TROS 6

4 0 0
                                    

THE STAR SECTION

Nandito ako ngayon at nakaupo sa upuan habang katabi tong si Calimag. Hindi nagpro-process yung utak ko sa mga nangyari at lumilitaw yung mga marami kong katanungan.

Ngayon ay sasabog na ang utak ko sa sunod sunod na hindi ko inaasahang pangyayari. Dinaig ko pa ang imbestigador.

Muli ng binalik ang mga mesa dahil may speech daw na magaganap. Nasa mesa ako ngayon pero nahiwalay kami ni Calimag sa aming mga kaklase. Nandito kami sa mesa na puro mga bisita ang nakaupo.

Walang gana yung tenga ko makinig at wala rin ako sa tamang pag iisip. Ngumuso ako at sinubsob tong ulo ko sa mesa.

Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko!

Nakita ko sa kalayuan si Angel na paakyat ng stage para magbigay ng speech. Maraming nagpalakpakan at naghiyawan ng nandoon na sya sa speech podium.

"Thankyou everyone for accepting our invitations. We're so glad that you came to one of our biggest and remakable events. We just want to share our lovely memories in highschool and how they've known and classified us, as the One And Only Star. That's why there's a reunion right now. Hahaha." Panimula nyang bati.

May papel na syang nakahanda at nilagay nya ito doon sa surface. At sinumulang basahin iyon.

"Of course I can't say this without them, My dear classmates. Kilala tayo bilang section na napupuno ng stars. The section with a high standards and expectations. Everywhere there's always the people who expect a lot from you. Not because your the Star nor your the highest but because of your Name and own unique talent." Pag-iispech nya at nagsimula naman ang masigabong palakpakan. Pero tila hindi naman kami kasama sa sinabi nya.

Tanging 20 na katao lamang ang kabilang dyan. Siguro sila ang nakaisip kaya sila lang din ang kasali.

Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit ayoko silang makita. Kahit ngayon ay sila parin ang nangunguna.

Baliktad lahat ng mga nalalaman ng iba na hindi porket ikaw ay nasa Star Section ay gagalangin ka na nila. Isa lang ang Star Section na kilala ng lahat at yun ay ang Set A.

"Aristotle Set A, Batch 2017." Bulong ko na syang narinig naman ni Calimag kaya napatingin ito sakin.

"Tagal na din ng panahon." Sambit ko at nilingon sya para bigyan ng isang pekeng ngiti.




Kakalabas lang ni Sir Gino sa aming klase. Kahit kailan nga naman at napakaboring. Wala paring pinagbabago at sinermonan 
nanaman kami.

Hay hindi na bago to. Sa kada araw ay hindi pweding wala kaming aabotin na sermon. Dapat lagi kaming napapagalitan at napapahiya sa mismong klase.

Kasi dun sila o kami kilala. Bilang mga sunod-sunuran ng kilalang Star Section, Ang Set A.

Lalo pa ngayon na nanalo si Rose sa Mathematics Philippine International Olypiad at nakakuha pa ng award na Champion kaya sikat nanaman ang pangalan ng Aristotle at panigurado na alam na kung sino ang magiging valedictorian.

Sa labingdalawang silid dito ay tanging Star Section lamang ang nahahati sa dalawa. Ang Set A at Set B. Pero sa katunayan ay parang Set A lang naman ang kinikilalang Star Section o mas kilalang Room of Stars.

Diba ang corny?

Napapaligiran kasi sila ng katalinuhan, kayamanan, kaayusan, kaartehan, kaplastikan, kahambogan.

Isa akong transferee at nilipat ako sa section na to sa kadahilanang napasa ko yung entrance exam. Pero nilagay naman ako sa Set B dahil sa aking surname.

Nung una kong pasok dito ay wala akong kaibigan ni isa. Nagulat na nga lang ako ng maging close kami ni Mendoza.

Yung kilalang emo dito sa room, hindi din sya marunong sumabay sa salitang sarcasm at ang dami Nyang ipin. Kaya nga nagtataka ako..

Pero di na bale yun dahil ang main focus ko talaga ay magkaroon ng mataas taas na grado para maipadala ko sa aking tatay at para kunin nya na ko dito sa pilipinas.

