Part 4

188 5 0
                                    

Part 4

GREG POV

TV: Nagbabalik tayo ngayon sa confession of a hot male season 2! Kasama pa rin natin si Henry Diaz na isang sales agent ng mamahaling gluta at mga beauty products.

"Buti na lang mayroong kayong HKD channel, favorite ko talaga tong the confession of a hot male! Saka Greg thank you sa pag invite sa amin ni Julian dito sa bonggang house niyo ha," ang wika ni Dante habang kumakain ng pop corn.

"Kadalasan kasi kami lang ni Dalton dito kaya medyo nakakainip talaga. Saka 6pm pa umuuwi si Raul galing sa work," ang tugon ko naman at nakipanood na rin ako sa TV.

TV: Nakakabenta ako ng halos nasa 72 thousand worth of products every month. Pero syempre minsan kinakailangan ng magic. What I mean to say is.. yung ano.. yung kaunting himas at kung minsan ang o-offer din ako ng sex sa mga clients ko. Doon ako kumikita at bumebenta ng malaki para maka survive sa araw araw. Iyang ang confession ko at iyan ang totoo sa aming mga sales agents. Gagawin namin ang lahat para kumita ng malaki.

"Naku, ganyan talaga yan! Lahat ng mga lalaking gwapo ay nagbebenta ng laman para makabenta ng mga products! Legit iyan na ginagamit nila yung utak, katawan at talino nila! Nakuu!! Talaga!! Pero I love it!!" ang hirit ni Dante sabay sumpak ng pop corn sa bibig.

"G na g si Dante diba? Ganyan talaga yung mga favorite TV series niya. Mga reality shows, confessions at kung ano ano pa," ang wika naman ni Julian habang nilalaro si Dalton sa kuna niya. "Ang gwapo gwapo ng baby niyo, kamukhang kamukha ni Raul."

"Eh syempre anak lang naman ni Raul iyan. Umaasa pa ba ako na magiging kamukha ko yung baby namin? Pwera na lang kung totoo yung old theory na kapag laging magkasama ay nagiging magkamukha," ang tugon ko naman.

"Parang di naman totoo iyan, kami nga ni Julian laging magkasama pero di naman kami nagiging magkamukha," ang hirit ni Dante. "Ayy, ang laki namang aso ni Raul, yan na ba si Badtrip?"

"Oo, iyan si Badtrip, ang literal na badtrip ng buhay ko," ang sagot ko naman dahilan para tahulan ako nito at lundagin sa sofa.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag busina ng sasakyan sa gate. Kaya naman napatingin ako sa orasan. "Alas 4 pa lang ah, ang aga naman yata ni Raul?" tanong ko sa aking sarili at mabilis kong binuksan ang gate. Dito ay hindi lang kotse ni Raul ang pumasok dahil may kasunod pa ito. Pati kotse ni papa ay dumating din at pati si Shan Dave na naka motor at angkas si Bogs. Ang ingay nilang dalawa na parang mga gangster na pumasok sa bakuran namin.

"Eh bakit? Ano bang mayroon? May raid ba dito sa bahay niyo?" ang tanong ni Dante noong lumabas ito ng balkunahe.

Maya maya ay lumapit naman sa akin si Raul at humalik sa aking pisngi. "Ano to? Bakit nandito sila papa saka mga kawork niyo? Saka yung kaibigan mong si Patrick at Squidward? (Shan at Bogs), Ano bang mayroon Mr. Robles?" ang tanong ko naman.

Lumapit naman sa akin si papa, "Anak, pasensiya na sa istorbo pero dito namin naisipang mag celebrate. Sobrang successful kasi ng Top Speed ngayon at binigyan ko na rin ng malaking bonus at komisyon si Raul dahil excellent performance niya," ang masayang wika ni papa sabay kambat sa kanyang mga tauhan at dito ipinasok nila ang lechon, mga bilaong pulutan at mga case ng alak.

"At tamang tama nandito kayong dalawa, maging muchacha muna kayo ngayon. Kilos na bilis! Babagal bagal!" ang wika ni Raul noong makita sina Julian at Dante.

"Wow ha," ang reaksyon ni Dante.

"Eh bakit pa nandito ka? Akala ko nandoon ka sa opisina?" tanong ni Julian kay Shan Dave.

Alyas Kanto Boy 3: Raul RulesWhere stories live. Discover now