Chapter 1

3 0 0
                                    

Author's POV

Kung nagpaulan ang nakatataas ng swerte, nagpaambon lang siguro si Robyn at hindi sinulit ang buhos ng biyaya. Habang nakayuko sa kanyang upuan, iniisip niya kung paano niya tatapusin lahat ng projects niya habang tuma-tumbling sa dalawa niyang part time jobs.

Napansin ng mga kaibigan niya kung paano siya maghirap sa pagschedule ng trabaho at school works niya.

"Binnie, need mo ba ng help sa school work mo?" nag-aalalang tanong ni Elaine, isa sa mga close niyang kaibigan sa Art Department.

Tinaas niya ang kanyang ulo sa lamesa at ngumiti ng mapait "Busy rin kayo sa school works niyo," saad niya sabay umupo ng maayos, "Iniisip ko lang baka need ko i-cut tulog ko pansamantala para matapos na mga reports ko."

"E, Binnie, ilang oras lang ba tinutulog mo ngayon?" curious na tanong ni Jade, isa rin niyang kaibigan, "Last time I checked, wala pa sa limang oras tinutulog mo!"

Napalaki naman ng mata si Elaine ng marinig kung gaano lang kahaba tinutulog ng kaibigan.

"Robyn! Tapos balak mo pa bawasan tulog mo?!" nag-aalalang hiyaw niya.

Napatingin ang mga tao sa paligid nila kaya dali daling kinalma ni Robyn ang kaibigan.

"Ayos lang ako!" mabilis niyang saad, "Functional pa rin naman ako kahit 2hrs lang tuloy ko."

"DALAWANG ORAS?!" parehas ng sumigaw sila Elaine at Jade matapos marinig kung ilang oras na lang itutulog ni Robyn.

"Binnie, ikaw ang pinakamasipag na tao na nakilala ko," panimula ni Jade, "I know you are working after school and dalawang part time jobs na ginagawa mo to live day by day. Ang sabi ko sa'yo we can help you ni Kuya Jasper, pero you keep on denying it. Hindi naman masamang tanggapin ang tulong sa amin kahit ganoon pa nangyari."

Napailing si Robyn ng marinig na naman ang suggestion ng kaibigan.

"Its not fine for me to take advantage of your good will just because we have history," sagot ni Robyn.

Magsasalita pa sana si Jade ng magring ang alarm ni Robyn.

"Mauna na ako sa inyo, girls."

Mabilis na nagpaalam si Robyn sa dalawa at umalis ng classroom. Napansin ni Elaine kung gaano mag-alala si Jade kay Robyn.

"Jade," tawag niya sa atensyon nito, "If ayaw tanggapin ni Binnie tulong galing sa atin, baka may iba tayong pwedeng middleman para siya magbigay ng tulong sa kanya."

Napaisip si Jade sa suggestion ni Elaine at tumango.

- - -

Ilang oras pa lang ang nakakalipas at nadadama na ni Robyn ang pagbigat ng mga mata.

Wala pang isang oras ang tinulog niya bago pumasok sa kanyang klase at ngayon ay nasa part time job niya bilang waiter. Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising.

"30mins na lang naman, pwede na ako mag-out"

Tahimik niyang tinapos ang trabaho at sa wakas ay out na niya. Around 9pm na natapos ang shift ni Robyn pero hindi pa natatapos lahat ng kailangan niyang gawin.

Bumalik siya sa school at dumiretso sa isang room. Binuksan niya ang ilaw at andun ay mga box na puro art materials. Sa paligid ay puro canvas, iba ay tapos na at sa gitna ay may isang canvas na halatang nasa kalagitnaan pa ng paggawa.

Sa sahig na malapit sa canvas ay may nakalatag na karton na may manipis na sapin at maliit na unan.

Dahan dahan humiga si Robyn bago siya tuluyang makahinga. Kinuha niya ang isang container sa kanyang bag at bote ng tubig.

A Robin's Dream (Andrew x Robyn)Where stories live. Discover now