CHAPTER 3

7 1 0
                                    


"BAKIT nandiyan ka, eh nagkakasayahan doon sa ibaba dahil sa pagdating ng bagong boss na sobrang gwapo tapos nag-iisa ka rito?" tanong sa akin ni Katrina na siyang secretary ng operation manager ng kompanya. Sinabayan pa niya iyon ng malaking ngiti sa labi. Nagpa-cater kasi ang bagong boss para sa lunch break ng mga empleyado.

Nandito siya dahil may dinala siyang papel na kailangan permahan ng boss.

Ngumiti ako sa kanya at yumuko ulit dahil sa tinatapos kong mga files.

"Hindi na ma'am,alam niyo naman po na hindi ako mahilig sa mga ganyan," pormal kong wika at seryosong ibinalik ang atensyon sa pagta-type.

Rinig ko ang pagbuga niya ng malalim na paghinga na sa tingin ko ay sumimangot.

"Hayys naku talaga Azalea,kahit kailangan ang kill joy mo,hindi ka man lang sumasama sa mga gimik namin, tapos pagdating pa sa kasiyahan ayaw mo pang maki-join. Ganyang ka ba talaga ka-boring?" Iritado na niyang sabi pero naiintindihan ko siya dahil kasalanan ko naman iyon. Pero ayoko talaga sa mga ganoon.

Mas gugustuhin ko pa ang matulog kaysa lumabas pa ng gabi.

"Sorry na ma'am,pero masanay na po kayo na ganito ako," at isa pa,ayokong makisaya sa pagdating ng bagong boss natin. May sakit ang daddy niya tapos nakukuha pa niyang maging masaya. Nais ko sanang sabihin pero hindi naman kailangan.

"Okay, as you wish. Maiwan na kita. Papadalhan na lang kita ng makakain dito ha," aniya saka na siya umalis.

Gusto ko sanang magprotesta pero pinigil ko na lang ang sarili ko baka kasi ma-offend na siya sa akin. Malalim akong bumuntong-hininga.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig akong yabag papalapit.

Napahugot ako ng paghinga nang may ipinatong na isang malaking paper lunch box sa ibabaw ng cubicle ko.

"Hindi na po sana kayo nag-abala ma'am, malapit na rin po akong matapos," sabi ko nang hindi na tumaas ng tingin sa dumating dahil alam ko naman na si ma'am ulit iyon.

"It's already twelve thirty but you're still here. Are you starving yourself?" A deep baritone voice echoes the room pati ang pabango niyang gamit ay nalanghap ko. At kahit hindi ko tignan ang nagsalita niyon ay alam ko kung sino, I can still remember his voice kahit may nag iba dahil lalo iyong naging buong-buo. Kusang umangat ang paningin ko para sa kompirmasyon.

And there-Sir Naieph who is seriously looking at me. Natigilan ako. Biglang nagkaroon ng kaba ang dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. I cleared my throat dahil para iyong nagkaroon ng bara bigla.

"U-uh sorry,akala ko po si Ma'am Katrina. Tapos na rin naman po ako sa ginagawa ko. Salamat na lang po pero may baon akong pagkain," kaswal kong sabi nang hindi na siya tinignan pa at niligpit na ang mga dapat ligpitin.

"Ganitong oras ka ba talaga kumakain? Or did my father tell you that you need to lunch break at this hour?" he asked me in authority.

Tumingin ulit ako sa kanya saka ako umiling. Seryoso pa rin ang mukha niyang nakatitig sa akin kaya nagbawi ako ng paningin.

"No,ngayon lang po ito nangyari dahil may tinatapos po-"

"Oh stop that 'po'!" He snapped.

Nabigla ako sa pagtaas ng boses niyang iyon. Napakurap ako. "Okay, I'm sorry," mahinahon kong paumanhin kahit naiinis na ako sa loob-loob ko. I decided to go.

Tumayo na ako ng cubicle ko at inayos ang loob ng bag ko saka ko isinukbit iyon sa balikat ko. I am so aware of his presence. Because I know he is eyeing me.

Nag-excuse ako sa kanya. Pero napatda ako nang hawakan niya ako sa isa kong braso kaya napatigil ako sa akmang pagtalikod ko sa kanya. Nagpatingin ako sa kamay niyang nakadikit sa akin. It's warm. Mahigpit iyon pero hindi naman masakit sa balat.

"Why the formality Lea?" mariin niyang tanong pero ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko ay para bang iyon ang pinakamagandang bigkas na narinig ko. Stop it Lea!

Napapaso kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at naaalis naman agad iyon.

Hinarap ko siya ulit.

"May mali ba sa mga sinasabi ko sir?" tanong ko at pilit inaarok ang ginagawa niya ngayon. "As far as I know ay boss ko kayo kaya dapat formal ang pakikitingo ko sa inyo," malamig kong sagot.

"And why are you giving me this the cold treatment, huh?" Medyo napipikon na niyang sabi.

Natawa ako ng pagak sa sinabi niya.

"Why the sudden interest, sir? At bakit naman ako magiging cold sa 'yo? May nagawa ka ba para magalit ako sa' yo?" balik tanong ko sa kanya in a sarcastic tone.

Nanatili siyang nakatitig sa akin. Matagal. Tila nananantiya.

"I don't know... " blangko niyang sagot at alam kong mariin paring nakatingin sa akin

I smiled bitterly. "Iyon naman pala,eh."

"Why the evasion, Lea?"

"I don't know, that I did that. Can I excuse myself now, 'sir'?" I dismissed, but my heart felt troubled inside.

He nodded saka na ako nagtuloy sa paglalakad. Ramdam ko pa rin ang init sa likod ko habang naglalakad papalayo. Pakiramdam ko ay gumigiwang ang takon ng sapatos ko.

Nakarating ako sa canteen na parang hapong-hapo samantalang gumamit naman ako ng elevator. Pero para akong gumamit ng hagdan patungong ibaba.

Ipinayapa ko ang sarili ko saka na ako uminom ng tubig.

How dare he forget the things he did to me!

Nagpupuyos ang damdamin ko dahil sa kaisipang iyon. I take a deep breath para pakalmahin ang sarili ko. Nag-iinit ang sulok ng mata ko. Pero Hindi ako magpapatalo sa emosyong ito.

The Cold Secretary of the Billionaire Où les histoires vivent. Découvrez maintenant