"Oo, gago. Kasi wala ka namang jowa, e," sabi ni Echo.

"Kapag nanalo ba ng bear para agad sa jowa," sabi ni Magnus.

Hindi na kami gumatong ni Titus dahil siguro parehas naming naalala 'yung shinare ni Echo kanina sa amin sa mall. Inakbayan ko na lang si Echo habang naglalakad kami para maglibot ulit kung ano pa ang puwedeng i-try na palaruan.

Nakakita kami ng palaruan ng nagbabaril ng pellet gun at may mga babarilin na maliliit ng plastic figurines. Ano naman mapapalanunan dito? Sinubukan na lang namin at ako ang may pinakamaraming natumba na plastic figurines. Nanalo lang ako ng tatlong pillows at isang cheese ring. Binigay ko na lang lahat kay Echo dahil hindi ako kumakain no'n.

Gano'n din ang napalunan nina Titus at kinakain nila 'yon habang naghahanap ulit kami ng puwedeng laruin. At itong si Titus nakakita ng tornado potato kaya sinubukan namin. Bumili na rin kami ng refreshment dahil napagod kami sa kakalakad sa buong perya. Umupo na rin kami sa bench na malapit banda sa entrance at hindi gaano matao rito dahil malapit na rin ito sa exit.

"Gago, 9:40 p.m. na pala," sabi ni Echo bago sumimsim sa palamig niya.

Napatingin din ako sa wrist watch ko at alas-nuebe pasado na nga. Kanina pa nga kami naglilibot. Kaya pala nakaramdam na rin ako ng ngalay sa binti ko.

"Pahinga lang tayo saglit tapos club na tayo," sabi ni Echo.

"Alis tayo ng saktong alas-diez," sabi ni Titus.

Tumango naman si Echo. Ako naman ay inabala na lang ulit ang sarili sa pagkain ng potato. Ang tahimik banda rito kaya kumalma ang sistema ko. Tahimik lang din sina Magnus na kumakain. Pinagmamasdan ko lang ang mga dumadaan na mga tao at masayang nagtatakbuhan na mga bata.

Hindi ko 'yan naranasan no'ng bata ako. Palagi akong nasa loob ng bahay dahil ayaw kong palabasin ni Daddy. Binu-bully lang ako no'ng bata ako dahil masyado akong mabait. Iba ang culture sa Canada. I always greet everyone dahil 'yon ang turo sa akin ni Mommy. I was a good kid. Palagi ko pang binibigyan ng baon 'yung kaklase ko. Inakusahan din akong bading dahil masyado akong caring sa mga tinawag kong kaibigan noon. Na hindi rin naman pala ako tinatratong kaibigan. Kinakaibigan lang nila ako dahil marami akong baon.

It made me fucking sad. Until I turned 1st year high school. I stopped making friends and started dressing up. Naghanap ako ng mga hairstyle sa internet para gayahin. Halos lahat naman bagay sa akin dahil nagsisimula na rin ma-hone ang mukha ko. Hindi na ako cute na bata, mas lumalabas na ang pagiging guwapo ko.

Doon na nagsimulang may magkagusto sa akin. Hindi lang isa. Marami. I was thirteen when I had my first kiss. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na. What's funny is I had a girlfriend, but we moved here. I liked her pero dito na raw kami for good. I continued my third year of high school here and met Magnus, Echo, and Titus.

Magkakaibigan na silang tatlo no'ng 1st year pa lang at dumagdag ako sa grupo nila. Hindi ko naman inaasahan na mapapasama ako sa grupo nila, which is marami pa lang nagkakagusto sa kanila. Kaya no'ng dumating ako, isa na rin ako sa gusto ng marami. Hindi ko rin inasahan na patok pala 'yung ganitong feature dito sa Pilipinas. Para akong sinasamba. I liked it, though. I get girls easily. Pero since then, I never looked for a serious relationship. Kina-clarify ko na agad 'yon sa nakahu-hook up ko, para walang drama after kapag ayaw ko na.

Kaya never akong nag-effort nang sobra para magustuhan ako ng isang tao. Dahil nakita pa lang nila ako, gusto na nila ako agad. I find it amusing and terrifying. Paano kung may katulad kong feature na serial killer pala?

They trust people so easily, which is hinding-hindi ko na ulit gagawin. After ng naging experience ko no'ng bata ako, ayaw ko ng maging sincere sa mga tao. Lahat ng sincere sa mundong 'to, they fucking get played. Kaya mula rin no'n, ayaw ko ng friendly na tao. I hated my younger self for being so kind and understanding, just letting those freaks take advantage of him. When he could be mean and fight back. That's why I have never been kind. Never will. Never. Ever.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon