END

127 7 8
                                    

Bada's Pov

“Mahal, okay na ako. Mahal na mahal kita.” Audrey softly said as she cupped my cheeks and placed a kiss on my forehead.

“Bada!! Bada!!” agad akong napabangon at napatingin sa paligid ko.

Nakita ko sila Chocol at Tatter sa tabi ko at doon napansin na umiiyak na si Tatter. Hinahabol ko yung hininga ko at pilit iniintindi kung anong nangyayari. Bakit siya umiiyak? Bakit kami nandito?

“Tangina naman, Choc! Bakit nandito pa tayo? Magreready pa tayo para sa surprise ko para kay Audrey diba? Parang ewan mga 'to.” naaasar kong sabi sakanila at tatayo na sana nang bigla akong hatakin ni Chocol pabalik ng kama.

“Tama na please.” humahagulgol na sabi ni Tatter.

Anong tama na? Ano bang nangyayari sakanila?

“Bakit kaba umiiyak? Ang gulo gulo niyo.” iritado kong sabi sa dalawa.

“Ikaw yung magulo, Bada.” sagot ni Chocol.

“Alam niyo kung ayaw niyo akong tulungan edi wag! Ang dami niyo laging ebas eh.” and for the second time, I got up and went straight to our closet.

While I was busy choosing my clothes,  Chocol suddenly spoke behind me causing me to froze where I was standing and felt every drop of my sweat.

“Bada, patay na si Audrey at ngayon yung 1st death anniversary niya.” Chocol reminded me.

“Hindi magandang biro, Chocol. Alam mo kasama ko lang siya kaya imposible 'yang mga sinasabi mo. Para kang ewan eh! Kumain pa nga tayo after our dance class, diba? For sure nasa coffee shop na yun at maaga umalis.” paliwanag ko at hinarap silang dalawa.

“Last year pa nangyari yun, Bada.” this time si Tatter naman yung nagsalita at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

“Matagal na sarado yung shop. When she died, everything died. Bada, when she died, half of you died too. Yung studio mo, after mong iparenovate up until now hindi mo pa rin binubuksan at hindi kana tumatanggap ng offers to teach.” Chocol paused and her voice cracked up.

“Yung coffee shop ni Audrey sinarado na kasi walang nagmamanage ni-ayaw mo ngang bisitahin yun eh. Halos magkulong kana rito sa bahay niyo at pinabayaan mo na yung sarili mo. Bada, matagal na siyang wala.” Chocol added and her tears started to fall.

“Palayain mo na siya, Bada. Please pilitin mong bumangon ulit para sakanya. Do you think matutuwa siya kapag nakita niyang ganyan ka?” Tatter butted in.

And the reality hits me. As I managed to process everything, I broke down and cried. Bakit?! Sana hindi na lang ako nagising. Sana hindi na lang.

“Bakit ba kayo nandito ha? Sinong nagbukas ng pinto? Bakit ba kasi kayo pumunta?” mangiyak ngiyak kong sabi.

“Nag-aalala kasi kami sayo. Ilang beses ka naming tinatawagan pero hindi ka sumasagot kaya pinuntahan kana namin. May nakita kaming nakasabit na susi sa labas tapos naabutan ka naming nakalumpasay sa sahig at walang malay.” paliwanag ni Chocol saakin.

“Sana hinayaan niyo na lang ako, sana hindi niyo na lang ako ginising at sana hinayaan niyo na lang akong makasama si Audrey!” sigaw ko sakanila at patuloy pa rin sa pag-iyak.

“At sa tingin mo matutuwa si Audrey sa mga pinagsasasabi mo ha? Bada, bumangon ka para sakanya! Ipakita mong kaya mo kasi alam natin ayun din gustong mangyari ni Audrey. Bada, wag mo namang saktan si Audrey oh. Mabuhay ka para sakanya, tuparin mo yung pangarap niyong dalawa.” Tatter said while sobbing.

How? How could I do that? Paano ko matutupad yung mga pangarap naming dalawa kung wala na siya sa tabi ko? Siya yung lakas ko, siya yung kailangan ko ngayon.

IKAW AT AKO || BADA x AUDREY ||Where stories live. Discover now