Part 2

215 5 0
                                    

Part 2

"Bakit nandito kayo sa labas? Baka mahamugan si baby," ang wika ni Raul noong bumaba ito sa saksakyan galing sa trabaho.

"Kakagising lang kasi ni Dalton kaya inilabas ko muna. Tiyak na mamaya ay puyat na naman tayong dalawa dahil hindi agad matutulog ito," ang tugon ko naman.

"Masanay na tayo, ang bata naman kapag lumalaki ay sumasarap na rin alagaan. Mabuti na lang at hindi na siya nagkakasakit ngayon. Isang blessing na rin ito para sa atin. Tama diba?" ang tugon ni Raul sabay buhat sa anak niya.

"Tama naman din. Nga pala hon, tumawag si mama. Palilipatin daw niya dito si Ate Elena at yung asawa niyang si Kuya Romer, para mayroon tayong katulong dito sa bahay. Okay lang ba sa iyo? Si mama naman daw ang bahalang magpasahod sa mga ito. Gusto lang niya yung mayroon tayo taga luto at tagalinis dito sa loob," ang wika ko naman.

"Bakit? Hindi mo na ba kayang gampanan yung trabaho dito sa bahay? Napapagod ka na bang magluto? Maglaba at mamalantsa ng damit?" tanong niya sa akin, sa todo ng pagsasalita niya ay parang ayaw niya sa idea ng pagkakaroon ng katulong. Mukhang balak talaga niyang gawin akong all around kasambahay na pwede niya utusan anytime and anywhere.

Nakasunod lang ako sa kanya bitbit ang kanyang mga gamit. "Hindi kayang gampanan ang trabaho dito sa bahay? Bakit ganyan ka magsalita Raul? Gusto mo palit tayong dalawa? Ako ang mag t-trabaho sa labas tapos ikaw dito sa bahay?!"

"May online work ka naman dito diba? May online business ka pa. Bakit kailangan mong magwork sa labas? Ah siguro nabuburyo ka na sa bahay dahil wala kang nakikitang ibang lalaki," ang hirit nito dahilan para lalo akong mainis.

"Eh bakit naman napunta doon? Ang topic natin ay ang magkaroon ng kasambahay. Syempre kaya kong gampanan yung trabaho ko dito sa bahay. Ano bang duty ko dito? Diba all around ako? Taga linis, taga sunod sa mga kalat mo, taga pulot ng brief mo, taga luto ang kakainin mo at taga alaga ng anak mo. Hindi mo ba naiisip na napapagod naman din ako? Hindi ako nag-asawa para maging housemaid at lalong di kita pinakasalan para maging alipin mo na susunod sa lahat ng kalat mo."

Ibinaba ni Raul sa kuna si Dalton at saka nagtungo kami sa silid. "Heto na naman po tayong dalawa. Hon, listen do naman ako nakikipag away sa iyo. Appreciated ko naman lahat ng effort mo pero sana hangga't maaari ayokong magpatulog ng ibang tao dito sa loob ng bahay natin," ang sagot nito habang nagbibihis sa harapan ko.

"Kakausapin ko si mama tungkol dito. Pero sana maisip mo man lang na papagod din ako. Kung yung langgam nga napapagod sa gabi, paano naman ako? Tao ako diba?" ang dagdag ko pa.

"Kaya ayokong magsimula ng issue dito sa bahay kasi wala naman akong laban sa bibig mo na parang armalite na walang tigil na pagsasalita. Kaya minsan mas gusto ko pang hinahalikan ka o kaya pinapasakan ko ng burat yung bibig mo para tumatahimik ka," ang tugon ni Raul sabay upo sa tabi ko.

Hindi ako siya kinibo.

"Fine, tutal ikaw naman lagi ang nasusunod sa bahay na to, gawin mo na yung gusto mo."

"Wag na, okay na akong maging FULL TIME katulong mo Mr. ROBLES!" ang sagot ko sabay tayo at pinuntahan ko si Dalton sa kanyang kuna.

Alas 7 ng gabi, habang naghahanda ako ng dinner ay dumating ang kotse ni mama kaya naman agad namin siyang pinagbuksan ng gate. May dala itong pagkain at maraming shopping bags para sa kanyang apo. "Good evening ma," ang bati ko sabay halik dito.

"Good evening mama," ang bati rin ni Raul habang nakangiti.

"Napadaan lang ako dahil namimiss ko ang apo ko. Sabi niyo kasi pupunta kayo sa weekend pero di niyo ginawa. Greg, tatlong kanto lang ang pagitan ng bahay natin, di naman ako ganoon kalayo diba?" ang wika ni mama na may halong pagtatampo.

Alyas Kanto Boy 3: Raul RulesWhere stories live. Discover now