Kabanata Tatlumpu't Tatlo

Start from the beginning
                                    

"Wala po, I was about to turn off the tv"

"Sorry, naidlipan ko pala. Did you eat na?" Tumango si Eli.

"Good, your dad called a few hours ago. Nagkausap na ba kayo?" Again, tumango ulit siya.

Naguguluhan si Eli sa sarili niya, galit siya kay Irene. Galit dapat siya, hindi niya dapat kinakausap ito pero parang may kumukurot sa puso niya tuwing tinitignan niya si Irene. Bakas na bakas na kasi ang lungkot sa mukha nito, pati ang eyebug niya lumaki na at halatang halata na.

"You looked pale. You should go home na po and take a rest"

"Kulang lang ito sa tulog pero I can manage naman. Wala ka pang kasama dito---"

"Im not a child anymore, I can take care of my own. You don't have to worry hindi naman ako lalabas ng bahay, I'll just stay here and wait for dad to come home"

"I know El, I just want to assure na you're okay. I can't rest well in my condo kung ang isip ko maiiwan dito"

"Okay then, don't call me for dinner hindi po ako kakain. Magpahinga ka na rin po after mo kumain ng dinner" wika niya at agad na naglakad pabalik sa kwarto niya.

Napahinga naman ng malalim si Irene sa inasal ng anak but she's happy, kinakausap na siya ulit ni Eli.

Napagpasyahan na rin ni Irene na tumungo sa isang guest room para magpahinga, wala na rin naman siyang ganang maghapunan.

_____

Nagising si Eli sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya, unti unti niyang minulat ang mata at wala siyang nakitang ibang tao sa kwarto niya.

Siguro si Irene ang nagbukas ng kurtina niya, agad siyang dinapuan ng inis. Bumangon siya at naiinis na lumabas ng kwarto at bumaba ng bahay nila.

"Eli anak! Good Morning" napahinto sa paglalakad si Eli nang makita si Greggy na nasa Kusina nagtitimpla ng kape.

"Daddy?" Gulat na wika niya

"Aren't you going to greet your dad a good morning? What about hug, wala? Hindi mo ba namiss si daddy?"

Napailing si Eli bago naglakad palapit kay Greggy para yakapin at halikan ang daddy niya.

"I miss you, El! Sorry ngayon lang ako nakauwi. Promise babawi ako ngayon"

"Promise?" Ngumiti si Greggy at tumango tango sa anak.

Napansin ni Eli na walang ibang tao sa bahay nila kaya nagtaka siya, where's Irene?

Tulog pa kaya siya?

Sabagay mukhang pagod na pagod siya kahapon.

"Are you looking for Irene?" Napalingon siya kay Greggy.

He looks so normal, hindi niya ba alam ang naging sagutan ni Eli at Irene sa baguio? Hindi pa ba sinabi sakanya ni Irene ang nangyari?

She was expecting na magagalit sakanya si Greggy, or confronted her agad once na umuwi ito pero wala.

Maybe her mom choose na wag munang sabihin kay Greggy ang nangyari.

Palagi nalang bang mananahimik si Irene at hindj magsasalita tungkol sa katotohanan?

"Where is she? Akala ko po siya yung nagbukas ng curtain ko sa kwarto"

"Nope, ako yung nagopen ng curtain and window mo. Hindi ka na kasi nasisinagan ng araw" umirap si Eli

"Dad nakalimutan mo na ba, I was in Baguio for three days---"

"Did you enjoy your stay there?" Greggy cut her off.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now