TROS 2

4 0 0
                                    

ARISTOTLE 10 AB BATCH 2017

Maya maya pa ay dumating na rin yung sundo namin. Akala ko naman kung sinong bodyguard ng presidente. Yung Bab1 nya lang pala.

"Kala ko ba tayo tayo lang?" Tanong ko dito kay bakla habang umiinom ng kape sa mesa nya.

Nakakainis tong liptint, Nalalasahan ko. Hindi tuloy ako makahigop ng maayos.

"Tayo tayo nga lang pero pwedi naman mag-invite ng partner o kung may anak ka na, pwedi mong isama." Sambit nito sabay halik habang dikit na dikit dito kay boy.

Pinanlisikan ko sya ng mata sa sinabi nya tapos sa ginagawa nila ngayon sa harapan ko.

Kung pagmamasdan ay may itsura naman tong boyfriend nya kaso nga lang talagang pango at payat ang pangangatawan.

Pero happy na ko dito sa aking friend na bakley at nahanap nya na rin ang kanyang one and only.

Ilang beses na tong na heartbroken nung highschool kami.

Tagal ko na rin kasing hindi nakakakita ng pogi. Sayang nga tong kasama ko at naisipan pang Careerin ang kanyang pagiging bakla.

Yung mga Kolokoy kaya? may nagglow up kaya sakanila?

Naging matagal ang byahe at halos hagard na kaming tatlo. May nagsundo saamin at yun ay ang lolo nitong si Jaymark, pangalan ng boyfriend nya. Isa kasing taxi driver ang kanyang lolo kaya doon na lang kami sumakay.

Matanda na yung lolo nya at kung kapamilya ko to ay hindi ko na pagtatrabauhin pa. Mga nasa 80s na ata pero patuloy parin sa pagtratrabaho para mapag-aral yung bunso nyang anak na civil engeneering din daw ang course.

Biruin mo yun may anak pa si Lolo na kasing edad ko.

Pero matapos ang dalawang oras na paghihintay ay sa wakas nandito na kami. Nagulat nga ako at na starstruck dahil hindi ko ineexpect na dito kami magre-reunite.

Mabilis akong bumaba at inabutan si Lolo ng limang daan. Maliit kong tulong para may pambili sya ng pagkain kahit papaano. At tsaka kanina pa ko kating kati sa likod namin. Ang haharot kase kita ng may tao sa harapan.

Pagkababa ko ay namangha ako sa laki ng hotel. Pagpasok mo pa lang ay merong ng mga nagse-serve at nag-oorganize ng lahat.

Tapos ang ingay na sa loob. Mag gagabi na kasi kaya siguro andami ng pailaw.

Para tuloy akong pumunta ng SM Monumento.

Hindi parin ako makapaniwala sa aking nakikita. Kasi grabe naman to! Imposibleng namang isa lang ang sumagot dito. Napaka luxurious at well organized ng dating. Siguro nag ambag ambagan sila dito o kaya naman ni rentahan nila to ng 5hours.

Baka nga segundo palang nito ay libo na.

Kukunin ko nga tong design tapos babaguhin ko nalang yung ibang details para kunyari may originality tapos papasa ko kay prof.

"Teh hintayin mo kami!" Sigaw nung nasa likod ko. Paano ko sila hihintayin eh maglalakad na nga lang kailangan nakaholding hands pa.

Naalibadbaran ako sa totoo lang.

Hindi ko sila pinansin dahil alam kong gusto lang nila akong inggitin. Habang naglalakad ay kapansin pansin din yung red carpet sa hallway.

Talagang pinaghandaan ng mga Accla!

Para tuloy akong celebrity na naglalakad. Sa Entrance ay may malaking screen na animation na nakasulat ay 'ARISTOTLE 10 AB BATCH 2017'.

Wala na kong ibang masabe kundi perfect. Peferk ka saken. (• w •)

Pagpasok ko ay nalula na lang ako sa laki. Lahat ay organisado pagdating don sa table at mga decorations. Pansin ko din yung magkabilaang mahaba na catering.

Mamaya ka saken. Sayang dapat pala nagdala ako ng supot ಠ⁠ ⁠೧⁠ ⁠ಠ

Kumpleto na ang lahat para sa party na mangyayari dahil meron ding mga Dj. Kulang nalang ata clown para kumpleto na talaga.

Malakas yung patutog akala mo naman bingi yung nakikinig. Tapos medyo nagtaka lang ako kasi parang andami naman ata namin.

Maraming mga table at isa pa may nakaupo doon sa harapan at bandang gitna na mga di ko kilalang lalaki at babae.

Akala ko Kaming Aristotle lang pero binalewala ko na lang din. Kase baka nga naman mga kaibigan lang sila ng mga kaklase ko o sinama lang din.

Habang naglilibot ang aking mata ay nakita ko si Ricalyn na nakaupo mag-isa sa dulo.

Tumakbo ako ng padahan at ginulat sya patalikod. Nung una ay lumiit pa yung mata nya na parang tinatanong kung sino ako. Pero sa huli ay nakilala nya rin.

Niyakap ko sya ng mahigpit dahil narin ito sa pagkamiss ko sakanya.  "Imposibleng hindi mo ko makikilala, eh ako lang naman yung nagkaisa isa mong Sissy." Sambit ko dito.

Medyo maabutan ko na sya. Dati kasi hanggang tenga nya lang ako pero ngayon halos magkasing tangkad na kami.

Mabait si Ricalyn, kaya nga lang ay talagang walang gusto makipag friends sa kanya dahil para syang emo kung kumilos. Tapos hindi sya ganon kagaling magpahayag o magpahiwatig. Hindi rin sya nakikisabay sa sarcasm, ewan ko ba sa babae nato at paano kami naging magkaibigan. Sya yung literal na emo girl na nakilala ko noon.

Para syang bisaya kung magsalita tapos andami nya pang ipin. Pero love ko naman to! :3

"Ang Ganda mo ngayon Sis!" Papuri nya.

Sus nagawa pa kong bolahin.

"Kamusta ka?" Tanong ko rito at umupo sa tabi nya.

"Eto ayos lang he." Sambit nya tapos ngumiti. Pero hindi parin sya nagbabago, sya padin yung girl na nakilala ko nung highschool.

My first friend and bestfriend.

Ngumiti ako dito at hinawi ang buhok nya. Tapos nagka-kwentuhan din kami tungkol sa kung anong nangyari sakanya.

Mag mula kasi mag senior high kami ay nagkawatak watak na. Ewan ko nga lang sa iba, pero ako talaga yung pinaka nalayo sakanila.

Wala pa rin namang bago, meron daw syang nakakausap pero focus sya sa study nya ngayon at dahil kukuha sya ng kursong teacher tulad ng Mama nya.

Matapos non ay dumami na rin ang tao. Nakita ko na yung iba kong mga kaklase na sila Marco, Matthew, Si Erwin, Joan at Shiela tapos marami pa sila kaso lang natatakpan na sila ng iba.

Grave ang mga suot! Mala evening fashion ang mga datingan. Buti nalang pumunta muna ko sa bahay ni Bakla bago ako pumunta rito.

Baka kasi pagtawanan lang nila ko pag ganon yung suot ko. Pero feeling ko mas malala ang pinasuot saakin ni Bakla.

Mukha akong si Anabelle na magsisimbang gabi.

Gusto kong libutin itong buong hotel kaya nagpasama muna ko kay Rica na magbanyo dahil hindi ko naman kabisado to lalo na't ang laki at lawak nito.

THE ROOM OF STARSWhere stories live. Discover now