SIX

86 3 2
                                    

"BESTIEEEEE!!!!!" bungad sakin ni Jeremy when I came back from cafeteria.

"Nasan si Gray? Bakit hindi kayo magkasama ngayon?" pagtutuloy niya ng tanong at umupo sa tabi ko.

"I dont know, nag cutting ata." I responded though I am  still confused kanina sa mga sinabe ni Gray. He is too unpredictable.

"What?! Eh ano bang sinabe niya sayo ha?" Jeremy again asked me. But I did not answer him, instead I took my bag and make it as my pillow to sleep sa table namin.

"Hep! hep! hep! Bestie! You will not sleep on me right now!" Agad naman akong pinigilan ni Jeremy sa gagawin kong pag tulog. Nahahawaan na talaga ako ni Zywon. Speaking of Zywon, why is he absent today ba?

"Ano ba Jeremy, let me sleep, wala pa naman si Sir eh." At kinuha ko ulit ang bag na nasa kanya na.

"Oh, eh tapos pag andito na si Sir tayo mag dadaldalan? Edi napagalitan tayo non!" Pamimilit parin ni Jeremy sa akin. Ang pagiging chismoso ni Jeremy ay never sumagi sa isip ko nung una ko siyang nakita, I guess we can't really judge the book by it's cover, huh?

"Hmm, alam ko na." Jeremy said at the same time making his eyes big as if he is really convinced that what about to come out from his mouth is true.

"Sinabe na ni Gray na gusto ka niya ANO??" Talagang nilakasan niya yon ha, kahit sa kabilang hallway maririnig sinabe niya eh. Tinalo pa niya ng mga speakers sa hallway!

"What?! Is it true Jeremy?" Pang i-issue pa ng mga classmate namin. Wala na akong nagawa at sinalampak ko nalang ulit ang ulo ko sa table namin. Wala talagang magawa ang isang Jeremy Martinez. Pag ako ay napuno sa kanya, talagang wala siyang magagawa.

Ilang segundo bago pa ako maka idlip , may biglang umupo sa tabi ko. Binuksan ko nang kaunti ang aking mga mata at nakita ko si Zywon, but with his chocolates!!!

"Zywon, pahingi please!" tumuwid ako ng upo at humarap sa kanya.

"No." Zywon responded with his eyes still on his chocolates.

"Damot naman..." I said at susuko na sa pambuburaot kay Zywon.

"Well, in one condition." napabaling naman ako sa kanya kaagad.

"What condition?" arte naman, may pa kondisyon pa. Ano bang chocolate yan, may gold?

"You will write my Math assignment." Ah yun lang pala e, tamad.

"Ok whatever, just give me some. I want to stay awake for the rest of the class." inihanda ko na ang dalawang kamay ko sa tatanggaping chocolates na ibibigay ni Zywon. But then a jar of Nutella went on top of my hands instead. However, hindi iyo  galing kay Zywon, but someone from the back is towering us!

"Gray?!" at muntik ko nang mahulog ang jar. Sino ba namang hindi magugulat sa itsura niya ngayon. Para siyang may pinatay na tao at inihatid niya dito ang bangkay na parang nasa iisang misyon siya.

"Hay, buti naman at dumating na ang mister." pag sabat ni Jeremy. I swear to God, Jeremy is really testing my patience.

"Kaya ba wala ka kanina Gray? Kase binilhan mo si Amber ng chocolate?" Math asked.

"Uy! baka sinusuyo niya si Amber guys!  HAHAHAHAHAHAHA." Jeremy said again.

"If you want chocolate, you can have that." Gray said while still looking at me.

"Ah no, thank you nalang Gray. Sapat na 'tong ibibigay sakin ni Zywon." I said and faced Zywon. Gusto ko lang naman matanggal ang antok ko, since chocolate can boost our brain.

"But I want to give you too."Gray said and looked at Zywon. Still he insisted that I should get the Jar.

"But this is too much for a-." I was cut off because our subject teacher was apparently on his way. Reported by our classmate. Wala akong choice kundi itago na lamang ang nutella na ibinigay ni Gray sa akin. I mouthed him 'thank you' before mag start and class.

The class went on and for about how many hours, our teacher finally dismissed us. I dont know why we come to school but always want the class to end, or worse, no class at all.

"Amber." I was packing my things when Zywon called me.

"Yes?" I answered. Unti-unti namang nauubos na ang tao sa room since ang iba ay umuuwi na.

"About sa condition na sinabe ko kanina, I'll give you my notebook." Muntik ko nang makalimutang  nakipag sabwatan pala ako kay satanas.

........................................................................

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DETECTIVE FILES (A FANFICTION)Where stories live. Discover now