TROS 7

3 0 0
                                    

NEW SCHEDULE

Maraming maraming salamat at eto nanaman ako ngayon, minamalas.

Rold akala ko ba anak nyo ko?

De joke lang.

Nandito ako ngayon sa simbahan dito sa tapat ng aming paaralan. Maaga  akong pumasok dahil nag away kami ni Ate kanina.

Nawawala yung limang libo nya at hinahanap nya sakin. Alam ko na pinatago nya yun pero kinuha nya rin kaagad, at binigay ko naman.

Masakit sa ulo isipin. Wala na nga ko sa mood sa paaralan, Pati ba naman sa Bahay?!

Habang nakaupo dito ay biglang tumunog ang bell dito sa simbahan. Sign na para lumayas.

Umalis na ko sa aking pwesto at muling tinignan ang nasa krus na si Kristo.

"Bigyan nyo ko ng panibagong buhay." Bulong ko sabag alis sa simbahan.

Maraming nagsasabi na sobrang sama ko daw na tao pero di nila alam, nagsisimba ko. Hinde biro lang, masama naman talaga kong tao.

Bumalik na ko dun sa school namin at nagsisik sikan na ang mga estudyante sa pagpasok. Pauwi na ang mga pang umaga at oras na ng panghapon.

Imbis na pumasok at makipag gera sa mga estudyante ay lumakad muna ako para libutin itong street.

Ngayon ko lang napagmasdan ang buong sukat ng paaralan namin. Sakop nito ay mga nasa kalahating hektarya.

Meron ditong campus na kung saan nahahati sa dalawa. Di ko lang sure.

Tsaka may dalawang court na kung saan yung isa ay para sa mga sports o intrams samantalang yung isa naman ay ball room o court basta para sa recognition, prom tsaka marami pang iba.

Aba malay ko ba. Hindi naman talaga ako dito nag aaral kaya wala akong alam.

Ne ngayon ko nga lang to nalibot matapos ang mag iisang quarter na pamamalagi ko.

Diretso pasok lang kasi ako tapos uwe. Yan, ganyan ganyan ang mga gawain ng mga mabubuting bata.

May building sa harap ng entrance tapos may malaking blocks na naukit yung pangalan ng school. At nagpapadagdag ng attraction pa yung mahabang salamin. Di ko alam kung anong tawag eh.

'The Intergrated of Yeatsian'

Hindi ko nga maisip na meron palang pangalan na ganyan. At mas lalong hindi ko maisip kung paano ako nakapaglabas ng malaking pera para lang pambayad ng tuition ko dito.

Highschool palang po ako at hindi pa ko tumutuntong ng kolehiyo pero nahuhulaan ko na kung ano ang ka hahantungan ko. Magiging isang pulubi po.

Biruin mo, mahigit 100k+ yung tuition per sem tapos hindi pa kasama yung mga gamit. Dinaig pa de la salle.

Tapos hindi magtuturo yung mga teachers. Ay aba mag rarally ako! Magvavandalism ako rito! Tapos tapos susunugin ko to...

Ayyy....

Hwag na lang pala..

Baka makasuhan pa ko at mayayaman pa naman ang mga nag aaral dito. Mahirap na...

May nakita akong ice cream dun banda kaso lang napansin kong wala na masyadong pumapasok kaya bumalik na ko.

Meron pa namang policy dito at kapag nalate ka ay bawal ka ng pumasok.

'mamaya na lang siguro...'


Time check, 4:12pm

Lahat kami ay sanay na, na halos karamihan ng pumapasok samin ay late o di kaya ay absent.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE ROOM OF STARSWhere stories live. Discover now