Magkaiba kami ng tatay ni Ate at 15 years ang agwat namin. Biruin mo yun at sabay pa silang nabuntis ng Nanay ko.

Balik sa mga hinayupak na Set A.

Hindi lang pala Tatay ko ang kailangan kong pabilibin. Pati din pala yung mga matapobreng kong kaklase.

Tapos pag hindi ako nakapagpigil ay baka maipalunok ko sakanila yung mga pinagmamayabang nilang achievements.

Papatunayan ko sa mga lokong yun na hindi lang with honors ang kaya ng mga Set B also known as The Hidden Star. Diba tinago kami, napaka bastos ng nagpangalan.

Mukhang walang ganang pumasok sa klase namin si Sir Danoy. Teacher namin sa English.

Ano pa nga bang inaasahan ko.

Wala naman may ganang pumasok samin at puro mga dahilan ang pinapagana. Na kesyo mayroon daw na seminars, meeting at kung ano ano pa.

Kaya hindi ko masisi kung bakit ang b0bobO ng mga Set B. Kulang sila sa mga impormasyon at nalalaman.

Pero di ko matatanggi dahil Im Proud to call myself as one of them, Being a VoBo.

Ang tanging reason nila ay kung talagang Star Section ka ay kayang kaya mo lahat ng lessons at topics kahit hindi pa tinuturo. Kailangan matuto daw kaming mag advanced studying.

'Yung Set A nga daw ay hindi na kailangan pang turuan, sila pa ang mismong may alam. At mas matalino pa sa teacher.'

Edi Sila Na. Silang ng magaleng!

Niligpit ko nalang yung gamit ko dahil nababadtrip na ko. Nilagay ko to sa bag at kinuha yung bag para bitbitin.

Ready na kong magcutting at ang kailangan ko nalang gawin ay makaalis dito.

Naglalakad ako paalis na ng room ng may tumawag sakin.

"Oy Sandali san ka pupunta Theo?" Tanong nitong si Paolo na ngayon ay nagdodota.

Kahit kailan nga naman talaga. Kapag naririnig ko yung boses ng mga to ay naalibadbaran ako. Mga kakampi kasi ng Set A. Paano kami aangat nyan, kung di sila marunong makipaglaban, Ayoko man aminin sa sarili ko pero talagang anino lang kami ng mga Perfect nyong estudentes.

Makalayas na nga.

"Magka-cutting ka Theo?" Putcha, naharangan ako ni Mikoelo.

"Miko tabi." Utos ko sakanya.

"Bawal magcutting Theo at baka mapagalitan ka, Sigi!" Panakot nya sakin at akala nya naman ay matatakot ako.

Humakbang ako pakanan pero sunod din sya sa kilos ko.

"Padaanin mo ko," Pag uulit ko sa aking sinabi pero talagang makulit.

"Bawal." Bata nyang sambit.

Isip bata talaga tong si Mikmik.

At sa huli ay ako rin ang sumuko.

Hay Badtrip! Kung di lang mas matangkad to sakin ay naupakan ko na to. Pero siyempre di ko yun gagawin, Sila Paolo pwede pa pero hindi sa batang damulag na to.

Kahit labag sa aking loob ay napabalik ako ng sarili kong anak sa loob ng klase. Akala ko ba ako yung Nanay nya eh bakit sya yung nasusunod?

Matangkad si Mik at medyo payat. May itsura naman sya at magkasing grado kami ng mata pero hindi kami nagsusuot ng salamin kase wala namang Nagtuturo. Sayang lang den.

Pwedi na sana tong si Miko pero kahit na malaki ay sadyang uto uto at bObo. Para syang nakulangan sa buwan kahit ang totoo ay ako yung kulang ng buwan.

Wag na nga lang!

Nakabusangot akong bumalik sa aking kinauupuan at tinignan sya na nakasingkit.

"Te hindi pwedi mag cutting, No-no." Sambit nito sabay no sign.

Ako pa ang pinangaralan.

Magaling... Talagang magaling... Naalala ko tuloy yung pamangkin kong si Adonis sakanya.

'ARISTOTLE SET A/B'

THE ROOM OF STARSWhere stories live. Discover now