Part 6

205 6 1
                                    

Part 6

GREG POV

"Hon, bakit naman nagpunta ka dito? Huwag mo naman takutin si Rosie," ang wika ni Raul sa akin.

"Rosie? Eh mas mukha siyang Rafflesia sa laki niya. Ano tong video na to? Nasa work ka ba talaga o nakikipaglandian ka?" ang tanong ko sa kanya sabay pakita ng video, napansin ko rin ang kanyang daliri na walang suot na singsing.

"Para ito lang? Nagpunta ka na agad dito? Sino kasama ng anak natin dun? Don't tell me iniwanan mo sa katulong yung bata?!" ang galit na paninita nito.

"Aba't ikaw pa ang may ganang magalit? Ikaw na nga tong may kalokohang ginagawa! Saka yung singsing mo ay ibenta mo na lang kung hindi mo isusuot! At hindi lang basta katulong si Ate Elena dahil isa siya sa nag asikaso sa iyo noong mga panahon nakatira sa bahay ni mama! Wala kang utang na loob sa kanya!" ang singhal ko rin sabay labas sa lobby at mabilis akong pumara ng taxi pauwi.

Ilang beses akong tinatawagan ni Raul pero hindi ko na ito sinagot. 8 months pa lang kaming nakabukod ni Raul pero ganito na agad ang mga nangyayari. Parang gusto ko na tuloy bumalik kay mama dahil dati akong buhay prinsipe doon! Kaibihan ngayon na housemaid na nga ako ay nagagawa pa akong lokohin ng ganito! Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang kay Raul, ginawa ko naman ang best ko para suportahan at alagaan sila ng anak niya.

Wala akong idea na noong gabing iyon ay may continuation pa pala ang pagtatalo namin dahil pagdating nito sa bahay ay mainit agad ang ulo nito at hindi na rin siya kumain ng hapunan para maipakita sa akin kung gaano siya naaasar.

"Galit agad dahil guilty ka, may video na nga mag dedeny ka pa. Kung alam ko lang sana na isa kang chubby chaser edi sana nagpataba na lang din ako ng todo para hindi ka naghahanap ng ibang fetish!" ang wika ko sa kanya.

"Ano ba yang mga sinasabi mo? Kaibigan ko lang si Rosie at tinutulungan niya akong makabenta ng madaming sasakyan. Para sa atin din naman ito diba? Ang punto lang ng galit ko ay hindi ka dapat sumusugod sa opisina para doon mamahiya ng tao at huwag mong basta basta iiniiwanan yung bata dito sa bahay!"

"At isa lang din ang punto ko, ang opisina ay ginawa sa pag t-trabaho at hindi sa landian! At para sabihin ko sa iyo hindi ko pinapakialaman ang pera mo! Kahit yung binigay mo kagabi ay hindi ko naman ginalaw kaya kunin mo na iyon at isaksak mo sa baga mo. Saka ilang beses ko bang sinabi sa iyo na iniwanan ko si Dalton kay ate Elena at hindi siya ibang tao! Kung gusto mo edi kay Barney ka na tumira at doon ka na din umuwi!" ang singhal ko rin sa kanya sabay pasok sa aming silid.

Sumunod siya sa akin, "Yan, dyan ka magaling sa pagtalikod habang nag uusap tayong dalawa. Simula ngayon ay ako na ang masusunod dito sa bahay na ito! Sa ayaw at gusto mo ay RULES at PATAKARAN ko ang masusunod!" ang wika nito sabay lakad sa isang malaking pader na bakante at walang nakadislay. "Dito ko ididikit lahat ng RULES ko para hindi mo makalimutan. Kaya ngayong gabi na ito ay tinatapos ko na yung pag sunod sa iyo at sa mga patakaran mo. Bawal ang ganito, bawal ang ganoon, kapag naligo bawal ang nakakalat ang damit, bawal ipasok ang tsinelas sa banyo, bawal ang magdala ng pagkain sa kwarto dahil aamoy ito. Bawal ang body spray, bawal ang mag ahit ng bulbol at bigote sa sink! Ayoko na! Patakaran ko naman ang masusunod ngayon!"

"Bahala ka sa buhay mo. At sa susunod na gumawa ka ng kalokohan galingan mo naman para di ka nabubuko!"

"Wala akong ginagawang masama, professional ako at hindi kita niloloko. Bakit ba ganyan ang pagsasalita mo? Siguro sinusulsulan ka at ginagatungan ng mga kaibigan mong baliw kaya nakatatak na dyan sa isipan mo na parati kitang ginagago. Pwes, mali sila at mali iyang isiniisip mo!" ang mariin niyang salita sa harapan ko. Kumuha ito ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo.

Alyas Kanto Boy 3: Raul RulesDär berättelser lever. Upptäck nu