Chapter 17: Ang Simula ng Shohoku

Beginne am Anfang
                                    

"Ehh kung pag uuntugin ko kaya kayo, hindi ko nman kayo kilala, Hindi ako si Akito" sagot ni Sakuhako

"Ano? Kung ganun, sino kah?" Tanong ng isang lalaki

"Baka nabagok ang ulo nya, kakaiba nga pagsasalita nya" sabi ng isa

"Oo, parang gong gong" sagot ng isa

"Gggrahhh anong sabi nyoohh" napasigaw sa galit si Sakuhako

"Kung hindi ikaw si Akito, Sino kaba?" Tanong ng isa

"Kilala ko si Akito dahil kakambal ko sya" sagot ni Sakuhako

"Ahhh anohh kakambal ka ni Akito, kalokohan" sabi ng lima lumapit si Sakuhako sa kanila

"Ggrahhh" at binigay nya ng tig iisang umbag ang lima

"Mga gong gong kayo, bakit nyo ba sinasabi na ako si Akito ahhh ang layo ng itsura namin mas gwapo at mas matalino ako kaysa sa kanya, wag nyo akong ikukumpara sa gong gong na yun ggrrahhhh"galit na galit na si Sakuhako habang tamang himas noo sila na may mga bukol pa

"Ang sama mo talaga" sabi ng isa

"Bakit? Ano bang ginawa sa inyo ni Akito?" Tanong ni Sakuhako

Nagsitayuan sila at doon na nagsimula silang magkwento

"Ako nga pala si Daigo Fuyutake, kaming lima nag aaral kami sa Takeshi Junior High, Isang buwan na nakakalipas, dahil gusto namin maging basketball player pumasok kami sa club pero ang Captain ng Takeshi Basketball Club ay si Akito, ipinakita namin kung anong kaya namin, pero

"Lumayas kayo mga wala kayong kwentahh hindi kaylangan ng mahihinang katulad nyo dito sa team" sigaw ni Akito

Pagkatapos non, pinagtawanan pa kami ng mga miyembro ng club ang sama nila" kwento ni Daigo Fuyutake isang 2nd year junior high school sa Takeshi Junior high

"Kinalulungkot ko ang nangyari sa inyo, bakit hindi na lang kayo sumali sa ibang team" sabi ni Sakuhako

"Hindi rin nila kami tinatanggap" sagot ng isang lalaki na ang pangalan ay Noriaki Kenshin 3rd year Junior high sa Takeshi Junior high school

"Shaka akala ko ang isang club ay skwelahan para matuto ng basketball, hindi namin alam na makakasali kalang sa team kapag marunong ka nang maglaro ng basketball" sabi nman ng isang lalaki na ang pangalan ay Touyao Kenta 1st year junior high sa Takeshi Junior high

"Sa pitong baguhan, dalawa lang ang tinanggap ni Akito, yung dalawa marunong na mag Basketball, marunong din namn kami kaso hindi kami kagalingan dun sa dalawa" sabi nman ng isa pang lalaki na ang pangalan ay Hitohiku Genji 2nd year sa Takeshi Junior high

At nagsi iyakan ang lima

"Ang sama nila gusto lang namin maging mga basketball player, pero ayaw nila, sila ang humadlang sa mga pangarap namin" sabi ni Daigo Fuyutake

Naiinis si Sakuhako sa mga narinig nya

"Gusto nyong maging totoo ako? Sa mga itsura ninyo talagang mamaliitin nila ang kakayahan ninyo, ikaw ang taba mo ang laki ng tyan mo, ikaw nman kulang ka sa tangkad, tapos ikaw ang payat mo, ikaw nman mukha binabae at ikaw nakakatakot itsura mo, Pero kahit na mukha kayong mga uhugin, mayron nagturo sakin na ang mga mahihina ay maari ring maging basketball player, basta samahan lang ng sipag at tyaga, Yan din ang paniniwala ko, nong naglayas ako samin don ko naisip na kabilang din ako sa mga mahihina, Hindi ako katulad ni Akito na magaling na maglaro ng basketball, Ang sabi sakin ni manong ang pagiging henyo ay nadadaan sa sipag at tyaga kaya nagsisikap ako sa pagpapractice, Wag nyo nang pansinin si Akito, ganun talaga ang ugali nya, Magsipag lang kayo at siguradong tatanggapin din kayo sa ibang basketball club" sagot ni Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt