Part 3

195 4 1
                                    

Part 3

GREG POV

"OMG! Greg!! Medyo tumaba ka at nag mature ng kaunti, anyway gwapo ka pa rin naman at mukhang hiyang ka sa buhay na mayroong asawa at anak," ang wika ni Dante noong puntahan ko ito sa coffee shop na pag aari ni Julian. Kakabalik lang niya galing Thailand at halos 8 months siya doon.

"Dante? Grabe, pumayat ka ah at kuminis ha. Saka you look different. Ikaw yata ang hiyang sa Thailand e," ang tugon ko sa kanya.

"Nagpa retoke kasi ako ng ilong at nagpabawas ako ng taba sa baba at sa panga para makita ang jawline ko. Saka kaunting diet at exercise para medyo mabawasan ng kaunti ng timbang. Alam mo na sasabak ako sa Miss Cosmo Queen kaya naghahanda ako," ang sagot niya sabay lapag ng kape sa aking harapan. "Pero ewan ko ba todo diet naman ako pero ang chubby ko pa ring tingnan!"

"Bagay naman sa iyo, at susuportahan ka namin dyan. Teka si Yani ba ay sasali rin?"

"Waley, she's dead! Char! Si Yani ngayon ay nasa Africa at nag aalaga ng mga hayop doon," sagot ni Dante.

"Seryoso?"

"Yeap, nandoon siya. Look mo tong mga pictures niya sa IG, diba hayop na hayop ng datingan," ang tugon nito sabay pakita sa akin ng mga larawan nito kasama ang mga tigre, leon at kung ano ano pa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagdating ni Julian, kakadating lang nila ni Shan Dave kahapon galing s US at mukhang pagod pa ito sa byahe. Gayon pa man ay nakangiti pa rin siya at mas lalo siyang pumuti dahil sa blonde na buhok. Pag upo niya sa aming table ay agad niya iniabot sa akin ang dalawang paper bag na may lamang pasalubong. "Pakibigay na lang kay Raul yung isa. At ito naman ang sa iyo Dante," ang wika nito sabay abot kay Dante ng isang malaking kahon.

"Wow, sineryoso mo talaga? Salamat best friend," ang masayang wika nito.

"Buti na lang yung kaibigan ni mama ay naghawak ng mga candidate sa Miss USA kaya nahingi namin yung sandals na ginamit ni Miss Arizona at ni Miss Texas. Iyan lang kasi ang ka size ng paa mo," ang wika ni Julian.

"Wow, ang gandaaa! I'm sure winner na naman ako nito!" ang masayang wika ni Dante sabay labas sa magagandang sandals na may mataas na takong.

"Iyan kasi ang bilin sa akin ni Dante, yung magkaroon ng sandals na ginamit ng mga Miss USA candidate. So buti na lang mayroon kaming kakilala," tugon ni Julian habang nakangiti sabay tingin sa akin. "Hiyang ka sa buhay na may asawa at anak ah, medyo tumaba ka yata," ang hirit nito.

"Medyo mahirap at challenging, pakiramdam ko nagkaroon ako ng bagong buhay. Kinakailangan kong mag resign sa work para maalagaan ko yung baby namin. Mabuti na lang at may nahanap akong online job na pwede akong mag work from home. Hindi na rin regular ang tulog ko dahil madalas akong puyat at maaga nagigising. Plus, nakasunod pa ako lagi sa kalat ni Raul at nung aso niyang si Badtrip na walang ginawa kundi mag kalkal ng balahibo sa sala. In short isa akong house boy slash plain house keeper na laging pagod, hindi nakakapag ayos ng sarili at laging stress sa buhay," ang paliwanag ko habang natatawa.

"Well, iyan ang buhay na pinapangarap ng lahat ng mga BL fans, makatagpo ng lalaking magmamahal sa kanila, magpapakasal, titira sa isang bahay kasama ang kanilang baby. At mamumuhay sila ng masaya na parang isang fairy tale eme ang datingan," ang hirit ni Dante.

"Sa mga BL movies masaya yung ganitong senaryo, pero sa reality? Parang hindi naman ganoon ka exciting pero syempre gagawin ko ang lahat dahil responsibilidad ko si Raul bilang asawa at bilang magulang ng aming anak," ang sagot ko naman.

"At least, naka settle down ka na at secure na yung samahan niyo ni Raul. Mayroon pa kayong sariling bahay at mayroon kayong anak. Hindi ko alam kung anong balak ni Shan Dave sa buhay niya. Parang hindi itong nagseseryoso at parang ginagawa niyang biro ang lahat. Saka, nandito pa rin sa dibdib ko yung trauma sa ginawa niyang kalokohan noong nagkaroon siya ng amnesia. Pakiwari ko tuloy kapag wala ako sa tabi niya ay parang may ginagawa siyang kalokohan," ang paliwanag ni Julian.

Alyas Kanto Boy 3: Raul RulesWhere stories live. Discover now