Part 5

177 5 0
                                    

Part 5

GREG POV

Alas 9 ng gabi noong matapos ang inuman nila Raul at ng iba pa. Iniuwi ni Julian sina Shan Dave at Bogart dahil parehong may tama ang mga ito. Iniwanan na lang nila yung sakay na motor para makaiwas sa aksidente. Dahil sa sobrang dami ng kalat ay tinulungan lang ako ni ate Elena sa pagliligpit, kahit namamahinga na sila ng asawa doon sa bahay nila ay bumangon pa rin ito para maghugas ng mga pinggan sa kusina. Samantalang ako naman ay abala sa pagsisilid ang kalat sa garbage bag at sa pamumulot ng mga bote sa paligid.

"Fuck! Sinong gago ang umihi dito sa gilid ng gate?! Papanghi dito e! Yang mga kaibigan ni Raul parang mga aso!" ang sigaw ko sa aking sarili sabay kuha ng hose at pinaulanan ko ng tubig ang parteng mapanghe.

"Sir Greg," pagtawag ng asawa ni ate Lena.

"Ako na po dyan, umiiyak po si Dalton sa loob. Saka ang umihi po dito ay si sir Raul din. Nakita ko po siya sa CCTV kanina," ang wika nito kaya naman lalo akong nainis. Itinabi ko ang garbage bag at pumasok sa loob. Pagod na pagod ako at pakiramdam ko ay daig ko pa ang naging all around na serbidor at janitor sa isang kainan.

"Raul! Umiiyak yung bata, di mo ba naririnig?" ang pagtawag ko.

"Naliligo po si Sir Raul sa itaas," ang wika naman ni ate Elena kaya ako na lang ang kumuha kay Dalton para palitan ito ng diaper at itimpla na rin ng gatas. "Shhh, huwag ka na umiyak, nandito na si papa," ang bulong ko dito sabay buhat habang abala sa pagdede.

"Nakakapagod sir no? Ganyan talaga ang buhay may asawa. Kaya ang maipapayo ko lang ay habaan mo pa ang pasensiya mo. Ikaw ang magdadala ng relasyon kaya't huwag kang susuko," ang wika ni ate Elena habang nakangiti.

"Ginagawa ko ang best ko ate, at sana nakikita ni Raul lahat ng effort ko," ang tugon ko naman sabay bitiw ng isang hilaw na ngiti.

Halos 10:30 na noong makapasok ako sa aming silid, nag shower pa kasi ako dahil kumapit na sa katawan ko ang sari saring amoy doon sa kusina. Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Raul na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang abala sa pagpindot ng cellphone. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang kanyang singsing. "Pakisuot," ang utos ko.

Agad niya itong kinuha at inilagay sa kanyang daliri, "sorry hon, nagkutkot kasi ako ng makina kanina kaya hinubad ko muna itong singsing," ang tugon ko niya.

"Pwede ka naman magbutingting ng makina ng sasakyan habang suot iyan. Pwera na lang kung ayaw mong malaman ng mga clients mo na married ka na dahil makakabawas ito sa appeal mo," ang sagot ko naman.

"Minsan hinuhubad ko kapag kailangan. Pero nakita mo naman ang resulta, ang dami kong naibenta diba? Siguro dapat mag celebrate tayong dalawa," ang masayang wika niya sabay abot sa akin ng sobre na naglalaman ng maraming pera. "Ibili mo ito ng gamit dito sa bahay, dagdagan mo yung mga groceries at supply natin. Yung kalahati ay idineposito ko sa bank para may magamit tayo incase of emergency."

"Salamat," ang simple kong sagot. Kinuha ko ang sobre at inilagay ito sa drawer.

Humiga si Raul sa kama, nag inat pa ito saka naghikab. "Nalasing si pareng Shan Dave at Bogs ah, mabuti at hindi ako masyadong uminom," ang wika nito.

Humiga ako sa kanyang tabi, "sa susunod na may ganyang celebration at dito niyo naisipang ganapin, magtext ka sa akin ng mas maaga para makapaghanda tayo. Mabuti na lang at nandito sila Julian at Dante, may naging katulong ako kanina."

"Kaya nga salamat sa inyo, lalo na sayo hon. Di mo ako pinahiya sa mga bisita ko. You're the best!" ang malambing na wika nito sabay yakap sa akin.

"Wala iyon," ang bulong ko habang nakayakap rin sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata bagamat parang may kung anong gumugulo sa aking isipan. Kung bakit naman kasi lahat ng sinabi ni Dante kanina tungkol sa pagloloko ng isang asawa ay parang accurate lahat sa ginagawa ni Raul. At inamin na rin niya sa akin na hinuhubad nga niya ang wedding namin "KUNG KINAKAILANGAN!" Lalo lang tuloy akong napraning sa kakaisip ng kung ano ano.

Alyas Kanto Boy 3: Raul RulesWhere stories live. Discover now