ulit sya.

[ Sapphire Blue Smith ]

Nagising ako ng may naramdaman akong may humahaplos sakin dahan dahan kong idinilat ang mata ko at nakita ko ang isang napaka gwapong nilalang na nakahiga sa tabi ko at nakatingin sakin.

"Good morning baby.Ayos na ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nya.

"Yeah im now okay thank you." sincere na sabi ko.

Nginitian nya ako at niyakap.
"Aalis lang ako baby may mga dapat kasi akong gawin ngayon pero kapag natapos agad iyon ng maaga ikaw una kong pupuntahan." sabi nya at nginitian ako pagkaraan ay hinalikan nya ako sa noo.Ngayon ko lang napansin na nakabihis sya sabagay Alpha sya kaya marami syang kailangang gawin.

"Ok." I said and smiled.Lumabas na sya ng kwarto kaya bumangon na ko at nagtungo sa banyo do my routine.

Lumabas ako ng kwarto and heading to kitchen nagugutom narin kasi ako nakita ko si Nana Gida na nag huhugas ng plato napaginto ito at tumingin sa gawi ko at ngumiti ng malapad.

"Luna." yumukod ito sakin bilang tanda ng respeto lumapit naman ako sa kanya at sinabi na wag na nyang gawin iyon ngunit dahil sa makulit sya ay pinabayaan ko na lang.

"Anong gusto mo Luna? Para maipagluto kita." sabi nya at pumunta sa ref.

"Kahit ano na lang po hindi naman ako maarte sa pagkain." I said in the matter of factly.

"Oh sige po." sabi nya at kinuha na nya ang mga kailangan nya sa ref.

"Pwede po ba akong tumulong?" sabi ko hindi kasi ako sanay na hindi gumagawa ng kahit ano katulad ng paglilinis ng bahay o di kaya pgluluto.

Ngumiti sya sakin, "Oo naman Luna alam kong nababagot ka na dito kaya sige tumulong ka na sakin." masayang sabi nya.

Naghahalo ako ng sabaw si Nana Gida naman ang naghihiwa habang nagluluto kami ay may biglang pumasok na isang bata sa kusina na base sa itsura nya ay mag kaedad lang kami babae sya masayang lumapit sya kay nana Gida.

"Nana Gida saktong sakto gutom na ako." sabi nya at dinilaan ang labi nya habang ang kamay nya ay nasa tyan na marahang hinihimas.Natawa ako sa kilos nya kaya napatingin sya sakin bakas sa mukha nya ang pagtataka kung sino ba ako.

"Nana Gida sino sya?" tukoy nya sakin ngumiti si Nana Gida sa kanya nya at magiliw na pinakilala ako sa  babae.

"Sya ang Luna natin sya ang mate ni Alpha Jin." Sabi nya at pinagpatuloy na nya ang ginagawa nya.

Nanlaki ang mata nya at yumuko sakin at humingi sya ng tawad sinabi ko na ayos lang ng maluto na ang niluluto namin ay kumain na kaming tatlo ang pangalan pala nya ay Rica napakamasayahin nya at madaldal hindi sya nauubusan ng kwento.

~~~~~~~~~~

Finally I update so how was it so far? Thank for votes and comments I really appreciate it guys!!

Votes + Comments = Update ^-^

Maika

Blue WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon