FOUR

253 10 3
                                    

AMBER
             
           
              Napagdesisyonan ko nang kunin ang locket at bayaran sa counter at dalhin sa ice cream booth si Jeremy, para makauwi na din kami to prepare.

"Ano may napili ka na ba bestie?" Jeremy asked while sitting near the entrance of the shop. Sana lang ay hindi sya na bored kakahintay.

"Ah yeah, I've decided to give mom a locket. How about you? Baka may natitipuhan ka din sa mga display." I asked even though I know he isn't really fond of jewelries. Hinintay niya lang ako sa waiting area while I was busy deciding what to buy.

"Ha?! Bakit bibilhan mo ba ako ngayon bestie?! Sus wag na! Nakakahiya naman, yung brown na relo parang maganda sa kamay ko siguro, yun oh!" sabay turo niya sa relong naka display. Nahihiya daw pero kung makaturo kala mo anak ko siya.

"Sino naman nagsabing bibilhan kita? Birthday mo ba? Ice cream lang ang budget ko ngayon, puns." I said at pinipigilang paikutin ang mga mata.

"Eto naman nagbibiro lang yung tao e, hehe." he said while grinning.

"Talaga parang 10% biro, 90% totoo yung pagkakasabi mo. Tara na nga para makauwi din tayo nang maaga." I said and drag him out of the chair.

"Fine, pero sinabi mo bang pag birthday ko pwede mo na akong bilhan non?" isa talagang pagkakamali na dinala ko si Jeremy dito. Sana sa ice cream booth nalang kami pumunta at wala nang iba.

"Hindi ko sasabihin, hindi na surprise."

"Bestie naman eh- araaay!" naputol ang pagdadabog ni Jeremy nang may bumangga samin.

"Cooler?!"
"Oh, hi Amber!" Cooler is holding paper bags with him. Why is he alone? Hindi manlang siya sinamahan kahit isang assassin. But of course I won't ask him that, he'll definitely tease me na may gusto ako sa kanya.

"Ehem, what about me? Hindi niyo rin ba sasabihin pangalan ko?" singit ni Jeremy. Kahit kailan panira ka talaga puns. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"What are you doing here, Cooler?" I asked after kong makabawi sa gulat.

"A-ah yes, may binili lang, as you can see." Cooler said shoving the paper bags.

"Hmm, talaga? O baka sinusundan mo lang si Amber? Makakarating talaga to sa NAKAKATAAS." Jeremy said with squinting eyes and started to type on his phone. At ano naman ang sinasabi niyang nakakataas? Kanino naman siya mag susumbong as if may ginawa kaming illegal. Maliban nalang kung may transaction sila ng mafia dito, because that's really illegal. I faced Cooler naman with apologetic smile because of Jeremy's behavior, at siguro ay nasanay na din sila dito.

"Sinusundan? Stalking is creepy and Amber won't like that. Isa pa, I don't need to stalk Amber, I can be with her anytime she wants." Cooler said and winked on me and that's creepier Cooler! I ignored Cooler and dragged Jeremy towards the ice cream booth. Kase pag naubusan ako ng pasensya sa dalawang to ay baka hindi ko matantya sarili ko.

"Pauwi na ba kayo? Ihatid ko na kayo." Cooler said following us.

"Really-"

"Hindi, may pupuntahan pa kami ni Amber." Jeremy said cutting me off.

"Bibili pa kase kami ng ice cream doon." sabay turo ko sa ice cream booth. "Kung nag mamadali ka ok lang, nakakahiya naman kung hihintayin mo pa kami." I added. May natitirang hiya pa ako hindi katulad ng kasama ko, itago nalang natin sa pangalang "Jeremy".

"No problem, Amber. Sasama nalang ako sa inyo at isa pa hindi naman ako nagmamadali." Cooler insisted.

     We headed towards the booth at  nagpalibre pa talaga ang isang leader ng mafia sa akin. If I know, kayang kaya niya pakyawin lahat ng ice cream dito kaso umiral lang pagiging childish niya at nagdabog pa hanggat hindi ko din siya itretreat katulad ni Jeremy. Napapatingin tuloy yung ibang tao sa amin. It's alright though, hindi naman ganon kamahal ang isang cone at may allowance pa naman ako, kaso nga lang pinapahiya ako ng dalawang to dito sa booth. Pag ako talaga naubusan ng pasensya pag uuntugin ko silang dalawa. After naming mag ice cream, Cooler drove us to Bridle. Medyo madilim na nung makarating kami sa Bridle High.

"Thanks Cooler for the ride. So pano, see you later sa mansion." bumaba na kami sa kotse at nasa tapat na kami ng Bridle High nang may natatanaw akong pigura di kalapitan sa gate.

"Anything for you Amber. May susundo na ba sayo?" Cooler asked.

"Amber is going with us." Gray was surprisingly in front of the gate.

"Andito na si mister." Jeremy whispered. Kumunot naman ang noo namin ni cooler at tumingin sa likod.

"How's school, brother?" Cooler asked.

"None of your business." Gray answered. Ang sungit naman, he probably woke up on the wrong side of his bed.

"Patay ka bestie, nagagalit na ang mister." Jeremy whispered again.

 




        

DETECTIVE FILES (A FANFICTION)Where stories live. Discover now